34.

360 21 12
                                    

            NAASAR na tinanggal ni Exequiel ang eyeglasses niya at ipinatong niya iyon sa ibabaw ng kanyang lamesa. Bigla na lang kasi siya ni-notify ng head ng team ng bodyguards na pinadala niya kasama si Blaire sa France na may balak raw umalis si Blaire ng France.

            This is all Phylane's fault, isip ni Exequiel.

            Phylane is a daughter of an airline magnate kaya naman labas-masok din ito sa airport, may flight man ito o wala. Talagang tinotoo nga nitong ito ang lalapitan ni Blaire kapag gusto nitong umalis bigla-bigla.

            Blaire has been in France for four months now. Exequiel has been to France two weeks ago to visit Blaire pero kailangan niya ring umuwi dahil inasikaso naman niya si Lara. He's having a hard time making Lara come back to her real family.

            Hindi naman kasi talaga nawalan ng koneksyon ang pamilya ni Lara sa bata. Inaamin ni Exequiel that it was hard to let his daughter go, but he must dahil hindi naman siya ang tunay na ama ni Lara. Besides, he hasn't really legally adopted Lara. She's his foster daughter.

            He was devasted, of course, dahil hindi na siya ang uuwiang ama ni Lara, but Lara has to go back to her real parents. And as Blaire said, "Letting Lara go back to her real parents doesn't mean she's not our daughter anymore."

            He just has to find a way to make Lara agree to come back to her real family. Nahihirapan siyang mag-isip ng pupuwede nilang gawin ng tunay nitong mga magulang.

            Lara's real parents are doing well now. May sariling bahay na ang mga ito at financially stable na talaga. Hindi na rin kinailangang mangibang-bansa ng mag-asawa dahil na-relocate sila sa Pilipinas at talagang bumalik na ang mga ito sa Pilipinas.

            Panatag si Exequiel that Lara will grow happy with her real parents at syempre, hindi rin naman sila mawawala sa buhay ng bata at sa pamilya nito.

            Ayun nga, apat na buwan na si Blaire sa France, and this is the first time in four months that she'll be leaving the country. Ngayon lang din ito hindi nagpaalam sa kanya. Talagang kung hindi pa siya sinabihan ng head ng security team ni Blaire, hindi niya malalaman.

            Agad niyang kinuha ang cellphone mula sa kanyang lamesa at tinawagan niya si Blaire. Agad din namang sumagot ang dalaga.

            "Saan ka pupunta?" tanong ni Exequiel kay Blaire.

            He tried to remain calm dahil alam naman niyang hindi rin niya mapipigilan si Blaire at walang patutunguhan ang inis niya.

            Narinig ni Exequiel ang tawa ni Blaire mula sa kabilang linya at sinabi nitong, "Greece."

            Kumunot ang noo ni Exequiel sa sinagot nito. What's up? Bakit bigla na lang siyang aalis? isip ni Exequiel. Bigla tuloy siyang nag-alala dahil sa padalos-dalos na desisyon ni Blaire.

            "What will you be doing in Greece?" tanong ni Exequiel.

            "I'll be roaming around, duh? Come on, Exequiel, I'm bored en France. Je dois y aller somewhere else!" bagot na sagot sa kanya ni Blaire. (I'm bored in France. I have to go somewhere else!)

            Napataas ang kilay ni Exequiel dahil talagang pinaghalo pa ni Blaire ang English at French, just like a real bilingual. Multi-lingual nga pala 'to at hindi lang bilingual, isip ni Exequiel. Ilang lenggwahe nga ba kayang salitain ni Blaire? Seven—English, Filipino, Tagalog, French, Spanish, German, Italian.

            Naalala tuloy ni Exequiel na talaga in-explain sa kanya noon ni Blaire ng kaibihan ng Filipino sa Tagalog.

            "They're not fucking the same, Exequiel," sabi ni Blaire sa kanya. "Filipino is the accumulation of ALL the Philippine languages, while Tagalog is ONE of the Philippine languages. It just so happened na naging Tagalog-dominated ang Filipino that goes a long way back to Manuel L. Quezon's term. My God, hindi ba 'yun tinuro sa inyo no'ng college? Nasa 1987 Philippine Constitution din 'yun 'no, specifically Section 6 of Article XIV."

The Waiting GameWhere stories live. Discover now