39.

357 20 11
                                    

            BLAIRE held Exequiel's hand na inilahad nito sa kanyang harapan para tulungan siyang makababa ng sasakyan nito. Nanlaki ang mga mata ni Blaire nang makakita siya ng mga celebrities na pumapasok ng venue.

            "I-Is that Chris Evans?" tanong ni Blaire kay Exequiel.

            "Yes," natatawang sagot ni Exequiel kay Blaire. "There are a bunch of Hollywood actors around. This is a private charity event kaya walang paparazzi. But knowing how good paparazzis are, maya-maya lang dudumugin na rin 'tong lugar na 'to."

            Tumango-tango si Blaire pero hindi niya maialis ang mga mata kay Chris Evans. Shocks, crush na crush ko 'yan noon. Ang guwapo pa rin, isip ni Blaire. Inilipat naman ni Blaire ang tingin sa ibang tao at nanlaki ulit ang mga mata niya nang makita si Roger Federer.

            Diyos Ko, ba't ba hindi ako nagdala ng papel? isip ni Blaire. She has always been a fan of tennis legend Roger Federer. For her, he's a tennis legend. He dominates grass court. Kapag naman si Rafael Nadal, clay court. Baka nandito rin si Nadal? isip ni Blaire.

            "Wife, pumasok na tayo," natatawang bulong ni Exequiel kay Blaire. "Nandito rin si Nadal. Pati si Djokovic, the Williams sisters, and many more tennis stars that you know."

            "Wala ka bang papel diyan?" tanong ni Blaire kay Exequiel na ikinatawa ulit ni Exequiel.

            "God, you're cute," natatawang sabi ni Exequiel. "You look really beautiful tonight, Wife."

            "Thank you," nakangiting sagot ni Blaire.

            She's wearing the Baby Blue satin evening gown that Exequiel bought for her. It hugs her body nicely that the satin really shows her curves. She also wore the diamond moon necklace and pair of earrings that she bought back in Paris from a famous jewelry boutique.

            "Wait, so you're telling me na nakatabi mo sa eroplano si Sandra Bullock?" tanong ni Blaire kay Exequiel habang nakatingin sila kay Sandra Bullock na masayang nakikipag-usap sa 'di kalayuan.

            "Yes," natatawang sagot ni Exequiel.

            "Sasama na 'ko 'pag niyaya mo 'kong sumama sa'yo," natatawang sagot ni Blaire na ikinatawa ni Exequiel. "What's happening there?" tanong ni Blaire nang makita niyang may mga nagkukumpulan sa isang gawi ng venue.

            "Magic show," nakangiting sagot ni Exequiel. "Let's go."

            Tuwang-tuwa si Blaire sa pinapanood niya. Alam naman niya 'yung secrets behind some of the magic tricks pero tuwang-tuwa pa rin siya. Nakakaloka. Iba ang charity event na 'to. Dinedemonyo ata siya kasi hindi nga niya gustong um-attend ng mga charity events pero heto siya't nag-eenjoy. Malamang dedemonyohin ka talaga kasi hari ba naman ng mga demonyo kasama mo.

            Lumapad ang ngiti ni Exequiel habang pinapanood si Blaire. Nakapulupot ang braso niya sa beywang ng dalaga habang nanonood sila ng magic show pero ang atensyon niya'y nakatuon lang kay Blaire.

            I'm going to miss you, my love, isip ni Exequiel.

            He doesn't want to, but he needs to.

            "What's going on in there naman?" tanong ni Blaire kay Exequiel habang nakaturo sa kabilang gawi ng venue.

            "Casino games," sagot ni Exequiel. "All the money goes to charity. For fun lang talaga 'yang mga games diyan," dagdag ni Exequiel and he tightened his arm around Blaire's waist dahil nakita niyang maraming patingin-tingin kay Blaire.

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon