Jericho's POV
Pagkabukas na pagkabukas niya ay nakita ko ang mukha ng babaeng kinalimutan ko na habang buhay, nagulat ako dahil siya ang nakita ko kahit bata pa lang ng iniwan niya kami ay tandang tanda ko ang mga mukha niya, halo halong emosyon ang nararamdaman ko matutuwa ba ako, maiinis o ano
"Ma? siya po yung sinasabi ko sa inyo si jericho siya po ang boyfriend ko" pagpapakilala ni marie.
Kung alam mo lang marie, bakit ganito kung kailan masaya na kami at kung kailan mahal na mahal ko si marie ay ganito naman ang mangyayari samin.
"Anak? Jeko? Ikaw nga yan, ikaw si jeko diba ang anak ko" sabay yakap niya sakin.
Tumulo na ang luha ko sa oras na yun, tiningnan ko lng si marie at parang naguguluhan siya sa mga nangyayari.
"Ma, Ano pong sinasabi niyo! Bkt niyo po siya tinatawag na anak ma?" naguguluhan ng tanong niya.
Inalis ko ang pagkakayakap sa taong ayaw ko nang makita kahit kelan."bitiwan mo ako!" sigaw ko sa kanya
"Anak jeko! please magpapaliwanag ako makinig ka muna anak" sabi niya.
Lumaki akong walang mommy na nakakasama tanging si papa at mga kasambahay lang ang nag alaga sakin tapos ngayon tatawagin niya akong anak.Simula nang iniwan niya kami ay nag hintay akong babalikan niya kami,ako pero simula nun hindi na siya bumalik pa.
"Jericho? Wag mo ngang sigawan ang mama ko! sabihin niyo ano bang nangyayari ha naguguluhan na ako!" sigaw ni marie hindi dapat nangyari ito si marie na mahal na mahal ko ay hindi ko dapat minahal sapagkat magkapatid kami.
Hindi ko na kinaya at umalis na lang bigla sa bahay nila pinaharurot ko ang kotse ko, di ko alam kung anong gagawin ko, bakit sa lahat pa ng pwede kong mahalin ah bakit si marie pa na hindi ko pala alam at kapatid ko siya sa ina ko.
Binilisan ko ang takbo ng kotse ko, bahala na kung anong mangyari sakin sa ngayon ay gusto ko munang mapag isa pumunta ako ng bar gusto kong malimutan lahat lahat ng nararamdaman ko.Pagkapasok ko sa bar ay nag order ako ng beer, kahit ngayon lng gusto kong makalimot at mapag isa.
Marie's POV
"Ma? Sabihin mo nga ano bang nangyayari!" umiiyak ako ngayon dahil hindi ko maintindihan sa bilis ng pangyayari, bigla na lang umalis si jericho ng hindi nag papaalam.
"Anak marie? Bakit siya pa, sa dami ng lalaking mamahalin mo bakit siya pa? bakit ang kapatid mo pa!! " napahagulhol na sabi ni mama.
Nagulat ako sa sinabi niya si jericho kapatid ko siya? siya na ba yung kinuwento sakin ni mama na anak niya.
Napaupo na lang ako sa sahig at nanlumo habang umiiyak, masakit malaman na ang taong minahal mo ay kapatid mo pala."Ma!! hindi totoo yan! Hindi ko kapatid si jericho dahil boyfriend ko siya ma! " umiiyak kong sabi kay mama.
Ang sakit sakit na ng nararamdaman ko bakit ba hindi ako pinagbibigyan ng tadhana na sumaya kahit sandali lang, pati ba naman sa pagmamahalan ay wala din akong karapatan na lumigaya, sinampal ako ni mama ng malakas
"Gumising ka nga marie! kapatid mo ang lalaking minahal mo! kaya habang maaga pa hiwalayan mo na si jeko" sabi ni mama.
Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko at saka ni lock iyon.Pasubsob akong dumapa sa kama ko at umiyak ng umiyak.
Someone's POV
"Andy? ipag pabook mo nga ako ng flight bukas dahil tapos na ang trabaho ko dito at kailangan ko agad umuwi ng Pinas para bumalik sa kompanya" utos ko sa assistant ko.
"yes sir! " sagot naman nito at dali daling umalis ano na kayang nangyayari sa kompanya ko.
Jericho's POV
Lasing akong umalis ng bar pagewang gewang ako at anytime ay parang babagsak na ako, pero kinaya ko pa rin at pinilit kong maglakad hanggang sa kotse ko ng biglang natumba ako.
"hey! are you okay? Let me help you.." sabi sa akin ng isang babae, di ko makita ang itsura niya dahil papikit pikit na ang mga mata ko nun, tinulongan niya akong tumayo at pinaupo sa upuan, narinig kong may tinawag siya at saka di ko na alam ang nangyari pagkatapos dahil pumikit na ako.
Nagising ako sa isang kwarto, hindi ito pamilyar sa condo ko kaya bumangon ako.
"uhh shit!" sabi ko sabay hawak ko sa batok ko at hinimas ito dahil ang sakit ng ulo ko, tatayo na sana ako pero naramdaman kong wala akong suot na damit, hinanap ko ang damit ko pero di ko makita
"Hmm mabuti naman at gising kana, kamusta masakit ba ang ulo mo gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" tanong niya, pero tumango na lang ako at itinanong sa kanya kung nasaan ang damit ko.
"Ah miss nasaan nga pala ang mga damit ko" tanong ko.
Kaya naman umalis siya bigla at maya maya ay dala na niya ang damit ko
"pasensya kana kung hinubaran kita pero wag kang mag alala dahil wala naman akong nakita" sabi pa niya at saka inabot yung damit ko
"Uh ganun ba" sagot ko na lng.
"Nilabhan ko kasi ang damit mo kaya ayan mabuti nga at tuyo na" sabi niya, mukha naman siyang mabait, tinanong ko kung anong pangalan niya.
"Ako si samantha, sam na lng ang itawag mo" nakangiting pakilala niya.
"salamat nga pala sam ah " pasalamat ko, tinanong niya din kung ano name ko.
"ah jericho nga pala"sabi ko.
"naku wala yun jericho, by the way aalis kana ba? " tanong niya
"Oo, may aasikasuhin pa kasi ako eh" sagot ko may kinuha siya sa drawer niya at iniabot yun sakin.
"Yan ang calling card ko, kung kailangan mo ng tulong ko at makakausap, tawagan mo lang ako" sabi niya.
"Okay sige thanks ulit sam, aalis na ako" paalam ko kaya umalis na ako.
Nakita ko ang kotse ko sa paradahan kaya sumakay na ako at pinaandar ko na ito, ano na kayang nangyari kay marie napaisip ako kung okay lang ba siya, naalala ko yung kagabi dahil sa galit na nararamdaman ko ay umalis na lng ako at iniwan siya, ugh! Nakakainis narinig kong nag ring ang phone ko
"hello?" sabi ko
"hey my son? how are you kamusta ang kompanya iho?" tanong ni dad.
Nakku may meeting pala ako ngayon tssk kainis.
" oh dad ito mabuti naman po, ayos lang naman po yung kompanya natin, kailan po kayo babalik dad?" tanong ko pa.
Ano kayang magiging reaksiyon ni dad pag nalaman niya na nagkita na kami ng asawa niya na ngayon ay mama ng babaeng minahal ko na dapat hindi ko minahal.
"Wag kang mag alala iho, dahil nasa flight na ako ngayon, pauwi na ako jan iho" nagulat naman ako ibig sabihin nasa flight na pala si daddy.
Sandra's POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas sa kwarto ang anak ko, nag aalala na ako kay marie dahil kahapon pa siya hindi kumakain kaya kinatok ko ang pintuan niya
"anak please lumabas ka na dyan kahapon ka pa hindi kumakain nag aalala na ako sayo" sabi ko pero walang sumagot.
Kaya kinuha ko ang duplicate na susi ng kwarto niya at binuksan iyon, laking gulat ko nang makita ang anak kong nakahandusay sa sahig kaya agad akong nagpatulong sa kapit bahay na buhatin ang anak ko, pumara ako ng taxi at isinugod ko siya sa ospital..

YOU ARE READING
Ang Pulubi Kong Boss (Completed)
Short StoryPLEASE READ, VOTE AND COMMENT. THANK YOU :*