Day 23

67 7 0
                                    




"Hoy prinsesa aba alas-onse na ng umaga baka naman gusto mong bumangon at mag-grocery!" Bulyaw ni kuya

"Wala ba tayong nauwing lechon na pwedeng ipaksiw at magpapagrocery ka pa?" garagal ang boses kong tanong

pumalakpak ito at tumawa. "Pang-apat na init na yung inagahan ko at iaagahan mo."

bumangon ako at hinawakan ang aking sentido.

"Sige inom pa! Kampai!" Bulyaw nitong muli

sa bwisit ko ay lumingon ako sa gawi niya at tinignan siyang masama habang minamasahe ang sentido ko. Hindi ko naman kasi sinasadyang maubos yung Cuervo na tinatago niya sa kitchen cabinet. Isang linggo na ata ang lumipas mula noong tumoma kami nila Reia at ilang araw na rin ang lumipas nang matapos ang Pasko at mamaya ay bagong taon na.

"shut your mouth will you?" I stood up to go to the bathroom and do my morning routine.

"Oh eto yung listahan ng kailangan natin tapos inumin mo yang tomato juice. I-lock mo yung pinto pag umalis ka. Mamayang gabi pa ako uuwi dahil groundbreaking namin ngayon sa Bataan." dire-diretso niyang sabi habang inaayos ang kanyang kurbata

tamad ko siyang tinignan mula sa counter at humigop sa juice na gawa niya.

"Himala at may trabaho ka." komento ko

bumuntonghininga ito at sinumulang itupi ang sleeves ng kanyang dress shirt.

"Alam mong binigyan ako ng break nila mama matapos mangyari yon di ba?" kumibit balikat na lamang ako.

"Why are you here? You bought a condo right? Tanong ko muli

lumapit ito sa akin at uminom ng tubig.

"It's haunting there." bumuga pa itong minsan ng hangin. "Full of haunted memories." aniya saka ako nilampasan at pumunta sa pinto.

lumingon itong muli sa akin.

"Hindi lang sa sementeryo mayroong multo minsan alaala, minsan tao pero madalas pareho." makahulugan niyang sabi and then he went out.

oo, ako nga mismo eh na-multo.

nagpalit ako ng long sleeve baseball tee na kulay maroon ang sleeve at ripped jeans saka low-cut na pares ng white sneakers

kinuha ko ang wallet,car keys at listahan ko saka pumunta sa supermarket.

kumuha ako ng cart at nagsimula naman akong bumili ng mga sariwang gulay, prutas, karne, at isda.

"Anong flavor po ma'am?" kinuha ng isang babae ang order ko

"Chocolate po ate." ngumiti ako sa kanya at pinanood siyang i-scoop ang ice cream ko.

matapos kong mamili ay bumili pumunta ako sa Ice cream parlor.

Ice cream parlor na pinuntahan namin.

napabuntonghininga kong kinuha ang ice cream at umupo sa isang table katabi ng glass window.

chocolate...

"Bub" I blurted out the endearment he called me once.

Isang beses mo lang sinabi pero nasa isip ko palagi.

tahimik nalang akong kumain habang pinapanood ang mga sasakyang dumadaan nang biglang mag-beep ang phone ko.

text iyon galing sa isang unregistered number.

From: Unknown number

Bridge. 10 pm.

-C

Unknown number pero alam ko kung sino. Biglang rumagasa ang halo-halong emosyon sa akin. Nanginginig kong i-dinial ang numero ngunit kanya itong pinapatay.

I guess the only way to talk to him is to go there tonight.

"I'm Home!" masiglang anunsyo ni kuya nang makapasok

Kasalukuyan akong lutang na kumakain ng kare-kare kaya hindi ko siya pinansin. Kumuha ito ng plato, kubyertos at baso saka umupo sa harap ko saka pinagsilbihan ang sarili.

"Parang gawa ni mama." Masayang anas niya

hindi ko ito muling pinansin at tinuon ang atensyon sa pagkain.

"Alam mo ang saya ko." Saka lang niya napukaw ang atensyon ko.

"Kanina halos hugutan mo ako ng todo tapos ngayon masaya ka." inirapan ko siya at tumayo nang maubos ang kinakain

"Ewan basta masaya ako ngayon." sumubo ito ng kanin at ulam.

dinala ko ang mga ginamit ko sa lababo saka inurungan ang mga iyon.

"Aalis pala ako maya-maya." hawak ang plato at ang sponge lumingon ako sa kany at nakitang nangunot ang kanyang noo habang nakatingin sa kanyang relo.

"8:30? Uuwi tayo kila mama para magcelebrate hindi ba pwedeng ipagpaliban yan?" sumandal ito sa kanyang upuan at tinaas ang isang kilay.

"Si Ate Aicee gusto akong makasama." pagsisinungaling ko

"Bakit?" taas kilay pa rin nitong tanong

"May ipakikilala raw siya." pagkasabi ko niyon ay bigla siyang suminghal.

"Sige hindi na kita hihintayin dumiretso ka nalang doon and please don't come home drunk." pagsuko nito at nakabusangot nang kumain.

Nang matapos akong maghugas ng pinggan ay naligo ako at iniisip kung ano ang aking sasabihin mamaya.

Nagpalit ako ng puting cami top na pinatungan ko ng light blue cropped jacket at pink wide leg pants saka sinuot ang puti kong Air Force 1.

kinuha ko ang susi ng kotse ko saka lumabas.

"Alis na ako kuya." paalam ko rito "May ipapasabi ka ba?" ngisi ko

"Tangina ka Sei pakisabi nalang na mahal ko siya di na baleng may mahal siyang iba."  Kanta niya bago tinungga nito ang coke na hawak

"Sumbong pa kita sa kumanta niyan." Naiiling akong natawa sa kanyang iniasta at saka lumabas na.

10:04

tinignan ko ang oras nang makaranting ako sa tulay bumuntonghininga at saka bumaba sa sasakyan.

Wala pa siya...

what if hindi rin siya magpakita ngayon?

what if umurong siya?

what if wrong number pala talaga yon?

anong sasabihin ko?

anong sasabihin niya?

madaming bagay ang bumabagabag sa akin dahil sa hindi ko naman ito napaghandaan.

"The deal's done."

nagsitaasan ang mga balahibo ko sa pamilyar na tinig.

Free Trial (Offer Duology #1)Where stories live. Discover now