Chapter 9

25.8K 191 2
                                    

Maaga akong nagising dahil nga may pasok tong boss ko sa opisina..
Pinagluto ko siya ng pagkain.. hotdog at toasted bread then kape na lang ayaw niya kasi ng heavy meal sa umaga..

"Oh sakto kakaluto lang ng pagkain.. kumain ka na at baka ma late ka sa office" sabi habang pinaghahain ko siya.

"Im on my leave sa office.. aalis tayo punta tayong Pampanga.." sabi sabay sinubo yung hotdog na hinanda ko.

Nagtaka naman ako.. anong gagawin namin dun??

"Anong gagawin natin dun?" Takang tanong ko.
"Mag rerelax.. part ng trabaho mong samahan ako so wag ka na umangal" sabi niya sabay subo ulit sa hotdog.

"Kaya mag ayos ka na ngayon tayo aalis.. lahat ng gagamitin mo for 3 days dalhin mo at yung sakin din.." sabi pa niya.

Kaya pumanhik na akong kwarto ko, syempre uunahin ko yung mga dadalhin ko. After ko mag handa ng dadalhin ay agad akong pumanhik sa kwarto niya hinanda yung mga kakailanganin niya.

Nilabas ko galing kwarto yung mga bagahe namin..
"Wow! Parang buong buhay natin nailagay mo sa mga bag na yan ah..." sabi niya sabay napatawa siya.
"Eh sabi mo kasi dalhin yung mga gagamitin good for 3 days!" Sabi ko sabay humawak sa bewang ko. Pataray ko siyang tiningnan.

Then tinitigan niya rin ako.. like what the ef! Bakit ba kasi ang gwapo netong lalaking to?? 25 pa lang siya pero ang hot niya kahit saang angle..

Thea! Tigilan mo yang pag papantasya sa mokong na to..

Nasa gitna na kami ng byahe ng bigla siyang magsalita..
"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain muna tayo?" Sabi niya habang naka focus yung tingin sa daan.
Nag dadrive kasi siya ng kotse.

"Di pa ako gutom.. mamaya na" sagot ko di ko siya tiningnan. Sa daan lang din yung tingin ko.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa isang resort.. konti lang yung tao dito medyo mag pagka private din yung resort.

"Sir good afternoon po! Naku tamang tama naghanda na si nanay selya ng tanghalian niyo." Sabi ng isang babaeng medyo may edad na na sumalubong samin pagdating namin sa lobby ng hotel sa resort.

Nagtaka ako.. kilala niya mga tao dito? Ibig sabihin siya yung may ari nitong resort? Wow.. bigtime si mokong ha..

"Kayo may ari nitong resort?" Nagtatakang tanong ko.
Tinanggal niya yubg shades niya at tumingin sakin.
"Hindi.." sagot niya medyo suplado yung tono niya.
Nagulat naman ako sa inasal niya. Akala mo kung sino! Tss!

"Mam... akina na po yung dala niyo mukhang mabigat po eh" sabi ng isang lalaki na katiwala ata nila. Pero naka uniform ito na parang hawaian style na polo shirt at naka shorts na brown.

"Hayaan mo siya.. kaya niya yan.. maid ko siya so obligasyon niya yan" sambit ni Vin sa katiwala nilang lalaki.

Nanlaki naman yung mga mata ko..
Aba grabe naman pala ma attitude tong lalaking to!

"Ahh.. ehh.. kuya okay lang po kaya ko na to.. saan po ba ako pwede tumuloy?" Tanong ko kay kuya.
"Oh eto ang susi ng kwarto.. ayusin mo muna lahat ng gamit natin dun hihintayin kita sa VIP lounge.." sabi niya sabay nag walk out na.

What?! Isang kwarto kami?!
Nakatikim ka lang gusto mo na ako kasama sa kwarto? Aba! Astig ka rin! Manyak!
Sigaw ng isip ko pero syempre di ko kayang sabihin mahirap na baka sibakin pa niya ako.

Pagbukas ko ng kwartong matutuluyan namin.. namangha ako kasi ang ganda at ang laki ng kwarto pero isa lang yung kama?!! Holy geez!
Good for 4 persons ata tong kama ang lapad eh..

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon