3.

1K 25 55
                                    

            NATATAWANG lumabas sila Blaire at Exequiel mula sa bowling center. Hindi naman na masyadong pinansin ni Blaire ang paglapat ni Exequiel ng kamay nito sa kanyang likuran na para bang normal na iyon at matagal na nito iyong ginagawa.

            His hand on her feels right...feels good. Kaya bakit pa siya magrereklamo kung ganyan naman pala ang pinaparamdam sa kanya ng mga gestures ni Exequiel?

            "I'm still good anyway," natatawang sabi ni Exequiel kay Blaire dahil inaasar siya ng dalaga dahil natalo siya rito. Nakatatlong sunud-sunod na spare ang dalaga sa unang laro nila at naka-apat naman na sunud-sunod na strike ang dalaga sa pangalawang laro nila.

            "How come you're good at bowling?" tanong ni Exequiel kay Blaire.

            "I don't know. Nilalaro ko lang naman siya. I wasn't an athlete or whatever," kibit-balikat at nakangiting sagot ni Blaire. "Honestly, you were good as well."

            "'Wag mo 'kong bolahin," natatawang sagot ni Exequiel.

            "Totoo nga!" natatawang sagot ni Blaire. "Anyway, what are we going to do now?"

            "Let's eat muna before we do something else," nakangiting sabi ni Exequiel. "What do you want to eat?" tanong ni Exequiel.

            "Parang nag-crecrave ako ng Sisig," nakangusong sagot ni Blaire.

            Blaire feels comfortable around Exequiel. She feels like she can really be herself around him. Alam niyang kahit magpaka-isip bata siya, okay lang ito kay Exequiel. Bakit? How can someone make her feel like this on the first date?

            Exequiel smiled after seeing Blaire's pout. Cute, isip niya.

            "Then let's eat Sisig," nakangiting sabi ni Exequiel kay Blaire.

            Nahigit naman ang hininga ni Blaire nang lumipat ang kamay ni Exequiel mula sa kanyang likuran patungo sa kanyang kanang kamay. Exequiel held her hand! At hindi lang basta-bastang hawak, talagang inilagay nito ang mga daliri nito sa pagitan ng mga daliri niya.

            Inilipat ni Blaire ang kanyang mga mata kay Exequiel habang sila'y magkahawak-kamay na naglalakad.

            "There are a lot of restaurants here that serve Filipino cuisine," sabi ni Exequiel habang nakatingin sa kanilang dinadaanan.

            Napangiti si Blaire at tumingin na sa harapan dahil baka may mabangga siya. She also tried biting her lower lip to keep her smile from growing wider, but she failed. Kinikilig siya and she feels so happy as well. Hindi na niya maitago ang kanyang ngiti.

            Sinilip ni Exequiel si Blaire at nakita niyang malapad ang ngiti ng dalaga habang nakatingin sa harapan nila at sinasabayan siya sa paglalakad. He can't help but to smile wider nang makita ang ngiti ni Blaire.

            She's beautiful, isip ni Exequiel.

            "Parang gusto ko rin ng Laing," sabi ni Blaire at liningon niya si Exequiel. Nakangiting nakatingin ito sa kanya, so Blaire chuckled and squeezed Exequiel's hand. "Gusto ko ng Laing," ulit niya.

            "I know. Narinig ko," natatawang sagot ni Exequiel.

            "Nakatingin ka lang kasi eh," natatawang sagot ni Blaire.

            "We'll order everything that you want," sagot ni Exequiel at nagulat si Blaire nang i-angat ni Exequiel ang kanyang kamay na hawak-hawak nito at halikan ang likod ng kanyang palad.

The Waiting GameWhere stories live. Discover now