Marie's POV
Kakarating ko lang ng bahay ngayon at grabe lng talaga bakit ba kase ang hihirap ng binibigay ni boss samin na project, tulad ngayon ang dami ko na namang dapat ipapirma at asikasuhin, dumiretso muna ako sa kwarto at nagbihis pagkatapos ay nagpahinga na ako, hindi na ako kumain dahil busog pa nman ako. Kinabukasan maaga ulit akong gumising nagluto muna ako bago kumaen at saka naligo na, papaalis na sana ako ng bahay ng maalala ko yung pulubi naglagay ako ng kanin at ulam sa baunan para sana ay ibigay ito sa kanya mamaya,
Saktong pagkakababa ko ay natanaw ko na siya sa puwesto niya kaya agad ko siyang nilapitan at ibinigay ang dala ko sinabi ko din sa kanya na araw araw ko siyang dadalhan ng pagkain dito, dahil malapit nang mag 7am ay nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa trabaho ko itunuro ko din sa kanya ang building kung saan ako nagtatrabaho umalis na ako nun pero naisip ko pala na hindi ko pa pala alam ang pangalan niya, saka ko na yun itatanong sa kanya sa ngayon ay kailangan ko nang magmadali. Pumasok na ako at nag elevator sakto naman na pumasok din ang boss ko kaya binati ko siya
"good morning sir" bati ko sa kanya,
tumingin nman siya sakin at saka nagsalita.
" good morning din Ms. Santos, hmm mukhang maaga ka ata pumasok ngayon ah" pagtataka ni boss.
"ahm sir talagang inagahan ko po talaga dahil marami po akong dapat tapusin ngayon lalo na po yung project na ibinigay niyo kahapon" sabi ko sa kanya.
Ayoko talagang magkaroon ng tambak na paper sa table ko kaya habang maaga pa ay tapusin ko na.
"good job Ms. Santos, ipagpatuloy mo lng yan at pagbutihin ang iyong trabaho " nakangiting sabi ni sir.
Sakto namang tumunog at bumukas ang pintuan kaya naunang lumabas si boss, hindi ako makapaniwala mukhang nagustuhan niya yung pagtatrabaho ko ng maayos maya maya pa ay nakarating na rin ako sa table ko kung saan ako nakapuwesto, umupo agad ako at pinirmahan ang ibang document na ibibigay ko mamaya at saka itong ibang papel na ipapapirma ko kay Mrs. Castro kaya naman nagmadali akong umalis at pumunta sa office niya..
Lunch time na at naisipan kong bumaba dahil gusto kong puntahan yung pulubi sa baba, pagkalabas ko ay nadatnan ko siyang nakaupo at nakasandal lng sa may pader, nilapitan ko nman siya
"Hi! Ano nga palang pangalan mo?"tanong ko sa kanya,
hindi na muna siya kumibo at nakatingin lng sakin maya maya pa ay nagsalita din siya.
"ako si eko" sagot naman niya, ang ikli nman ng name niya as in E. K. O lng talaga syempre nagpapakilala din ako sa kanya,
" ako naman si Marie" nakangiting sabi ko.
tinanong ko din sa kanya kung taga saan siya at kung may pamilya pa ba siya pero hindi siya sumagot kaya iniba ko na lng ang tanong ko sa kanya
"ah eko ilan taon ka na pala" tanong ko,
"20" matipid niyang sagot.
maya maya tumawid akong kalsada at binilhan siya ng makakain sa karinderya.
"eko? etoh binilhan ulit kita ng makakain mo baka kase nagugutom kana " sabi ko sabay abot ng binili ko sa kanya.
" ah salamat pero hindi pa ako nagugutom at saka nakakahiya na din sayo nag abala ka pa" paliwanag niya
"naku wag ka nang mahiya eko binili ko tlaga yan para sayo, kung busog ka pa itabi mo na muna kainin mo na lng mamaya kapag nagutom kana" sabi ko.
tumango lng siya at nagpasalamat nagpaalam na din ako sa kanya na aakyat na ako dahil bka andun na ang boss ko..
Laging ganun ang ginagwwa ko, araw araw ko siyang pinupuntahan at binibigyan ng pagkain, minsan nga ay ang ibang katrabaho ko ay napapatingin na lng at nagtataka kung bakit ko daw laging kinakausap si eko, hindi ko na lng sila pinansin.
Lumipas ang ilang linggo naging mas close na kame ni eko, kinukuwento ko pa nga sa kanya yung mga karanasan ko ng bata pa ako, yung tungkol sa pamilya ko, minsan nagjo joke din ako sa kanya kaya nga napapangiti ako tawang tatawa naman siya, masaya naman kausap si eko mabait siya at malambing minsan.
Naikuwento din niya saken ang buhay niya at marami pa siyang ikinuwento.
Araw ng biyernes at ginanahan akong pumasok nagdala ulit ako ng pagkain ni eko nasanay na kase akong nakikita ko siya lagi at binibigyan nito kaya habang hindi pa sumisikat ang araw ay nagmadali na akong pumasok sa trabaho. Habang nasa bus ako nag iisip ako ng joke na sasabihin sa kanya, ganun kase lagi ang ginagawa ko dahil sa joke ko lng siya natatawa pagkakababa ko ay nagmadali akong tumakbo papunta sa puwesto niya pero laking gulat ko ng wala siya doon.
Nagtanong ako sa nagtitinda ng candy at sigarilyo kung napansin niya ba si eko na umalis pero ang sabi niya ay umalis daw ito kagabi pa, may sumundo daw dito na isang sasakyan, nagtaka nman ako bakit nman siya susunduin ng sasakyan eh pulubi lang nman siya,hindi na lamang ako nag isip ng iba pa at tumuloy na sa gusali naisip ko na siguro ay may pinuntahan lng siya at babalik din siya agad kaya hindi ako nawalan ng pag asa.
Kaninang break time bumaba ulit ako at tiningnan siya pero wala pa din, dumaan din ang lunch time naisipan kung lumapit sa bintana at tumingin sa baba ng building pero wala din eh.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil ngayon ko lng hindi nakita si eko, nakasanayan ko na kase na lagi siyamg nakikita at dinadalhan ng pagkain ano kayang nangyari kay eko saan kaya siya pumunta. Sa pagiging mag close namin alam kong kaibigan na rin ang turing sakin ni eko dahil ako lamang ang kumakausap sa kanya at nagbibigay ng makakain araw araw, nakakalungkot lang talaga hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita araw araw.
Umuwi akong malungkot at pagod na pagod sa bahay halos wala na akong pahinga dahil sa trabaho ko, itinulog ko na lamang ang nararamdaman ko ngayon at bka bukas ay okag na rin ako. Hindi na ako kumain dahil wala akong gana sa ngayon.
Kinaumagahan nga ay maaga akong nagising ipinagluto ko si mama ng almusal at saka nag asikaso na rin ako dahil papasok ako ngayon, gaya ng dati lagi kong tinitingnan ang puwesto ni eko pero wala pa din siya doon sa hagdan na ako dumaan paakyat dahil gusto kong iexcercise ang katawan ko pagkarating ko ay pagod akong umupo sa upuan ko at saka tumungo sa desk ko dahil mukhang inaantok ako kaya pinipigilan kong huwag pumikit ang mga mata ko, bigla ko na lamang naisip si eko yung mga ngiti at tawa niya tuwing nagkukuwento ako sa kanya.
Nalungkot na nman ako ng maalala siya,bigla na lamang akong napaayos ng upo ng marinig kong may tumawag sakin ang sabi niya ay ipinatatawag daw kaming lahat ni boss dahil may importante daw na sasabihin at ipakikilala samin, tumayo na ako at saka naglakad hmmp ano nman kaya yun at saka sino baka yung anak niya nabanggit kase samin ni boss na may anak siyang lalaki eh.
*******

YOU ARE READING
Ang Pulubi Kong Boss (Completed)
Short StoryPLEASE READ, VOTE AND COMMENT. THANK YOU :*