17.

363 23 12
                                    

So, I ain't looking over fences, trying to find a better view

My search for all that ended when I first laid eyes on you

And the grass is always greener

'Cause the sun shines when you smile

And when I'm holding you the world makes sense

On my side of the fence

—My Side of the Fence by Dan + Shay (2018)


            NAKAKUNOT ang noong pinagbuksan ni Blaire ng pintuan si Jessica na walang pasabi at talagang bigla na lang pumunta sa kanyang tinitirhan. Sobrang lapad ng ngiti nito sa kanya at dumiretso papasok ng unit ni Blaire.

            "Did you really have to push me aside? Is this even your house?" asar na tanong ni Blaire kay Jessica dahil talagang tinulak siya nito para makapasok ng unit niya.

            "Ang tagal mo kasing harang sa daan," natatawang sagot ni Jessica. "What do you plan on doing today?" tanong nito habang inililibot ang tingin sa living room ni Blaire.

            "Sleep," simpleng sagot ni Blaire bago malakas na isara ang pintuan niya. "And you're ruining my plan. Where's Kuya Martin? Ba't hindi siya ang istorbohin mo?" asar na dagdag ni Blaire.

            "May ginagawa lang saglit," sagot ni Jessica. "Talagang matutulog ka lang? Wala kayong plano ni Exequiel?" tanong nito.

            "Kailangan ba lagi kaming may plano? It's not like you and Kuya Martin see each other everyday," sagot ni Blaire at inabot niya ang remote control sa ibabaw ng center table niya para patayin ang kanyang television.

            "Labas tayo," yaya ni Jessica kay Blaire na nakapagpataas ng kilay ng dalaga.

            "Nag-away ba kayo ni Kuya Martin?" tanong ni Blaire.

            "Sira!" natatawang sagot ni Jessica. "Hindi ba puwedeng na-miss kita?"

            "Jessica, we saw each other last week," nakakunot ang noong sagot ni Blaire. "Also, it's not like we really bond like we're sisters or something," dagdag ni Blaire. No offense meant naman siya sa kanyang dinagdag 'no. Totoo naman kasi iyon.

            "Kaya nga magbo-bonding ngayon," natatawang sagot ni Jessica. "Isama na rin natin 'yung friend mong si Reneth."

            "Busy siya," sagot ni Blaire.

            "Busy? Eh kasasalubong ko lang sa kanya sa may labas ng building mo 'no. Nagjo-jogging ata muna bago bulabugin ang buhay mo," kuwento ni Jessica.

            "Ikaw ang nambubulabog ng buhay," asar na sagot ni Blaire. "Jessica, all I want to do today is to sleep. Mahirap bang hingin 'yun? Kung ayaw mong umalis, you're free to stay," sabi ni Blaire bago sumalampak sa kanyang mahabang couch.

            "Tbh, kaya ako nagpunta rito kasi I need your opinion on this dress that I'm planning to buy for Martin's birthday," sabi ni Jessica at tumabi kay Blaire sa couch.

            "Bakit ako? Wala ka na bang friends?" tanong ni Blaire.

            "Bakit ba parang ayaw mo 'kong kasama ha?" tanong ni Jessica sabay hampas sa braso ni Blaire.

            "Ang bigat ng kamay mo!" asar na sabi ni Blaire habang hinihimas-himas ang brasong hinampas ni Jessica. At talagang may singsing pa 'yung kamay na pinanghampas sa kanya kaya masakit talaga.

The Waiting GameWhere stories live. Discover now