THIRD PERSON POV**
Ilang araw ng nasa ospital si marie, ang sabi ng doctor ay nalipasan lang ito ng gutom at kailangan lng magpahinga dahil sa sunod sunod na trabaho
"salamat naman po doc kung ganun" pasalamat ni sandra sa doctor.
" sige po maiwan ko muna kayo " sabi nito at tuloyan ng umalis, nag dadalawang isip si sandra kung ipapaalam niya ba ito kay jericho o hindi.
Naaawa siya sa dalawa niyang anak lalong lalo na kay marie dahil lagi na lang itong namomroblema , paano na kaya sina marie at jericho ngayong nagmamahalan sila ay saka pa nalaman nila na magkapatid ang mga ito..CARLOS POV
Kakaratimg ko lang kahapon dito sa bahay, tinawagan ko si jericho pero di sumasagot kaya itinanong ko sa mga kasambahay
"alam niyo ba kung saan pumunta si jericho" tanong ko.
nagsalita nman ang isa sa mga maid namin
"ah sir carlos nagmamadali po siya eh may meeting daw siya ngayon" pahayag nito.
Pumunta ako sa mini office ko gusto kong tingnan at pirmahan ang ilang documento doon bigla kong naisip si sandra ang babeng yun na bigla na lang kaming iniwan, alam kong kasalanan ko lahat ng iyon kung hindi ko siya sinaktan at inabuso ay sana hindi siya umalis sana mapatawad mo din ako sandra sa mga nagawa ko sayong pagkakamali biglang nag ring ang phone ko.
" hello? Marie? " sabi ko, may isang babae ang sumagot.
" hello jericho ikaw ba yan? " tanong nito nagtaka naman ako at kinausap siya
"ang dad niya ito anong kailangan mo sa anak ko?" tanong ko dito.
Matagal itong hindi sumagot pero maya maya ay nagsalita na din siya.
"carlos ikaw ba yan? " tanong nito, kaya ako rin ay nagtaka kung bakit kilala niya ako.
"kilala mo ako? Sino ka ba? " tanong ko pa dito.
"carlos ako ito si sandra! pwede ko bang makausap si jericho.Kailangang kailangan lang dahil gusto kong malaman niya na isinugod si marie sa ospital" paliwanag niya.
" wala siya dito nasa meeting, sandra? gusto ko sanang magkita tayo at gusto kong makausap ka sana?" tanong ko
"oo carlos sige, kailan ba? " tanong niya
"kung pwede sana ay mamayang 7pm" sagot ko
pumayag nman si sandra mabuti naman dahil gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya.
JERICHO'S POV
Kakatapos lang ng meeting namin ngayon, kaya dumiretso ako sa kotse ko at saka nagpahinga sandali naisip ko si marie, bakit sa lahat ng pwede ko pang mahalin at maging kapatid ay bakit siya pa, yan ang mga tanong na gumugulo sa isip ko.Simula rin ng pangyayaring yun ay hindi ko na nakausap pa si marie, wala din akong natatanggap na text galing sa kanya, ano kaya ang nangyari kay marie alam kong labis din siyang nasaktan sa nalaman niya,hanggang kailan ba kami magiging ganito namimiss ko na siya, miss na miss ko na si marie, naisip kong pumunta ng kompanya kaya naman pinaandar ko na ang kotse ko at saka umalis na.
Malamang ay nasa kompanya ngayon si marie kahit sandali lang ay gusto ko siyang makita at makausap, hindi ko kayang hindi siya nakikita.
Pagkarating ko nga sa kompanya ay hinanap ng mga mata ko si marie, nilibot ko ang buong opisina pero wala siya, nagtanong din ako sa mga empleyado kung pumasok ba si marie pero hindi daw at wala pa.Nag aalala na ako sa kanya.Umalis akong kompanya ng bigo dahil hindi ko siya nakita.
SANDRA'S POV
Narito ako ngayon sa lugar kung saan kami magkikita ni carlos, mga ilang minuto na din at may isang kotse na dumating bumaba doon ang isang lalaki,nagulat ako ng makita muli siya ang laki na ng pinagbago niya kahit may katandaan na siya ay hindi pa rin kumukupas ang aura niya.
" sandra? " banggit niya, tumayo ako at pinagmasdan siya papalapit sa kinaroroonan ko.
"ako nga ito carlos, halika maupo kana muna" sabi ko sa kanya at saka pinaulo ko siya.
"anong pag uusapan natin carlos? " tanong ko.
"sandra gusto ko sanang humingi sayo ng tawad dahil sa mga nagawa ko sayo noon, kasalanan ko kung bakit iniwan mo kami ng anak mo kaya sana mag kaayos na tayo" pahayag niya hindi ko inaasahan na sa bandang huli ay hihingi din siya ng kapatawaran ayokong magtanim ng galit sa kanya dahil tao lang din ako at nasasaktan pero matagal ko nang kinalimutan lahat iyon.
"matagal na kitang pinatawad carlos, hindi ako diyos para magtanim ng galit sayo" sagot ko.
Marami pa kaming pinag usapan, ikinuwento ko na rin sa kanya si marie, nagulat nga siya ng malaman niya na anak ko daw si marie hanggang sinabi ko din ang pagkikita namin ni jericho at ang relasyon ng dalawa, hindi siya makapaniwala sa nalaman niya kaya kinausap ko siyang sana ay magkausap ang dalawang bata at may mahalaga akong inamin pa sa kanya tungkol kay marie
"Carlos hindi ko tunay na anak si marie, anak siya ng kinakasama ko noon yung iniwan ko kayo ay nakilala ko si mario siya ang ama ni marie, dahil mabait si mario ay minahal ko siya kahit papaano at nagsama na kami mula noon. Ipinakilala niya sakin ang anak niyang si marie, mga 3 taon pa lang si marie noon kaya hindi niya alam ang nangyayari, ang akala niya ay ako talaga ang ina niya pero ang totoo nun ay namatay ang tunay na ina niya dahil sa sakit sa puso.
Ikinuwento yun sakin ni mario kaya naintindihan ko siya, simula nun ay inalagaan at minahal ko si marie at itinuring ko siyang anak dahil naalala ko si jericho sa kanya." salay say ko kay carlos.Naintindihan niya nman kaya sinabi ko pa na wag niya ng pigilan at hadlangan ang pagmamahalan nina marie at jericho. Tumango nman si carlos kaya napangiti ako at nagpasalamat sa kanya, ngayon ay tiyak pag nagising si marie magandang balita ang maririnig niya,, masayang masaya ako ngayon dahil sa wakas liligaya din ang mga anak ko,,

YOU ARE READING
Ang Pulubi Kong Boss (Completed)
Short StoryPLEASE READ, VOTE AND COMMENT. THANK YOU :*