Day 9

97 12 0
                                    

"Hi" I heard him say.
Humarap ako sa kanya nang may seryosong mukha saka ikinrus ang aking mga braso.


"Tara kain tayo my treat." Usal nitong muli

Pumayag ako sa suggestion niya at ngayon ay nakaupo kami sa loob ng isang restaurant.

Humigop ako mula sa tubig ko at saka tumingin sa kanya at nahuli siyang nakatitig sa akin.

"Salamat." Wika ko rito at matamis itong ngumiti sa akin.

"Walang anuman. Kaya rin kita inaya para kahit tumanggi ka masasabi kong nakapagdate tayo." Sabi nito saka tumawa.

"Tungkol doon..." Panimula ko


"May sagot na ako."

Nagising ako sa kalembang ng takip ng kaldero na parang cymbals

"Gumising ka na prinsesa may naghahanap sayo anak ka ng pating."

Minulat ko ang aking mga mata at walang buhay na bumangon habang nakanguso.

"Why so early?" I asked him

"Bumangon ka na may almusal na doon, may naghihintay sayo."

Bumangon ako tulad ng iniutos niya saka dali-daling pumunta sa bathroom para gawin ang morning routine ko.

Natapos na akong magbihis at napag-pasyahan ko nang pumunta sa dining upang madatnan si kuya at si Coelth na nagtatawanan habang kumakain ng to-go food mula sa fast food chain

"Oh! pumarine ka na at kumain ka nagdala si Coelth ng breakfast." Anyaya sa akin ni kuya napatingin naman ako kay Coelth na nakangiti.

"Good morning" Bati nito

Tumango lamang ako at kinuha ang kape

"Anong ginagawa mo ha? Halika dito sa mesa" Sabi ni kuya nang mapansing nasa counter lang ako at walang balak kumain

"I don't do breakfasts, kuya"

"Uupo ka o sasabihin ko kila mama na may boyfriend ka na?" Pananakot nito

"Lakopake matutuwa pa nga 'yung mga 'yon pag nalaman nila eh" I shrugged

"Seila Ylzi." Pagbabanta pa nito kaya wala akong nagawa kundi umupo nalamang sa hapag.

Kumuha ako ng french toast at kinagatan yon nang may nanlalaking mata kay kuya.

"Sabi ni Coelth ihahatid ka na niya sa school." Muntikan na akong mabulunan sa sinabi niya at napatingin nalang kay Coelth

Kumamot naman ito sa kanyang batok at napailing nalang.

"I have my own car." I told them

"We know pero andito na siya sayang yung gas and kung maghihiwalay pa kayo ng sasakyan ay makakasira lang sa environment." Kumagat ito sa french toast niya saka ibinalik ang tingin kay Coelth. "Coelth, ano bang pinakain ng kapatid ko sayo para patulan mo siya ha?" 

Nagkatinginan naman kami ni Coelth sa tanong ni Kuya.

"Honestly, wala siyang ginawa ako talaga ang unang nagkagusto sa kanya." Sagot ni Coelth

"Why?" Pang-uusisa pa ng kapatid ko.

Chismoso.

I also want to know why pero nang makita ko ang oras mula sa wrist watch ko ay napatayo nalang ako saka isinukbit ang bag ko

"We need to go." I said

Nakasakay ako sa Aston Martin niyang kulay itim nang maisipan kong mag-open ng conversation.

"Hindi mo naman siguro sinabi ang tungkol sa sitwasyon natin kay kuya diba? And why does he think you are my boyfriend?" Tanong ko sa kanya habang binabaybay ang daan patungo sa university.

Napatingin itong saglit sa akin saka ngumisi.

"Do you think your brother will treat me like that if I did? He assumed things and hindi na ako makakontra so..." Sagot  nito pabalik "He also knows my family. Our firms being competitor. Noong una ay akala niya siya ang sadya ko but when I told him I was looking for you he loosened up.

Napakibit balikat nalang ako nang marealize na may point nga naman and I guess hindi magiging ganoon ang panakot ni kuya sa akin kung alam man niya ang pinasok kong ito.

Huminto na ang sasakyan malapit sa building ko.

"Thanks for the ride and sorry about kay kuya imbis tuloy na three months kang manliligaw ay nauwi tayo sa fake relationship." I said

"No worries, I'll fetch you later."

Bumaba na ako at umalis na siya para pumasok habang ako naman ay nagmamadaling pumasok.


Free Trial (Offer Duology #1)Where stories live. Discover now