37.

350 21 15
                                    

            "Part of your heart is off limits and I can't get it. It's now or never; there comes a point I can't keep waiting."Taylor Buono, Love Me By Now (The Wedding Year 2019)


            MASAYANG sinalo ng mga braso ni Blaire si Lara nang tumakbo ito palabas ng kotseng sinakyan nito papunta sa kanyang apartment. "Hi, Sweetie, welcome back," masayang sabi ni Blaire bago pugpugin ng mga halik sa mukha ang bata.

            "Mommy, I missed you po!" masayang sabi ni Lara.

            "I missed you too, baby," nakangiting sagot ni Blaire at hinawakan na niya sa kamay si Lara bago tumayo mula sa kanyang pagkakasquat para salubungin ang ina ni Lara na si Clarita na. "Hi, Rita," nakangiting bati ni Blaire sa ina ni Lara.

            "Blaire," nakangiting sagot ni Clarita bago hablutin si Blaire para yakapin ito nang mahigpit. "Thank you for being my daughter's second mom," bulong nito.

            "Of course, it's a pleasure," nakangiting bulong ni Blaire bago siya kumawala sa yakap ni Clarita. Nakausap na niya ito kagabi bago ang flight ng mag-ina, at sinabi nito sa kanyang "Rita" na lang ang itawag dito.

            "Pasok na tayo and let's eat breakfast," nakangiting sabi ni Blaire sa mag-ina at pumasok na sila sa apartment building niya.

            "Bonjour," bati ng kapitbahay ni Blaire nang makasalubong nila itong palabas ng elevator.

            "Bonjour," nakangiting bati ni Blaire bago sila tuluyang pumasok nila Lara ng elevator. "Some apartments here in Paris have vintage elevators pero rito sa building namin, hindi naman," nakangiting sabi ni Blaire kay Clarita.

            "Ah. Nabasa ko kasi minsan no'ng nasa UK kami na vintage mga elevators dito eh," sabi ni Clarita kay Blaire. "So, pang-ilang beses na ng anak ko rito?" tanong nito.

            "Hmm, I think this is her third time," nakangiting sagot ni Blaire. "Dinadala lang naman siya ni Exequiel dito 'pag wala talaga siyang pasok nang matagal. We don't want her to skip classes," dagdag ni Blaire.

            Lumabas sila ng elevator nang bumukas ang pintuan at dumiretso sila sa apartment ni Blaire kung saan naghihintay ang dalawang parte ng security team ni Blaire sa may labas.

            "Welcome back, Lara," nakangiting sabi ni Peter, isa sa mga bodyguards ni Blaire.

            "Hello po!" masayang sagot ni Lara at kinawayan din nito ang masungit na bodyguard ni Blaire na si Guian na tinanguan lang si Lara.

            "Gentlemen, I'd like you to meet Rita, she's Lara's mother," nakangiting pakilala ni Blaire kay Clarita sa mga bodyguards niya. "Rita, I'm sorry if they're going to be with us most of the time. Masyado kasing paranoid si Exequiel eh," sabi ni Blaire.

            "Naku, nasabi na sa'min ni Exequiel 'yan," natatawang sagot ni Clarita habang pumapasok sila sa loob ng apartment ni Blaire. "Ang ganda ng bahay mo," nakangiting puri ni Clarita nang makita ang loob ng bahay ni Blaire.

            "It's a two-bedroom apartment with a wide living room, a modern kitchen, a modern dining area, and veranda," nakangiting sabi ni Blaire bago pakawalan ang kamay ni Lara dahil nakita nito ang pile of pancakes sa dining table sa hindi kalayuan. "She loves pancakes," natatawang sabi ni Blaire.

            "Kung luto mo lang," natatawang sagot ni Clarita. "Pinagluluto ko siya ng pancakes pero 'yung sinangag ang mas pinapansin niya," dagdag ni Clarita.

The Waiting GameWhere stories live. Discover now