Day 14

69 9 0
                                    

Kasalukuyan kaming naka-upo sa loob ng ice cream parlor na pinuntahan namin para lumamig daw ang ulo ko. Naka-upo kami sa puwestong nasa tabi ng glass window nang mapansin kong nakatitig ito sa akin at tila ba tuwang-tuwa.

"What?" I raised my eyebrow and shoved a spoonful of vanilla ice cream into my mouth.

"You're wearing it." Anas nito habang nakapatong ang baba niya sa kamay niyang pinagsalikop

Wala sa sariling napahawak ako sa scrunchy na binigay niya sa akin at napangiti na lamang. Parang tulad ng ice cream na kinakain ko ay unti-unting natunaw ang inis ko sa kanya.

Sumandal ako sa upuan at siya naman ang mataman kong tinignan habang kumakain ng triple chocolate ice cream niya.

Para siyang bata. I smiled at that thought

Nakangisi niyang nilalantakan ang Ice cream niya ngunit napatigil nang mapansing tumigil ako sa pagkain at muli niya akong tinignan.

"Sabi sayo hindi masarap ang vanilla eh!" Turan niya at hindi pa nakuntento dahil dinuro pa niya ako habang tumatawa. Napansin siguro nitong hindi pa ako uli sumusubo.

How observant.

Kumunot ang noo ko saka siya inirapan bago ko hawiin ang daliri niya sa mukha ko.

"Vanilla is for mature people and chocolate is for kids." Ganti ko naman sa kanya

Tinitigan niya ako ng masama.

"Sa flavor na ba ng ice cream nasusukat ang maturity? Ha?" Tinaasan niya ako ng kilay

Nagulat nalang ako nang kinuha niya ang kutsara ko saka kumuha ng vanilla ice cream ko sabay subo sa kanyang bibig. Shocked with what he did my mouth was left open. Natawa ito sa hitsura ko saka naman kinuha ang kutsara niya and scooped some of his chocolate ice cream then put it in my mouth.

I was shocked with what he did!

Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya. No one ever dared to do that to me.

Umiling nalang ako at akmang aagawin ang kutsara ko sa kanya nang iiwas niya sa akin ito.

"Ah ah not until you admit that chocolate is better than vanilla" He said while gesturing his fingers the no-no sign

Sinubukan ko uli itong kuhanin nang muli niya itong iiwas. Napahinga ito nang malalim and then put his spoon on my ice cream.

"There 'yan ang spoon mo since you don't want to admit chocolate is better than vanilla." He was like a dog owner who is scolding his cute puppy

Nagpatuloy lang siya sa pagkain gamit ang kutsara ko habang ako ay nananatiling nakatingin lang sa kutsara niya at hindi iyon hinawakan man lang. I just removed my gaze at the spoon when he spoke

"Kumain ka na gusto mo pang sinusubuan ka 'di ka naman baby." He quipped not taking his eyes off the ice cream he is eating.

"But I guess you are my baby." May ngisi niyang sabi hindi pa rin inaalis ang tingin sa kinakain.

Namula ako sa sinabi niya at muling binalik ang tingin sa kutsara at para akong napipi.

"Why did you stop eating?" He asked me with a smirk

"Baka may rabies mo pa 'yung kutsara kaya 'wag nalang." And his smirk was wiped out from his face.

"Arte!"

Free Trial (Offer Duology #1)Where stories live. Discover now