33.

350 21 14
                                    

            "MAKE sure that you're going to put that down with extra care," sabi ni Blaire sa nagbubuhat ng ginawang malaking unicorn cake ni Reneth. "The baker's going to kill you 'pag nabawasan ng kahit kaunti icing niyan," natatawang dagdag ni Blaire.

            "Yes, Ma'am," natatawang sagot na lang ng taga-buhat kay Blaire.

            Lumabas si Blaire ng garden ng venue ng fifth birthday ng anak ni Exequiel na si Lara. Ang alam niya kasi ay nandoon ang anak nilang makulit at ang "Ninang" nitong si Reneth na kasama rin ang anak nito kay Zandro.

            "Sweetie!" tawag niya kay Lara.

            "Yes, Mommy?" pasigaw na sagot ni Lara.

            "Have you seen your dad?" tanong niya.

            "No!" sigaw ni Lara.

            Kumunot ang noo ni Blaire. Saan naman kaya nagsusuot 'yung mokong na 'yun? Sinabi nang walang trabaho ngayon eh, isip niya.

            Tumalikod siya pero agad namang bumangga siya sa matigas na dibdib ni Exequiel. Tumingala siya at sinamaan niya ito ng tingin. "You snuck away again and answered a business call, didn't you?" tanong niya kay Exequiel.

            "I'm sorry, Wife," natatawang sagot ni Exequiel. "Alam mo namang in demand 'tong asawa mo," dagdag nito.

            "Asawa mo mukha mo," sagot ni Blaire. "Darating daw ba sila Oliver?"

            "Yes," nakangiting sagot ni Exequiel bago hapitin sa beywang si Blaire at isama ang dalaga papunta sa kung saan. "He's also bringing his wife," dagdag nito. "As for Inigo, Alexander, Red, and Castor, they'll be coming alone."

            "What happened with Red's girlfriend?" tanong ni Blaire.

            "Break na sila. Wife, makinig ka naman sa mga kuwento ko sa'yo," natatawang sagot ni Exequiel at hinampas naman siya ni Blaire sa dibdib. "Is everything okay already? Wala namang kulang sa mga binayaran ko?" tanong ni Exequiel.

            Blaire chuckled and said, "Mga binayaran mo talaga?"

            "What? Totoo naman ah? I was the one who paid for everything," natatawang sagot ni Exequiel.

            "It's for your daughter anyway," natatawang sagot ni Blaire. "Her friends and teachers are on the way na nga pala," dagdag ni Blaire. "Don't go around telling the parents of Lara's friends that we're married," paalala ni Blaire.

            Exequiel laughed and said, "I don't go around telling people we're married, Wife. Sila 'tong nag-a-assume na kasal na tayo."

            "And if you weren't paying the media to shut up, I know that even the whole world will think that we're married," sagot ni Blaire pagkatapos niyang umirap sa hangin. "Tatandang dalaga ako sa lagay na 'to eh," dagdag ni Blaire.

            "Wife, pa'no ka tatandang dalaga? I'm here," nakangising sagot ni Exequiel.

            Sasagot na sana si Blaire nang biglang bumukas ang pintuan ng venue at masayang pumasok ang mga magulang ni Exequiel.

            "Blaire!" masayang tawag ni Paula, ang ina ni Exequiel, kay Blaire na ikinatawa na lang ni Blaire. "Anak, kumain ka naman nang maayos. Pumapayat ka. Magpahinga ka rin kasi mukhang pagod na pagod ka oh," nag-aalalang paalala ni Paula habang hinahaplos-haplos ang mukha ni Blaire.

            "Yes, Tita Mommy," nakangiting sagot ni Blaire.

            "Blaire," nakangiting tawag naman ni Robert, ang ama ni Exequiel, kay Blaire.

The Waiting GameWhere stories live. Discover now