Chapter 18

17.9K 149 1
                                    

alas onse ng gabi ng magising ako..
di ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon.. sobrang nahihilo ako at nasusuka..

di ko na talaga kaya napatakbo ako sa kusina diretsong lababo at dun ko naisuka lahat ng sama ng loob..

tatlong buwan na ang nakakalipas mula nung magsimula akong magtrabaho dito kay Vin.. dami agad ganap at napakabilis ng mga pangyayari..

bumalik ang atensyon ko sa sarili kong di ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganto.. sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganto kasama..
bumalik ako sa kwarto kong balisa..
di na ako makatulog kaya napag pasyahan kong mag timpla ng gatas..

"bakit gising ka pa?" sabi ng lalaking nasa likuran ko. si Vin. bakit gising pa siya?
"nagising kasi ako.. medyo masama pakiramdam ko.. d na ako makabalik ng tulog.. ikaw bakit gising ka pa?" sabi ko na lang at nag lumagok sa baso na may gatas.

"di rin ako makatulog.." sabi niya at binaling ang tingin sakin.
"gusto mo rin ba ng gatas? pagtitimpla kita.." sabi ko sabay tatalikod na sana ako para bumalik sa kusina.
"no.. im fine.. okay lang.. samahan mo na lang ako labas tayo hanap tayo makakain." sabi niya sabay bumalik ng kwarto para mag bihis.

inikot namin yung buong lugar para maghanap ng pagkain.. yung ending drive thru ng isang sikat na fast food chain kami bumili.

dito na kami sa loob ng sasakyan kumain at dito kami sa labas ng building naka park wala naman masyadong tao at sasakyan harap kasi nitong building ay mini park na.

"have you ever fall inlove to someone unexpectedly?" basag niya sa katahimikan na bumalot samin.

nagtaka naman ako sa tanong niya.
"oo naman.. kay Sander.. pero tagal na yun.. alam ko naman masaya na siya eh.." sagot ko sabay subo ng fries.
"ako im not expecting that i would be liking her.. iba kasi siya sa mga babaeng nakilala ko.. i mean she's simple, she's a happy person, matapang, hindi maarte mostly maganda siya.." sabi pa niya pero nakatingin siya sa kawalan.

Thea.. may gusto siyang iba! kaya wag ka ng umasa pa..

bahagyang nalungkot ako..
di ko maintindihan pero feeling ko umiiyak yung puso ko at humihingi ng tulong na sana may sumagip dito..

"good for you.. para di ka na masungit lagi.." sabi ko na lang pilit kong ngumiti para di niya mahalatang nasasaktan ako.

nang maubos namin yung pagkain na binili namin ay agad na niyaya ko siyang umuwi.. medyo inaantok na kasi ako..

pero nakaramdam ulit ako ng hilo.. magbubukas na sana ako ng pinto ng kotse ng biglang nandilim ang paligid ko!

malabo..
malabo pero aninag ko ang isang ilaw..
may mga naririnig akong mga boses..
saan ako ngayon??

"finally gising ka na!" sabi ni Vin na nasa tabi ko lang..

nagtaka ako dahil andito ako sa hospital. anong nangyare?? bakit ako nandito?

"anong nangyari? bakit ako nandito? anong ginagawa natin dito?" sabi ko na lang at nilibot ang paningin sa paligid.

palagay ko nasa ER din ako ngayon..
ano ba kasi nangyari??

"hinimatay ka kasi kanina.. kaya dinala kita dito.. tawagin ko lang doctor para matingnan ka ulit.." sabi ni Vin sabay tinawag yung doctor.

hinimatay ako kanina?
yung huling natatandaan ko lang is binuksan ko yung pinto ng kotse..

"ayun dito sa test results mo.. okay naman.. normal lang yung mga nangyayari sayo.." sabi ng doctor na babae.
"bakit doc? whats heppening to her?" nagtatakang tanong ni Vin.
"mister di niyo po alam na buntis po yung misis niyo.." sabi ng doctor.

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon