THIRD PERSON POV
Hindi maka paniwala si marie sa sinabi ng boss niya at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito
"ah sir?. ahh ano kasi.."
Nag iisip siya kahit sa pagsabi niya man lang, nagsalita naman si jericho.
" marie? Pwede ba ako manligaw sayo?" tanong ulit ng binata dito ngunit ang sagot niya lang ay
"pag iisipan ko muna, ayokong magmadali at isa pa ang dapat kong intindihin sa ngayon ay ang trabaho ko " paliwanag niya.
Tumango nman ang ang lalaki sa kanya at mukhang naintindihan niya nman ito, naisip niya din na siguro ay hindi niya muna binigla si marie sa panliligaw .
Marie's POV
Pagkatapos ng pag uusap namin nun ni sir jericho ay nagmadali na akong umalis, oo may nararamdaman na ako para sa kanya pero sadyang hindi ko pa rin alam ang isasagot sa kanya, kung ganun ay may gusto din siya sakin kaya liligawan niya ako?
Ganun ba yun, hayss mukha tuloy akong tanga dito dahil pinag iisipan ko ang tungkol doon . May pasok na nman ako kaya ito kinakabahan na nman ako dahil makikita ko siya, matagal kong pinag isipan ito kagabi halos hindi na ako makatulog nun , maya maya pag pasok ko ay konti pa lng ang mga ka work ko kaya naisipan kong bumaba para makapag kape pag baba ko parang nag slow motion ang paligid ko dahil saktong papalabas na ako ay si sir jericho naman ang nakita ko grabe ang gwapo niya, naka polo siya ng long sleeve at naka tuck-in ito, naka shades siya nun at napansin kong may bulaklak na naman siyang dala. Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatayo at ilang sandali pa ay nasa harapan ko na siya
" good morning marie" sabay abot niya ng bulaklak kaya tinanggap ko nman iyon
" good morning din sir" bati ko.
Breaktime namin kaya inutussn ako ni sir na papirmahan itong papeles kay Mr. Gonzalo pagkatapos kong magawa iyon ay bumalik na ako agad, pagkabalik ko ng office niya ay kinausap niya ako tungkol sa panliligaw niya kaya kabadong kabado ako nun, papalapit ng papalapit si sir jericho sa akin kaya umuurong naman ako hanggang sa upuan na yung nasa likod ko, ngayon ay nasa harap ko na siya at napaka aliwalas ng mukha niya .."ah sir ano.. ah may sasabihin po sana ako, pinag isipan ko po kasi ito ng mabuti kagabi" sabi ko.
Nakatingin lng siya at hinihintay ang sasabihin ko." pumapayag po ako " sabi ko, doon ay napangiti siya at bigla na lng akong niyakap.
"thank you marie, promise araw araw kitang liligawan at dadalhan ng bulaklak" sabi niya..
Isang buwan niya akong niligawan at alam ng mga kasamahan ko na nililigawan ako ni jericho, sinabi kasi niya nung pagkatapos kung pumayag ayaw niya daw na may manligaw sakin na ibang lalaki kaya sinabi niya na sa mga ka work ko, araw araw nga siyang nagbibigay ng bulaklak, malambing at ang sweet niya syempre ang gentleman niya rin ..
Pagkatapos pa ng ilang araw ay sinagot ko din siya, tuwang tuwa siya noon at inanounce pa sa loob ng kompanya na kami na dahil sinagot ko na siya, kilig na kilig nga yung iba eh at yung iba naman nagbubulongan na ang swerte ko daw dahil minahal ako ng isang villanueva na gaya niya, naisip ko paano kaya pag umuwi dito ang daddy ni jericho ano kayang reaksyon niya at sasabihin kapag nalaman niyang may relasyon kami ng anak niya.
Parang kinakabahan naman ako dahil baka hindi niya ako tanggapin at paalisin pa ako sa trabaho ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nangyari yun, masaya naman kami ni jericho sa relasyon namin ngayon , hinahatid at sinusundo niya din ako sa labas ng bahay namin. Kaya lng hindi ko pa siya napapakilala kay mama dahil di ko alam ang magiging reaksiyon niya pag nalaman niyang may boyfriend na ako at anak pa ng dati kong boss.
Isang linggo na pala kami ni jericho kaya masaya ako dahil siya ang naging boyfriend ko, nasa office kami ngayon at nag uusap lang.
" hi hon nagugutom kaba? Gusto mo kumain muna tayo sa baba sa canteen?" pagyaya ni jericho pero tumanggi ako dahil busog pa naman ako ngayon mamaya na lang ako kalain pag lunch time na.
"Ah mamaya na lng hon busog pa ako eh, sige ka baka tumaba pa ako nito hindi na ako sexy tingnan" pagbibiro ko sa kanya kaya natawa na lng siya at ganun din ako.
Dalawang buwan na ang lumipas mas lalong tumibay ang relasyon namin atsak malapit na din ang monthsary namin.
Linggo ngayon at naisipan kong pumunta sa mall may bibilhin kasi ako para kay jericho balak kong ibigay yun sa monthsary namin, habang naglilibot ako ay nahagilap ng paningin ko ang isang lalaki na nakaupo sa loob ng jollibee, lalapitan ko na sana siya pero may dumating na babae at umupo sa harap nito, sino siya? tanong ko sa isip ko.?Sumikip bigla ang dibdib ko sa nakita ko kaya dali dali akong umalis doon dahil di ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko, magdamag akong hindi lumabas sa kwarto ko, kahit isipin ko na kaibigan niya o kamag anak niya lang yung babae ay hindi ko maisip dahil nagseselos ako kasi mahal ko siya at isa pa boyfriend ko siya diba? may tiwala naman ako kay jericho pero hindi pa rin maalis sa isip ko dahil isa siyang business man na tinitingala at hinahangaan ng ibang babae.
Tinext ko siya na hindi muna ako papasok bukas at sinabi ko rin na masakit yung ulo ko, pumayag nman siya ..
Jericho's POV
Nandito ako sa mall ngayon , nakipagkita ako sa kababata ko na si stephanie isa siyang sikat na designer sa mga okasyon, pumunta muna ako ng jollibee dahil don kami mag uusap, makaraan ang ilang minuto ay dumating na siya.
" hi jeko" bati niya kaya pinaupo ko na siya.
Pinag uusapan kasi namin ang tungkol sa first monthsary namin ni marie balak kong magpatulong kay steph dahil alam kong magaling siya pagdating dun dahil balak kong isurprise ang girlfriend ko.
Sinabi niya lahat sakin at pagkatapos nun ay nag order kami ng makakain namin, at saka nag usap na din.." kamusta kana jeko? wala ka pa ring pinagbago mas lalo kang gumwapo ha" nakangising sabi niya.
"itoh mabuti nman, ikaw ba kamusta ang may buhay asawa? " tanong ko nman sa kanya,
May asawa na si steph nakilala niya ito sa States at hindi nga nagtagal ay nagpakasal na sila noon kaya minsan lang umuwi dito si steph sa pinas dahil sa states sila ngayon nakatira, buti nga at may inasikaso siya dito kaya umuwi muna
"eh ikaw ba jeko kamusta ang may girlfriend? ikaw ha binata ka na din sa wakas haha sa susunod dapat yayain mo na ng kasal" sabi niya.
haha grabe tong si steph syempre gagawin ko naman yun pero ngayon sulitin muna namin ni marie dahil tiyak akong mahihirapan kami pag naikasal na, kaya nga gusto kong sulitin ang bawat araw na mag kasama pa kami.
"haha oo naman steph pero saka ko na siya yayain kapag nakapag ipon na kami" sagot ko nman.
"eh kailan mo ba siya balak ipakilala sakin jeko ha? sure ako maganda siguro iyong girlfriend mo" sabi niya.
Pagtatampo naman niya kunwari.."saka na pag alis mo, hahaha sa susunod na araw itext na lang kita" sabi ko sa kanya.
Tumango nman siya at ipina alala pa sakin ang sinabi ko, maya maya ay nag pa alam na kami sa isat isa at nagpasalamat ako sa kanya, nauna na rin siyang umalis dahil may gagawin pa siya at ito nga ay dadaan muna ako sa teddy's store bibilhan ko kase si marie ng teddy bear yung kulay pink ang pinili ko, sana magustuhan ito ni marie at ang mga surpresa ko sa monthsary namin..
********

ANDA SEDANG MEMBACA
Ang Pulubi Kong Boss (Completed)
CerpenPLEASE READ, VOTE AND COMMENT. THANK YOU :*