Chapter 10

25K 173 2
                                    

Medyo hindi na mainit ngayon mag aalas singko na rin kasi ng hapon.. pero ngayon pa lang kami mag suswimming..
Dito kami ngayon sa isang malaking jacuzzi nasa private pool kami pero jacuzzi style..

"Di ko naman na eenjoy tong outing.." pabulong kong sabi. Sabay tampisaw sa tubig.
Nag sip si Vin ng juice na iniinom niya..
"So anong gusto mong gawin?" Sabi niya habang nakatingin lang sakin.
"Mas bet ko sa totoong pool hindi dito feeling ko di ako makahinga" sabi ko habang tuloy pa rin sa pag tatampisaw.

Bigla siyang umahon sa jacuzzi at umikot papunta sakin.
"Halika na. Lipat tayo sa pool.." sabi niya sabay iniabot sakin yung isang kamay niya.
Nag smile ako at inabot yung kamay niya at hinila niya ako paakyat sa kanya.

Naka two piece lang akong naglakad papuntang pool..
Napansin kong nakasimangot siya habang naglalakad kami.

"Hoy.. anyare sayo? Bakit ganyan mukha mo? Para kang inagawan ng lollipop diyan" sabi ko.
"Di mo ba napapansin yung mga tao dito sayo lahat nakatingin lalo na yung mga lalaki dun sa bandang yun?" Tinuro niya gamit nguso niya yung kinaroroonan ng grupo ng mga lalaki.
"Oh eh ano naman? Bakit? Wala naman silang ginagawa sating masama ah" sabi ko pa.
"Sayo sila nakatingin. Thea.. maganda ka, maputi sexy bakit nga ba sila hindi titingin sayo?! Stupid!" Sabi niya sabay nag walk out.

Nagulat ako sa inasal niya..
Oo pansin kong nakatingin sila pero hanggang tingin na lang sila.. yun yun!
Parang tanga to makapagsalita si Vin eh..

Nag swimming ako..
Talagang sobrang natuwa ako sa swimming pool kasi ngayon lang ulit ako nakapaglangoy.. matagal na rin yung huling naligo ako sa swimming pool.

Sumapit na ang gabi at 7pm na ng matapos akong mag ayos at magbihis.
Nakita kong tulog na tulog si Vin sa kama.
Nakita kong hawak niya yung phone niya.
Kinuha ko yun at tinabi muna. Kinumutan ko siya naka on ang aircon at medyo malamig na dito sa loob ng kwarto.

Pinaandar ko ang tv kasi nga bored ako eh di pa naman tumatawag yung mga katiwala niya para sa dinner.
Medyo VIP ang peg ko ngayon kasi nga maraming katiwala dito na pwedeng maghain para sa kanya.

Nag ring bigla yung phone niya..
Kate Calling...
Kate?? Diba eto yung girlfriend niya? Yung kausap niya dati. Pero ngayon di ko na nakikita or naririnig na magkausap sila sa phone.

Hinayaan ko lang mag ring ng mag ring yung phone niya..
Hanggang sa may nag pop up na text message. Kasi nga lumitaw yung sa taas ng notif niya sa phone kaya di ko sadyang nabasa yung message ni girl.

Mamayang gabi andyan ako sa resort niyo. I know masama loob mo sakin, mag usap tayo babe.. i missed you!

Yan yung laman ng text message.
Pupunta siya dito? Naku baka awayin ako nun baka lalo silang mag away dahil nandito ako. Hmm.. gawa ka paraan Thea! Baka mamaya pumalya yung lovelife netong boss mo ikaw pa yung pagbintangan!

Imbis na mag isip kung anong gagawin ko para di ako maabutan ng gf ni Vin, biglang sumagi sa isip ko yung nangyari samin..
Gusto kong magtanong sa kanya kung bakit ba namin ginagawa yun? Bakit ba niya ako napapayag na makipag sex sa kanya?

Dami kong tanong..
Medyo nakaramdam ako ng selos ngayon kasi may Kate pa sa buhay niya eh ako nag sex kami di ko alam kung bakit. Ang gaga mo Thea!

"Hey... di ka pa ba nag didinner?" Sabi niya medyo husky yung boses niya kakagising niya lang kasi.
"Di pa eh.. hinihintay kita magising ayaw ko naman storbohin ka alam kong pagod ka eh" sagot ko sa kanya.
"Lets go down.. mag dinner tayo.." sabi niya sabay hinila niya ako pero pinigilan ko siya.

"Vin.. nag ring yung phone mo kanina.. di ko pinakealaman baka importante" sabi ko. At agad niyang chineck yung phone niya.
Nakita kong di maganda ang reaction niya.
"Its nothing.. tara na gutom na ako.." sabi niya at hinawakan niya kamay ko at hinila palabas ng kwarto.
Tahimik kaming dalawa na nakasakay sa elevator pababa sa lobby.

"Sir Vin.. kumain na kayo pinagluto ko po kayo ng paborito niyong sinigang na baboy" sabi ng katiwala nilang si nanay Selya.
"Thank you nay! Hanggang ngayon alam na alam mo talaga yung paborito kong ulam" sabi ni Vin na naka smile na parang bata.

Ngayon ko lang siya nakitang nag smile.. yung genuine smile niya.. dahil sa ulam..

"Oh hija.. maupo ka na at kumain na kayo.." sabi ni nanay Selya.

Ang babait at talagang napaka hospitable ng mga katiwala nila Vin.
Si nanay Selya mukhang matagal na ditong naninilbihan sa kanila.

Makalipas ang isang oras may isang kotse na pumarada sa harap ng entrance ng resort lobby mismo.
Tapos na rin naman kami mag dinner tinutulungan ko na lang sila nanay Selya magligpit ng mga napagkainan.

Bumaba sa kotse ang isang babae..
Naka heels ito ng color black at naka dress ito ng color red na maiksi. Classy ang dating parang mayaman feeling ko magkasing edad lang kami.

Mahaba ang buhok..
Maganda at maputi rin siya sexy din at di ko ma dedeny na talagang maganda siya.

"Vin! Oh.. i missed you babe" biglang sabi niya sabay lumapit at yumakap kay Vin.

Laking gulat ko ng hinalikan niya ng mariin si Vin..
Binaling ko ang atensyon ko kay nanay Selya at sumama ako sa kusina nila.

"Ahh.. nanay kilala niyo po ba yung babaen kanina?" Sabi ko habang natulong sa paghuhugas ng mga pinggan.
"Si mam Kate yun. Girlfriend ni sir Vin.. naku ilang beses na yan sila nag bebreak pero si babae din yung bumabalik kay sir" sabi ng matanda.
"Ganun po ba? Mahal siya ni Vin eh kaya siguro pumapayag siyang bumalik." Sabi ko na lang. Pero sa totoo lang nagseselos ako. Pero wala naman akong karapatan.

Lumabas ako ng lobby ng resort nagtungo ako sa isang bakante cottage yung nipa hut style na cottage hawak ko ang pineapple juice na in can. Dito muna ako for sure busy yung dalawang yun sa kwarto ngayon.

Dito na muna ako magpapalipas ng gabi mahirap na baka ano pa isipin nung babae samin ni Vin.

"Are you alone?" Sabi ng isang hindi familiar na boses.
Napalingon ako. Hindi ko nga siya kilala, naisip kong guest siya dito sa resort.

"Oo eh.." matamlay kong sagot.
"Mukhang malungkot ka? Wanna join us?" Sabi niya.
"Saan naman?" Nagtatakang tanong ko. Eh hindi ko naman siya kilala.
"May bar dito sa resort may mga friends ako dun tara mag eenjoy ka dun" sabi niya sabay hinila ako papalayo sa cottage na kinauupuan ko.

Dim light ang paligid at mukhang nag eenjoy ang lahat maraming tao dito ngayon sa bar na pag mamay ari nila Vin.

"By the way whats your name?" Sabi ng lalaki na na meet ko kanina lang.
"Thea yung pangalan ko.. ikaw?" Sabi ko medyo nilakasan ko na rin boses ko dahil nga maingay dito sa loob ng bar.
"Im Zed.. welcome to Alcantara's Resort." Sabi niya sakin sabay inabutan ako ng ladies drink na feeling ko malalasing agad ako.

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon