Chapter 13

21K 150 6
                                    

Last day namin dito sa resort nila.. bukas uuwi na ulit kaming Manila..
Ang bilis ng 3 days..
Kaya naisip kong gawin yung mga di ko nagawa sa tatlong araw..

"Vin.. total last day na natin dito ngayon bakit di na natin lubusin?" Sabi ko sabay tinabihan siya sa pagkakaupo sa kama.

Andito kami ngayon sa kwarto.. wala kaming magawa pareho..
Habang siya ay busy sa pag dutdot ng phone niya.

"Ano namang gagawin natin?" Sabi niya pero nakatingin parin sa phone niya.
"Mag swimming tayo ngayon.. okay lang sayo? Gusto kong mag swimming eh pero dun sa dagat tayo.." sabi ko sabay yugyog sa braso niya.

"Ang init.. baka ma sunburn ka lang.." sabi niya pero nakatingin pa rin sa phone niya.

Ang hirap naman nitong kausap..
Nakakainis naman to.. bahala nga siya diyan!

"Tsss.. bahala ka nga.. maliligo na ako.. bibihis ako.. mag tutwo piece ako!" Sabi ko sabay pumanhik ako sa banyo at nag bihis.

Paglabas ko ng banyo at nakabihis na ako ganun pa rin yung ginagawa niya naka focus pa rin sa phone niya..

"Punta na akong dapat mag suswimming ako.. bahala ka diyan.." sabi ko sabay bumaba na ako.

Ugh! Ang sarap ng hangin! Amoy na amoy ko yung dagat.. yung refreshing scent ng dagat eto yung ma mimiss ko talaga pag nakauwi na kami ng Manila.

Hinubad ko yung bath robe ko..
Binigay pa sakin to ni Vin.. ayaw niya kasing nakikita daw yung kaluluwa ko hahahaha!

Nagtungo akong dagat pagkahubad ko ng bath robe ko..

Makalipas ang 30 minutes na pagtampisaw ay may lalaking lumapit sakin kung saan ako nagtatampisaw ng tubig.

"Hi.. bakit ikaw lang mag isa? Saan si Vin?" Sabi niya habang nakisabay sakin sa pagbabad sa dagat.

Si Zed..
Kapatid ni Vin.. di ko alam kung sino yung mas matanda sa kanila pero feeling ko mas matanda si Zed..

Matipuno din ang katawan ni Zed.. mabigote siya medyo kulot ang buhok pero hindi mahaba.. matangkad din siya nasa 5'8 ata siya. Mas matangkad siya kay Vin konti.

"Nasa suit siya ngayon.. niyaya ko siyang mag swimming pero busy siya eh" sabi ko lang.
"Boyfriend mo ba siya?" Sabi pa niya.

Di ko alam ang isasagot ko kay Zed.
Ayaw ko naman magsinungaling.. haaaay!

Tumango na lang ako bilang pag tugon sa tanong niya.
"Wow.. swerte naman niya. May girlfriend siyang maganda at sexy.. for sure mabait ka rin.." sabi pa niya.

Napangiti na lang ako sa mga sinabi niya.. ma swerte talaga siya kung ako girlfriend niya.. loyal kaya ako..

"Tara mag juice tayo.. if okay sayo?" Sabi niya sabay turo dun sa cottage sa bandang kanan.

Nakaupo lang kami dito sa cottage na tinuro niya.

"Ikaw lang din ba mag isa?" Nagtatakang tanong ko. Sabay nag sip ako ng juice na binigay niya naka lata naman.

"Oo eh.. lagi naman akong mag isa.." sabi niya na may bakas ng lungkot sa mata niya.
"Bakit mo naman nasabi na lagi kang mag isa?" Nagtatakang tanong ko.

Lingid sa kaalaman kong magkapatid sila ni Vin at oo hindi sila magkasundo halata naman eh.. iisang lugar lang sila pero hindi sila nagpapansinan yung tipong strangers sila sa isat isa.

"Ang totoo niyan simula nung nalaman kong may anak sa labas si papa dun nagsimulang gumuho yung mundo ko.." biglang sabi niya.

Hudyat ito ng panimulang pag kukwento niya sa buhay niya..
Nailagay ko sa mesa yung juice na iniinom ko at nakinig sa kanya.

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon