Marie's POV
Sunday ngayon at nakahiga lang ako sa kama ko, narinig kong tumunog yung cp ko kaya kinuha ko at tiningnan ko kung sino ang nag txt
From: Mahal kong boss
Hai hon, good morning bakit hindi ka nagrereply sa mga messages ko wala ka bang load? hon i miss you so much :(pagkabasa ko ng txt niya ay di ko na nireplayan naalala ko kase yung nasa mall na may kausap siyang babae, kung buhay pa sana si papa sigurado akong papayuhan niya ako at dadamayan kapag may problema ako.. Pa, sana kung nasaan ka man ngayon sana lagi mo kaming bantayan ni mama, miss ka na namin papa.. di ko namalayan na nakatulog na ako.
Pumunta ako sa park gusto ko kasing mamasyal kaya naglibot muna ako, umupo ako sa isang upuan mabuti at may puno kaya malilim at di ako maa arawan..
Tinitingnan ko lang ang mga batang masaya na naglalaro, naalala ko nung bata ako nun pasaway at makulit din ako kaya kapag naglalaro kami lagi akong nadadapa at nagagasgasan sa tuhod ko, hanggang napadako ang tingin ko sa kotse na itim katulad na katulad siya sa kotse ni jericho, may bumabang babae dito karga niya ang isang bata siguro mga 2 taon pa lang yung bata.. tiningnan ko ang driver seat, bumaba don ang isang lalaki nakaharang yung bintana kaya di ko makita pero nung isinara niya nagulat ako kung sino ang nakita ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, si jericho kasama niya ang isang babae at yung bata papunta sila dito sa park.
Nanginginig ang mga tuhod ko nun at bigla na lang akong napaupo , hindi ko akalain at magagawa niya ito sakin.. napahagulhol na na naman ako ang sakit lang dahil niloko niya ako nagsinungaling siya sakin, sobra akong nasasaktan ngayon kaya pinilit kong tumayo at naglakad palapit sa kanila, nagulat siya ng makita niya ako
" marie? a-anong gginagawa mo dito? " tanong niya,
napatingin lang samin yung kasama niyang babae.
"sino siya?! "
halos pagalit kong tanong sa kanya pero hindi siya sumagot kaya inulit ko yung tanong ko napaiyak na ako nun dahil hindi ko na kaya sahil sa mga pumapasok sa isip ko.
"marie, magpapaliwanag ako sayo.., please let me explain?.."
pag sumamo niya pero hindi ko siya pinakinggan at sinampal ko siya ng pagkalakas lakas pagkatapos ay tumakbo akong umiiyak nun. Pagkalabas ko ng park ay tumawid ako nun at dahil umiiyak ako ay hindi ko napansin na may sasakyan at bigla na lang dumilim ang paningin ko.
"maaarriiiiieeee!!! " narinig ko pang sigaw ni jericho.
Bigla akong nagising ng may tumatawag sakin pagkadilat ko nasa kwarto pala ako at panaginip lng pala ang lahat ng yun, pero pakiramdam ko parang totoo lahat. Nabalik ako sa katinuan ng marinig kong tinatawag pala ako ni mama sa baba, kaya bumangon na ako at inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas sa kwarto ko.
"Ma? Bakit po? " tanong ko kay mama.
may inaabot siyang bulaklak sakin , kanino naman toh galing? tiningnan ko yung maliit na papel galing kay jericho, tinanong ko kay mama kung pumunta ba dito si jericho pero yung magtataho lang nag abot sa kanya.
Araw na naman ng trabaho kaya pumasok na ako, iilan pa lang ang nandun na nakita ko mukhang napaaga ata ang pagdating ko. Naglakad ako papunta sa office niya nagdadalawang isip nga ako kung kakatok ba ako o hindi dahil sa totoo lang kinakabahan ako gusto ko kasing kausapin siya at gusto kong marinig sa kanya lahat, kakatok na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan nagulat ako dahil nakita ko siya, bigla niya na lng akong niyakap ng mahigpit"marie.. namiss kita bakit hindi ka man lng nagrereply sa mga text ko? " pag aalala niya.
"ahh jericho ano kase lowbat yung cp ko kaya di kita nareplayan, sorry.. i miss you too hon" sabi ko.
Pinapasok niya naman ako sa opisina niya.
Ilang minuto din akong nag isip maya maya ay tinanong ko siya tungkol sa nakita ko sa mall na may kausap siyang babae at tinanong ko din kung sino yun, mukhang nagulat nga siya sa itinanong ko eh pero bigla na lng siyang napatawa kaya naman nagkunot nuo lng ako at saka ikinuwento niya lahat.. akala ko tuloy niloloko niya ako, yun pala may asawa na yung babae at kinasabwat niya daw para sa gagawing surprise sakin, at ano nman yung isusurpresa niya? pinilit ko siyang sabihin niya sakin pero ayaw niya talaga, masaya ako dahil naliwanagan ako sa sinabi niya tapos nag aksaya pa ako ng luha nung nakaraang araw sa kanya yun pala wala lang.Jericho's POV
Ngayon na ang araw ng first monthsary namin ni marie kaya kaninang uwian sabay kaming umalis dahil dadalhin ko siya kung saan nakahanda na yung place para sa uang monthsary namin, nung nakarating kami ay piniringan ko muna yung mata niya at saka inalalayan siya at dahan dahan kaming pumasok sa isang restaurant, pinaupo ko na siya at tinanggal ang piring niya.
" happy first monthsary hon.. i love you.. thank you kasi dumating ka sa buhay ko sana wag mo akong iiwan mahal na mahal kita sobra.. " sabi ko at saka hinalikan siya sa noo napangiti din siya nun.
" happy first monthsary din hon.. ang saya saya ko ngayin sobra.. sana tuloy tuloy na ito at gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari hindi kita iiwan.. lalaban tayo.. mahal na mahal din kita hon sobra.." sagot niya.
Napansin ko tuloy na namumula na yung mga mata niya dahil naluluha na din siya sa sobrang saya.Pagkatapos namin kumain ay kinausap ko siya
"Hon? tawag ko,
gusto ko kasing sabihin na ito sa kanya, yung tungkol kay eko at sakin.. sana hindi siya magalit kapag inamin ko yung totoo
"may aaminin kasi ako sayo eh, pero sana hindi ka magalit sakin hon.. will you promise that? " sabi ko, tiningnan niya lng ako at saka ngumiti
"ano ka ba kahit ano pa yang sasabihin mo promise maiintindihan ko yan at saka hindi ako magagalit sayo kasi mahal na mahal kita hon.. at malaki ang tiwala ko sayo.." sabay hawak niya sa pisngi ko. Kinakabahan naman ako kaya nilakasan ko na ang loob ko at nag salita
"marie naaalala mo pa ba ako ?"tanong ko sa kanya pero nagtaka lng siya at di sumagot kaya sinabi ko na
"hon? Ako to si EKO" pagkasabi ko nun ay biglang nanlaki ang mga mata niya. Siguro hindi siya makapaniwala na ako at si eko ay iisa.
"teka anong ibig mong sabihin na ikaw si eko? i don't understand hon?" takang sabi niya, ay ang slow niya talaga eh..
"Ako ito si eko, ako yung pulubi na lagi mong binibigyan at dinadalhan ng pagkain" sabi ko.
Nahalata ko sa mga mata niya na parang maiiyak na siya kaya tumayo ako at niyakap siya " ikaw ba talaga yan? Ikaw ba talaga si eko? " naiiyak na niyang tanong kaya ikinuwento ko at ipinaliwanag sa kanya ang lahat lahat.
"
pero bakit ka nagsinungaling sakin, alam mo ba nung araw na hindi kita nakita dun? lagi akong malungkot nun kasi nasanay na akong nakikita kita lagi at binibigyan ng pagkain. Alam mo bang araw araw din akong bumaba ng building para sana makita kita ulit dun pero lagi na lang akong bigo.." malungkot na sabi niya.yakap ko pa rin siya.
" sshh..., wag kana malungkot dahil simula ngayon araw araw mo na akong makikita at makakasama hon, andito lang ako sa tabi mo lagi.. i love you hon.. sorry... " sabi ko, hindi ko hahayaan na umiyak ka ulit marie.
"it's okay hon I understand.. promise me don't leave at my sight hon please.. i love you more hon.." sabi niya..
"I promise hon" sabay kiss ko sa noo niya.
***********
A/N: Hi guys don"t forget to vote and support this story. Thank you so much for reading.

YOU ARE READING
Ang Pulubi Kong Boss (Completed)
Short StoryPLEASE READ, VOTE AND COMMENT. THANK YOU :*