Day 21

64 7 0
                                    

"Bakit dala mo kotse mo?" tanong ni Reia habang kumakain kami ng isaw matapos ang klase namin ngayong araw.

"Sasakyan ko pauwi malamang." inismiran ko siya saka tinungga ang suka sa cup.

"Eh? Asan bebe mo di ba siya driver mo?" punong-puno ang bibig niya ng kinakaing isaw

Tinapon ko sa sako ang cup pati stick na pinagkainan ko at hindi siya pinansin. Ngunit sadyang makulit ang lahi ng isang ito at kinalabit pa ako.

"huy asan eka yung bebe mo." Tanong nito muli at nakain na ang isaw

"Tanong mo sa bebe mo." nakapamulsa kong sabi saka siya iniwan "Uwi na ko."

"S-sige Ingat!" pahabol na lamgh niya na halatang nagtataka sa iniaasta ko ngayon.

Matapos ang pag-uusap namin ni Liedin isang linggo na ang nakalilipas ay napagpasyahan ko na lamang dalhin uli ang aking kotse. Tumigil na lamang din ako sa pagtetext at pagdi-dm sa kanya. I decided to be the girl before that offer.

"I'm home." malamyang sabi ko nang makapasok ako sa unit.

naabutan ko naman si kuyang nakaharap sa laptop habang nakasalampak sa lapag.

"Ginagawa mo?" tanong ko rito

tamad naman siyang lumingon sa akin at tila ba bagot na bagot sa kanyang ginagawa.

"Report."

Tumango lang ako saka pumasok sa kwarto upang magbihis. Kinuha ko ang notes ko. Pumunta ako sa art space at dali-daling naupo sa swivel chair ko para mag-advance read.

nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may magnotif sa aking phone. kinuha ko naman iyon at saka tinignan.

coldas_Aicee liked your photo

ni-like ni ate Aicee ang isang photo na in-upload ko sa IG. Agad kong tinignan kung anong photo iyon at ganoon na lamang ang gulat ko nang i-like nito ang picture namin ni Coelth na kinuha noong pinakilala niya ako sa mama niya.

my heart ached the moment I saw the photo. Binalak ko nang i-delete iyon at ang iba pa but I... can't

"I'm trying to forget you but my heart won't cooperate with me." I whispered and put my phone down then continued to study.

Nang matapos ako ay saktong sumungaw ang ulo ni kuya sa pinto para sabihing kakain na kami.

"kain na." naka-ngiti nitong sabi.

sumimangot ako sa kanya at ngumuso. nagpapacute. " Baka sunog yan."

umirap naman ito sa akin. "Umorder ako. Nakakahiya naman sayo broken ka pa naman."

saglit akong natigilan ngunit batid kong napansin niya ang pagkagulat ko dahil halos marinig ko na ang ngisi niya.

"Dali mo namang sabihin yan parang ako lang ang broken sa atin." tumayo ako

sumadal naman siya hamba ng pintuan.

"Desisyon niya na yon"makahulugang sabi nito saka iniwan na ako nito nang makitang malapit na ako

napabuntonghininga ako at sumunod na lamang sa kanya sa dining.

"hindi mo ba siya namimiss?" tanong ni kuya habang kumakain kami ng chinese food na inoder niya

napatigil ang kutsarang dapat ay isususbo ko na saka siya tinignan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago ibaba ang kutsara. "Ikaw hindi mo ba siya namimiss?" tanong ko.

sumandal siya at humalukipkip "bat naman hindi ko siya  mamimiss?" sagot naman nito

ngumiwi nalang ako saka sumubo ng chao fan.

"Walang isang segundo sa bawat araw na dumaan na hindi ko siya naiisip. Mahal ko yon eh. Mahal na mahal." Dagdag nito saka ibinalik ang atensyon sa pagkain

ako naman ang napatigil at napatitig sa kanya.

"Sa kabila ng lahat ng nangyari? Mahal mo pa rin siya?" Tanong kong muli

tumigil ito sa pagsubo ngunit ang mga mata ay nasa kinakain pa rin.

"When you love someone you can never unlove them because somehow that person was a part of what you've become." ngumiti ito pero halata sa mata niyang nasasaktan siya.

"Hindi nag-eexist ang salitang 'Minahal'. Mahal mo pa rin siya pero may humigit na sa pagmamahal mo sa kanya."

Tumayo ito nang tapos na siya sa kinakain.

'losing him was blue like I'd never known'

'Missing him was dark grey all along'

'Forgetting him was like trying to know somebody you never met'

'But loving him was red.'

nakatulala sa kisame habang nakahiga sa kama ay nakikinig ako ng mga kanta ni Taylor Swift nang ito ang sumunod sa track.

"Nice! Ang galing mong karamay Taylor Swift." sinulyapan koi ang cellphone kong tumutugtog

tugmang-tugma ang liriko ng kanta sa pinagdaraanan ko ngayon.

I lost him, I miss him, and I'm trying to forget him.

but...

"Do I already love him?" bulong ko sa sarili

Free Trial (Offer Duology #1)Where stories live. Discover now