Day 16.3

80 7 0
                                    

Nakaalis na at lahat si Coelth ay hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang kagagahang ginawa ko.

Naka-upo ako ngayon sa kama ko nang maisipan kong kuhanin ang cellphone ko at nagbukas ng IG upang kalimutan ang ginawa ko ngunit kabaligtaran pa ata ang nangyari nang makitang minention niya ako sa IG story niya.

It was the photo of me kanina sa lugawan.

'Why look around when I'm in front of you.'

Yan ang nakalagay sa photo. He also tagged me in his recently posted photo of me while painting. 'She doing her passion while I do mine.' He captioned. Nilike ko iyon at nakitang nagsi-comment-an sila Liedin

Lie_Xeol: Luh.
Oh_Kae: Mas maganda kung 'she do the painting I do the capturing'
Poxeidon: When naman kaya?

Nag-comment rin ako
Sei_what: Picture-picture pa hindi naman ine-airdrop.

Tinignan ko ang mga dm ko at nakita ang reply ni Kuya sa IG story ko

SauSiege:
Suhol pala yung twix...

                                                          Sei_what:
                                           Umuwi ka na nga.

I replied to him and he came active then typed.

SauSiege:
Sige hinatyin mo ko bibili kong pizza for lunch

Matapos siyang replyan ay nakita ko ring nagreply sa story ko ang mga kaibigan ko. Una kong binuksan ang kay Reiajay

Itsreia: May nahulog ata.

I replied to her after I reflected with myself.

I know.

But there are doubts. Maraming gumugulo sa isipan ko kaya hindi ko masabi ang totoong nararamdaman ko.

Ay wow naman Seila! Nahalikan at inakap na 'di mo pa rin sigurado?

In the end, I chose to cover it up. Until I'm sure about this. I'll keep on denying this and I'll make sure that Coelth will be the first one to know.

Sei_what: chill, kaya ko pa.

Agad naman itong nagr-reply sa akin

Itsreia: tandaan mo ilang linggo palang yang deal na yan pero nahuhulog ka na

Napangisi ako sa sinabi niya.

Oo nga no? Iilang linggo pa lang naman pero bakit iba na ang nararamdaman ko? I feel weird.

Sei_what: whatever.

Itsreia: Rupok.

Hindi ko siya nireplyan at lumipat naman ako sa reply ni Nicrina sa story ko.

NiColeim: Oww? Mas mukha kang peasant!

Natawa ako sa sinabi nito at naisipang pikunin rin ang isang ito.

Sei_what: mukha kang aliping sagigilid!

Ayon sineen lang nito ang reply ko matapos niyon ay nag-send naman ako ng message kay Coelth.

Sei_what: Hoi baka ipa-tarpaulin mo pa 'yan ha!

Binaba ko ang cellphone ko nang marinig na bumukas ang pinto.

"I'm home!" Sigaw ni kuya

Agad akong lumabas dahil nagugutom na ako. Hindi na kami nakakain ni Coelth ng tanghalian dahil niloloko na niya ako tungkol sa kiss kaya nang mapikon ako ay umalis na ito saka sinabing susunduin nalang niya ako mamaya rito sa condo para sabay na kaming pumunta ng Orchard Villa.

Free Trial (Offer Duology #1)Where stories live. Discover now