Chapter 4

42 11 0
                                        

Marie's POV

Hindi ko napigilan na umiyak sa mga bisig ni sir jericho kinalaunan ay bumitaw na rin ako sa pagkakayakap sa kanya dahil na din sa hiya.

"ah boss sorry po, di ko po kase napigilan na hindi umiyak eh" sabi ko.

Pinunasan ko na ang mga luha ko naku baka mamaga pa ang mga mata ko nito eh.

"ah okay lng yun marie, sana ay gumaan na ang iyong pakiramdam, wag ka nang umiyak sige ka papanget ka niyan" pang aasar na sabi ni boss

napatawa nman ako nun dahil talagang gusto niya na ngumiti na ako,

"sir salamat po ah, pakiramdam ko nga po ay nawala yung bigat na nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko" pagpapasalamat ko sa kanya.

"okay lng yun, welcome marie" nakalngiting sabi niya.

Niyaya ako ni sir na kumain kaya pumayag na din ako total ay kaninang umaga pa ako hindi kumakain, pagkatapos nun ay bumalik na kami ng company dahil may trabaho pa kami ni sir jericho.
Masaya ako dahil kahit wala si eko andito nman ang boss ko para kahit paano ay pagaanin ang kalooban ko, sana magkita ulit kami ni eko kahit sandali lang.

Nakarating na kami kaya bumaba na ako ng kotse at pinagmasdan ko ulit kung saan lagi naroroon si eko,

"marie anong tinitingnan mo jan?" nagulat ako ng magsalita si boss ko nasa likod ko na pala siya,

"ah wala po sir may naalala lng po ako" sabi ko.

umakyat na kami at sumakay ng elevator saka pinindot ang 7th floor kung saan ang office niya.

Uwian na namin sakto pag kakababa ko ay naabutan ko ang boss ko na naglalakad papuntang parking area, hindi ko na siya tinawag pa at pumara na ako ng bus. Habang nakaupo ako ay ramdam ko ang pagod kaya nman dumaan muna ako sa mall para magpalamig at bumili na din ako ng damit, pumunta din ako sa mang inasal para bumili ng ulam para kay mama.

Pagkadating ko ng bahay ay nadatnan ko si mama na nanunuod ng tv, sabay kaming kumain ni mama at saka dumiretso akong kwarto para magpahinga, naisipan kong buksan ang facebook ko tiningnan ko kung may nagmessage sakin at nakita ko nga na meron. 
5 messages, 35 notification, 18 friend request, una ko munang tiningnan yung friend request , hindi ko nman kilala yung iba kaya nag log out na ako dahil may pasok na naman ako bukas.

Lumipas ang ilang linggo naging mag ka close kami ni sir, mabait siya pero minsan may pagkasungit siguro namana niya yun sa ama niya.

"sir matanong ko lng po saan po ba ang mommy niyo?" tanong ko.

Nagtataka kase ako eh dahil hindi ko pa nakikita ang mommy niya kahit man lang pumunta sa kompanya nila ay hindi ito pumupunta.

"ah marie, bata pa lang ako hindi ko na nakita ang mommy ko, sabi ni dad nag asawa na daw ito ng iba" malungkot na sabi niya

ganun pala yun broken family pala sila kawawa nman si sir hindi niya man lang nakita ang mommy niya, ako nakasama ko hanggang sa paglaki sina mama at papa pero nung nag 16 y/o ako namatay si papa dahil sa sakit sa bato, kaya nung nag graduate ako nun kumuha ako ng 2 years course at ngayon nga ay may trabaho na ako.Lqking pasasalamat ko sa diyos dahil hindi niya ako pinabayaan at sinuportahan niya ako sa lahat ng bagay.

"Marie alam mo ang ganda mo " sabi ni boss nabigla ako sa sinabi niya.

sus grabe nman si sir nambola pa eh haha,

"uy sir grabe naman kayo mambola baka maniwala ako niyan " sabi ko.

Natawa lang siya sa sinabi ko, edi totoo nga bino bola lng ako ni sir hayss.

"totoo ang sinasabi ko marie hindi kita niloloko, maniwala ka promise" sagot nman niya.

Nakakatuwa pala siya kausap parang si eko lng eh, yan nabanggit ko na nman siya paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung nasaan na ba siya pero ayoko nang isipin yun. Sa ngayon ay gusto ko munang mawala lahat ng iniisip at pino problema ko.

Natapos din ang biruan namin ni boss kaya napagpasyahan kong lumabas pero hindi ko naman alam na madulas pala yung tiles kaya nawalan ako ng balanse, pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil babagsak ako sa sahig, hinihintay kong lumapat ang katawan ko sa sahig pero wala akong maramdaman kaya minulat ko ang mata ko at nakita ko ang gwapong nilalang sa harapan ko hawak niya ang bewang ko at kamay, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko parang may mga kabayo na nakikipag karerehan dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko, nang makabalik ako sa katinuan ko ay tumayo ako ng maayos at nagpasalamat kay sir

"uhm thank you ulit sir kung hindi dahil sa inyo ay baka lumagapak  na ako sa sahig" sabi ko.

Grabe namumula ata mukha ko ngayon hayss nakakahiya talaga kay boss

"okay lng yun basta next time be careful okay?" sabi niya.

"yes sir salamat ulit" sabi ko.

Nagdaan pa ang ilang araw at parang nahuhulog na ang loob ko kay sir jericho ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko siya at nakakasama bumibilis lagi ang tibok ng puso ko. Siguro nagugustuhan ko na nga siya pero pinipigilan ko naman ang nararamdaman ko dahil boss ko siya at ako ay isang hamak na  secretary niya lamang, kapag nagpatuloy pa ito hindi ko na alam ang gagawin ko.

Jericho's POV

Grabe natatawa talaga ako kapag nakikita ko si marie naalala ko kase yung muntikan na siyang madulas noon buti nga ay nasalo ko siya.

Nung nakita ko sa malapitan ang mukha niya parang tumigil lahat ng oras at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay may mga paro paro sa loob ng tiyan ko.

Tiningnan ko ng mabuti ang mukha niya kulay brown ang mga mata niya at medyo matangos din ng ilong niya, sa tagal kase naming magkakilala noon bilang ako si eko ay hindi ko pinapansin ang mukha niya kaya ngayon ko lang nakita sa malapitan ang itsura niya. Masasabi kong  maganda si marie at simple lang hindi siya katulad ng ibang babae na parang clown na ang mukha sa paglagay ng make up, kaya ngayon ay dumaan muna ako sa shop ni aling mina at bumili ako ng bulaklak, gusto kong ibigay ito sa kanya mamaya.

Pagkabili ko nga ay binayaran ko na si aling mina at nagpasalamat sana magustuhan ito ni marie. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ito, natraffic ako ng ilang minuto dahil sa inaayos ang mga kanal sa gilid ng kalsada kaya nahirapan dumaan ang ibang sasakyan pero mabuti na lng at nakarating din ako. Pagkapasok ko ay binati ako ng mga empleyado, nagtaka naman sila kung bakit may dala akong bulaklak, narinig ko ang bulongan ng ibang babae natawa pa nga ako dahil iniisip nila na para daw sa kanila itong binili kong bulaklak.

Pagkapasok ko sa opisina ko ay naabutan ko si marie na naglilinis at inaayos ang mga gamit ko.

"good morning marie" bati ko sa kanya.

mukhang nagulat ko ata siya kaya natawa ako..

" good morning din boss" nakangiting bati niya.

lalo tuloy akong naiinlove sa kanya ngiti pa lang niya nakakainlove na

" marie para sayo nga pala, sana tanggapin mo binili ko pa naman yan para sayo" nakangiti kong sabi at ibinigay ko iyon sa kanya,

nagulat nga siya at nagtanong pa kung bakit ko daw siya binigyan ng bulaklak, naalala ko tuloy dati nung si eko pa ako lagi niya akong dinadalhan at binibigyan ng pagkain kaya ngayon ay siya nman ang bibigyan ko ng bulaklak.

" kapag sinabi ko ba sayo kung bakit, sasagutin mo ba ang tanong ko?" pag bibiro ko kay marie.

tumango nman siya kaya naglakas loob akong sabihin ito sa kanya

" *cough* ehem uhm marie pwede ba akong manligaw sayo? " diretsahang tanong ko.

nagulat naman ito sa sinabi ko at di ko alam kung ano ang isasagot niya..

A/N: READ, VOTE AND COMMENT DOWN. THANKS FOR READING :*

-manikangelyen



Ang Pulubi Kong Boss (Completed)Where stories live. Discover now