Chapter7

20 7 0
                                        

Third Person's POV

Nagising si marie dahil may naririnig siyang umiiyak, kaya bumangon siya at lumabas sa kwarto niya, nakita niya ang mama niya sa sala na may tinitingnan na photo album, napansin niya din na lumuluha ito lalapitan niya sana ang mama niya pero bigla na lang nagsalita ang mama niya kaya huminto siya at pinapakinggan ang sinasabi nito.

"Anak miss na miss na kita, kayo ng daddy mo sana mapatawad niyo ako dahil iniwan ko kayo siguro binata kana ngayon, sana anak maalaala mo pa ako at sana rin ay mapatawad moko sa ginawa ko hindi ko kayo nais na iwan pero kailangan kong gawin dahil hindi ko na kaya ang ginagawa ng daddy mo sakin eh.Lagi niya na lang akong sinasaktan kaya iniwan ko kayo" at saka pinagmasdan nito ang picture ng anak niyang lalaki.

Pinagmasdan lng ni marie ang kanyang ina na umiiyak, nagtaka din siya sa narinig niya may anak pa pala ang mama niya at hindi nito binanggit o kinuwento man lng sa kanya.

Kinabukasan maaga ulit siyang gumising, ipinagluto niya na muna ng almusal ang kanyang mama at saka siya umalis habang nasa bus siya ay hindi niya maiwasan na isipin kung sino ang isa pang anak ng mama niya.

Hindi niya namalayan na lagpas na pala siya sa konpanya kaya agad siyang pumara at bumaba, hindi niya kasi maalis sa isip niya yung nalaman niya.

Sa opisina ay dumating ang nobyo niya

"good morning hon" bati nito hindi siya umimik at malalim ang iniisip.

"Mukhang malalim ata ang iniisip mo hon, may problema ka ba, pwede mo namang ishare yan saki e malay mo matulongan pa kita" pag aalala pa niya.

Napatingin siya kay jericho.

"Ah hon kagabi kasi umiiyak si mama tapos narinig ko yung sinabi niya"sagot niya.

"ano naman yun hon? " tanong ni jericho nag aalala na siya sa girlfriend niya dahil lagi na lng namomroblema kaya gusto niya itong damayan para man lang gumaan ang pakiramdam nito.

"Si mama kasi may binaggit siyang anak nakita ko pa nga na hawak nito ang isang photo album at sinasabi niya na sana mapatawad daw siya ng anak niya dahil iniwan niya daw ito" sabi ng dalaga.

"Edi kapag umuwi ka hon mamaya kausapin mo ang mama mo at itanong sa kanya para maliwanagan ka" payo nito.

"Salamat hon ha, ang di ko lng kasi maintindihan ay kung bakit inilihim niya sakin iyon tapos ngayon ko lng malalaman" dagdag pa nito.

Sandra's POV

Kakatapos ko lang magluto dahil hinihintay ko ang anak kong si marie habang wala pa siya ay nanuod muna ako ng TV dahil gusto kong maglibang.

Naaalala ko yung anak kong lalaki si Jeko, ang totoo niyan ay may asawa at anak ako noon pero dahil hindi ko nakaya ang pananakit sakin ng asawa ko ay naisipan kong iwan siya.

Isasama ko sana si jeko sa pag alis ko pero ayaw sakin ibigay ng asawa ko at pinagbantaan pa niya ako na papatayin kapag isinama ko ang anak ko kaya hindi ko na lang pinilit at hindi ko na isinama pa ang anak ko hindi rin ako nakapag paalam pa sa kanya.

Narinig kong bumukas ang gate kaya pinunasan ko na ang luha ko dahil andyan na si marie.

"oh anak narito kana pala halika magbihis ka muna bago kumain" sabi ko.

Umakyat siya sa kwarto niya at ako naman ay nilagyan ko na ng kanin ang plato niya, maya maya bumaba na rin siya tahimik lang kaming dalawa na kumain, nagpapasalamat ako sa panginoon dahil nakilala ko ang ama ni marie at minahal ako kaya nagsama na kami simula noon.

Hindi ko namalayan na tapos na palang kumain si marie

"Ma ako na po ang maghuhugas ng plato" sabi ng anak ko.

Ang Pulubi Kong Boss (Completed)Where stories live. Discover now