Day 11

89 10 0
                                    




Nang babaan na ako ng tawag ng magaling kong kapatid ay bumalik ako sa kanila at nagsimulang kunin ang mga gamit ko.

"Oh uuwi ka na Sei?" Tanong ni Liedin sa akin.

"Yeah hinahanap na ako ng kuya ko." Sabi ko rito habang hinahalughog ang bag ko para sa susi ko.

"Shit." I muttered a curse nang mapagtantong hindi ko na yon dinala dahil hindi naman ako nagkotse npapasok dahil sabay kami ni Coelth.

"Stop looking for your keys, you don't have your car. Lika na hatid na kita." Sabi ni Coelth ngunit biglang umalma si Hyra

"I thought we're going to the bar tonight?" Tanong nito kay Coelth

Nahihiyang tumingin ako sa kanila saka kay Coelth. "It's fine, pwede naman akong mag-abang ng jeep or mag-book ng grab I can handle myself. Thank you." Ngumiti ako sa kanilang lahat at akmang aalis na nang hiklatin ni Coelth ang braso ko.

"No, ihahatid kita."Seryosong sabi niya sa akin saka tumingin kila Hyra "Pupunta ako. Ihahatid ko lang siya umuwi na muna kayo" Hindi na niya hinintay na sumagot ang mga ito dahil hinilka nalang niya ako papunta sa parking lot.

Nang makapasok ako sa sasakyan niya ay sinuot ko ang seatbelt ko saka siya tinignan habang pinaaandar amng sasakyan niya.

"I told you pwe-"

"Tinawagan ako ng kuya mo. He said your parents are there." He cut me off

 Mas nauna pa siyang tawagan ni kuya kaysa sa akin? Sino ang tunay na kapatid niya dito huh?

"Paano mo nalaman ang condo ko at number?" Takhang tanong ko sa kanya

"Reia" He said eyes still on the road

That bitch. Napa-iling nalang ako.

"Hidi ka kinakabahan?" Tanong ko uli

"I would be lying if I say 'no' pero pwede na din para kung sakaling hindi kita nakumbinsi at least pabor sa akin ang parents mo." Sabi niya

"Sure kang magugustuhan ka ng magulang ko?" Tanong ko pa

Napangisi naman siya ngunit nanatili ang mata sa daan.

"Kuya mo nga boto sa akin sila pa kaya? Saka sa charm at wittiness ko hindi nila ako magugustuhan?" Pagmamayabang nito sa akin.

Ah, so full of yourself Mister.

"You are so full of yourself. Anyways, may number ka na pala ni Kuya and vice versa pero mas nauna ka pa niyang tawagan kaysa sa akin." Paghihimutok ko pa

"Kaya nga pina-save ko yung number ko sayo halatang wala kang ka-textmate pati kuya mo ayaw kang tawagan o i-text." Pang-aalaska pa niya sa akin

Napairap ako sa tinuran niya. "Gusto mo ba talaga ako o gusto mo lang akong pagtripan?" Diretsong tanong ko rito nakita ko rin ang bahagyang paglunok niya saka siya tumawa ng parang baliw

Tumigil siyang tumawa saka tumingin sa akin saglit.

Don't use those set of eyes on me I  might trip and fall.

"Hindi ko aaksayahin ang panahon ko kung pagti-tripan lang kita."

Free Trial (Offer Duology #1)Where stories live. Discover now