41.

361 20 17
                                    

            UMAYOS ng upo si Blaire habang nakaupo siya sa usual niyang upuan sa usual na café na kanyang pinagtatambayan sa Paris. Nakaayos siya't lahat gaya ng mga nakaraan niyang pagtambay sa Paris at nakaupo rin sa tapat niya si Dara.

            She knows that hindi talaga siya totally iniwan ng security team ni Exequiel. Hindi na lang siya nagsasalita dahil ayaw niyang malaman ni Exequiel na alam niyang hindi siya nito totally pinabayaan.

            Pero kahit na nakabantay pa rin ang mga tauhan nito sa kanya, she can't help but to miss him...so much. It has been three weeks since Exequiel left her. Totoo ngang hindi ito magpaparamdam sa kanya at lulubayan siya nito. It was like the time she and Exequiel broke up for good.

            Sobrang bagal ng oras na para bang ang isang araw ay nagiging isang linggo. Para na siyang naghihintay ng halos kalahating taon. Miss na miss na niya si Exequiel na bawat minuto at segundong naaalala niya ito ay hindi mapigilan ng puso niyang masaktan at mangulila.

            Bakit ba kasi tatlong buwan? isip ni Blaire.

            "Tulala ka na naman," dinig ni Blaire na komento ni Dara.

            Tinaasan niya ng kilay si Dara at sinabing, "Uminom ka na lang ng kape."

            "Kape na ata dugo ko sa kakakape natin eh," natatawang sagot ni Dara. "Miss mo na? Eh 'di tawagan mo. Wala namang pumipigil sa'yo," dagdag nito.

            Akala ba ni Dara ay hindi talaga niya tinawagan si Exequiel? She did. Blaire fucking did. Pero ni isa sa mga tawag niya ay hindi sinagot ni Exequiel. Umabot pa sa point na binlock na talaga nito ang number niya.

            'Di ba nga't pumunta pa siyang Pilipinas? Pero pinagtaguan lang siya nito. He even asked his people to lie to her about his whereabouts.

            Gago siya, isip ni Blaire.

            But every time she feels resentment towards Exequiel ay nawawala lang ang inis niya rito dahil naaalala niya 'yung gabing kinausap siya nito sa kusina niya sa apartment niya rito sa France;

            She can remember Exequiel's eyes when he told her that he'll leave her for three months;

            She can remember Exequiel's eyes when she asked him "why are you doing this to me?" and he answered back with the same question and told her to stop being selfish;

            She can remember Exequiel's eyes when he told her to stop being weak and afraid because that's not the woman he's supposed to end up with;

            It hurt her pero wala siyang magagawa dahil alam naman niyang matagal na niyang sinasaktan si Exequiel, na matagal na niyang kinukulong si Exequiel, na matagal na siyang nagiging unfair kay Exequiel.

            Gago ka kasi. You're so cruel and selfish. How could you do that to him? isip ni Blaire. You don't deserve someone like Exequiel.

            "Oh, saan ka pupunta?" gulat na tanong ni Dara nang makitang tumayo bigla si Blaire mula sa inuupuan nito sa kanyang tapat. "Blaire?" tawag niya ulit dito nang mag-iwan lang ito ng cash sa ibabaw ng lamesa. "Blaire, where are you going?" tanong niya ulit at sinundan niya si Blaire.

            "Maghahanap ng jojowain," simpleng sagot ni Blaire sa kanya.

            "Gago ka ba?" nakakunot ang noong tanong ni Dara. "Akala ko ba mahal mo si Exequiel? Ba't ka lalandi?"

            Natigilan si Blaire sa tanong sa kanya ni Dara. Humigpit ang pagkakahawak niya sa bag na kanyang dala-dala. You don't deserve someone like Exequiel...You don't deserve to be loved because you ruined two people who did nothing but to love you...

The Waiting GameWhere stories live. Discover now