38.

357 18 9
                                    

            "TAKE care, Sweetie," nakangiting sabi ni Blaire kay Lara bago yakapin nang mahigpit ang bata. "I love you," bulong ni Blaire at naramdaman niyang mas humigpit ang pagkakayakap ng bata sa kanyang leeg at mas sumubsob pa ito sa kanyang leeg.

            "Mommy, I love you," sagot ni Lara sa kanya.

            Ilang minuto silang magkayakapan ng anak bago kusang humiwalay si Lara at tumayo naman nang maayos si Blaire. "Ingat ka rito, Blaire. I hope to see you again soon," nakangiting sabi ni Clarita kay Blaire bago yakapin ang dalaga.

            "It was nice meeting you, Rita," nakangiting sagot ni Blaire pagkatapos niyang yakapin ang totoong ina ni Clarita. "You're a good mother," dagdag ni Blaire.

            Ngumiti si Clarita at maingat niyang sinabayan ang anak papaakyat ng private plane ni Exequiel. Matagal nang may sariling eroplano si Exequiel pero mas ginagamit nito iyon kapag may trabaho ito at hindi kapag magliliwaliw sa ibang bansa.

            Kumaway si Blaire kay Lara nang lumingon ito sa kanya at natawa siya nang mahina nang mag-flying kiss ang anak sa kanya bago tuluyang pumasok ng eroplano.

            "Sleep immediately when you arrive back to your apartment," dinig ni Blaire na sabi sa kanya ni Exequiel na hindi niya naramdamang nakatayo na pala sa kanyang tabi.

            Alam ni Blaire na nagtataka si Clarita at pati na rin sila Dara dahil hindi sila nagpapansinan ni Exequiel habang papunta silang lahat sa airport. Blaire just couldn't find herself to speak to him, not because she hates him or anything pero iniisip niya kasing galit sa kanya si Exequiel.

            Hindi rin naman din siya pinapansin ni Exequiel, ni tingnan nga siya ay hindi nito nagawa. Ngayon lang siya nito nilapitan at kinausap, pero ni hindi nga ito nakatingin sa kanya.

            "I'll see you three days from now. I asked Dara to accompany you to see someone tomorrow," sabi ni Exequiel kay Blaire pero hindi pa rin sila nakatingin sa isa't isa at nanatili lamang magkatabi.

            "And then?" tanong ni Blaire.

            "And then, like I said, I'll see you in three days," sagot lang ni Exequiel bago maglakad at umakyat ng eroplano.

            Bumuntong-hininga si Blaire. Hindi pa rin siya nito tiningnan at talagang nagbilin lang bago umakyat ng eroplano nito. She shook her head and set aside her thoughts. Naaninag niyang nakasilip si Lara sa kanya mula sa bintana ng eroplano kaya kumaway siya rito.

            "Blaire, we'll have to take steps back," dinig ni Blaire na sabi sa kanya ni Dara. Tumango na lang siya at sumunod kay Dara.

            Tumayo sila sa tabi ng sasakyang kanilang sinakyan kanina at nasa likod naman no'n ang sasakyan ng security team ni Blaire.

            "What's up with you and Exequiel?" tanong ni Dara kay Blaire. "Nag-away ba kayo?"

            Hindi sumagot si Blaire at nanatiling nakatingin lang sa eroplano.

            "Well, that's a first. Ano naman kayang pinag-awayan ninyo?" sabi ni Dara. "Ni hindi ka man lang hinalikan sa noo katulad ng lagi niyang ginagawa," dagdag ni Dara. "Ginalit mo nga ata. Ano ba kasing ginawa mo?"

            "Hindi ka ba titigil?" asar na tanong ni Blaire kay Dara.

            Ngumisi si Dara at sinabing, "So, nag-away nga kayo."

            "It's none of your business," malamig na sagot ni Blaire. "Sasamahan mo raw ako bukas?"

            Dara rolled her eyes and said, "Lagi naman kitang sinasamahan 'no pero yes, may binilin kasi sa'kin si Boss."

The Waiting GameWhere stories live. Discover now