Chapter 1

96.7K 408 5
                                    

takbo lang ako ng takbo di ko alintana yung pagod dahil ayokong maabutan nila ako. kahit sobrang hingal na ako ayokong tumigil, kasi pag tumigil ako tiyak patay ako..

hinahabol ako ng isang grupo dahil ninakawan ko sila ng hinold up nila, sila yung nagnakaw, pero ninakawan ko rin sila. hahaha! gantihan lang naman kasi, gaya ng ginawa nila kay Sander sa kasama ko, ginulpi na ninakawan pa..

palagay ko nasa dead end na ako ng isang maliit na eskinita. dali dali akong umakyat sa isang bakod na may barb wire pa sa dulo nito saktong pag talon ko ay dumating ang mga mokong. huli na para sa kanilang hulihin ako..

nang biglang may humila sakin at tinakpan ang bibig ko. nag pumiglas ako kaso ang lakas ng lalaking humila sakin di ako makapalag. iniisip kong kasamahan nila yung nakahuli sakin.

pinaharap niya ako sa kanya at nanlaki mga mata ko nung nakita ko yung lalaki..

"sino ka?! anong gagawin mo sakin?!" sabi ko sabay nagpupumiglas parin ako sa kanya.

"sshhhh.. wag ka maingay!" sabi niya sabay takip sa bibig ko.

nang bigla niya akong hilahin sa isang maliit sa eskinita kung saan ako tumalon kanina, at dumaan yung mga lalaking humahabol sakin dun lang ako natahimik saglit. nang makalayo ang mga lalaki ay agad na inalis ko yung kamay ng lalaki sa bibig ko.

"sino ka ba? bakit mo ba ako tinutulungan?!" sabi ko sabay hampas sa braso niya.
"ako si Vin. yang bag na dala mo ako ang may ari niyan ninakaw sakin ng mga lalaking ninakawan mo rin" sabi niya.

nanlaki mga mata ko sa narinig ko. di ko akalaing siya pa yung makakahuli sakin.

"mis ibalik mo na sakin yung bag, promise di kita isusumbong sa mga pulis basta ibalik mo lang" pakiusap ng lalaking to sakin.

"sinungaling! alam kong magsusumbong ka at ipapahuli mo ko!" singhal ko sa kanya sabay hinawakan ko ng mahigpit yung bag.

"please mis maraming mahalagang documents diyan sa loob ng bag. " pakiusap niya parin sakin.

wala siyang sagot na natanggap galing sakin.
wala akong tiwala sa taong to! sa itsura pa lang niya mukha na siyang manloloko!

"okay! ganto na lang.. eto calling card ko yan, tawagan mo ko incase na may kailangan ka, utang na loob ko sayo yung pagbalik mo sakin ng bag ko.. please mis.." sabi niya na tila nakikita ko na sa mga mata niya yung pagiging sincere niya.

"akin na calling card mo... " sabi ko sabay iniabot niya sakin at dun ko tiningnan.

Vin Alcantara
Chief Executive Officer
V&L Advertising
09*******90

matapos kong tingnan ay agad kong sinilid sa bulsa ko yung maliit na card at binigay sa kanya ang bag niya.

"yan.. pag ikaw nagsumbong sa mga pulis humanda ka sakin. di lang ako makakalaban mo, marami kami" pagbabanta ko sa kanya.

nakita ko ang pagkagalak ng lalaki dahil naibalik sa kanya yung bag na ninakaw sa kanya.

"thank you so much mis. utang na loob ko sayo yung pagkuha mo sa bag ko sa kanila.." pagkasabi niya ay nabigla ako nung bigla niya akong yakapin!

nanlaki mga mata ko sa ginawa niya. sa buong buhay ko ngayon lang ako niyakap ng isang lalaki.

tinulak ko siya palayo sakin.
"inuulit ko sayo wag kang magsusumbong sa mga pulis" pagkasabi ko ay agad akong tumakbo palayo sa kanya.

bumalik na ako sa bahay ng di ko inaasahang pag bukas ko ng pinto ay agad isang malakas na suntok ang sumalubong sakin.

napabagsak ako sa sahig dumugo rin yung gilid ng bibig ko. pero tumayo ako at kinapa yung duguan kong labi.

"hayop kang babae ka! akala mo di ko nakita yung ginawa mo kanina?! pinamigay mo yung dapat na sa atin na!" singhal ni Larry sakin ang lider ng grupo namin.

"ginawa ko lang ang tama Larry, kung di niya ako nahuli edi sana dala ko na dito!" sagot ko sa kanya sabay ngumiti ng mapakla.

"bwesit ka talagang babae ka!" akmang susugurin niya ulit ako ng awatin siya nina Sander at Patrick.
"tama na yan tol babae yan ano ka ba!" sabi pa ni Sander sa hinaharangan si Larry para di na ako sugurin.

sinuklay ko yung buhok ko gamit ang kamay at hinarap siya.
tiningnan ko siya ng matalim at binigyan ng malamig na ngiti.

"tandaan mo to Larry may araw ka rin" sabi ko sabay umakyat sa kwarto ko.
"siraulo kang babae ka! hayop ka ah!" sigaw ni Larry pero di ko ito pinansin patuloy parin ang pagpihit ko paakyat ng kwarto.

nakaharap ako sa salamin habang ginagamot yung sugat kong sinuntok kanina ni Larry.
masakit ito pero anong sakit pa ba ang hindi ko kayang tiisin?
napangiti ako sa naisip kong yun. sa tagal ko ng kasama sina Larry laging sarili niya lang iniisip niya. lagi naman kaming mga aso na sumusunod agad sa kanya.

napalingon ako ng may biglang kumatok sa pinto ko.

"pasok..." sabi ko habang patuloy na ginagamot sarili ko.

si Sander na may dalang pagkain.

"alam kong di ka pa kumakain kaya dinalhan na lang kita.." sabi niya sabay ipinatong niya yung tray sa kama ko.

pansamantala kong tinigil ang ginagawa ko at hinarap ko siya.
di ko napigilan ang umiyak dahil sa sama ng loob ko.

"Nakakapagod na talaga.." sambit ko habang pinunasan yung mga luha na umaagos sa mata ko.

"Thea.. alam kong pagod ka na.. pareho lang naman tayo eh.." simpleng sagot niya sakin.

si Sander ang tumayong kuya ko dito sa grupo namin. mula sa siyam ngayon apat na lang kami.
namatay na kasi yung iba naming kasama, dahil nga sa ganto yung hanapbuhay namin kailangan namin ng ibayong ingat para di kami matulad sa mga kasama namin.

hinawakan ni Sander yung likod ko hinagod niya ito para mapakalma ako.

"wag mo ng isipin si Larry, parang di ka pa nasanay dun.." sabi niya sabay tumabi sa tabi ko.
ngumiti lang ako bilang ganti kaya ngumiti rin siya.

"yan ngiti ka lang.. pumapanget ka pag umiiyak eh.. " sabi ni Sander sabay ginulo yung buhok ko.

"hanga nga ako sayo eh... matapang na babae ka.. maswerte yung lalaking magkakagusto sayo" pagkasabi niya ay inilipat niya yung tray sa mesa sa harap ko.

"kumain ka na. pumapayat ka na eh. wag mo pabayaan sarili mo" pagkasabi niya ay tinapik niya likod ko at saka lumabas ng kwarto.

napaisip tuloy ako sa sinabi niya na maswerte daw yung lalaking magkakagusto sakin.
baka malas kasi ganto lang ako, wala akong natapos, lagi pa akong nasasama sa gulo, nasa tropa ng mga magnanakaw. sino bang lalaki ang ang magkakagusto sakin?

isang kahibangan..
yan lang ang tanging naiisip ko sa sinabi ni Sander sakin.

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon