Chapter 25

14.7K 119 10
                                    

Maaga ako ngayon nagising para ipagluto si Vin ng agahan.. bago ako bumangon ay hinalikan ko muna siya sa forehead.

Nagtungo akong kusina at inilabas sa ref ang isang pakete ng bacon at mag prito din ako ng sunny side up na itlog nag init na rin ako ng tubig para maipagtimpla ko siya ng kape para mamaya.

Ng biglang tumunog yung phone ko..

*one text message
From: Sander
"Thea wala ka bang gagawin today? Kailangan kita makausap. Si Kurt bumalik na ng pinas."

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa nabasa kong text message ni Sander.

"Si.. si.. kuya andito sa pinas?! Jusko! Anong gagawin ko?! Di niya ko dapat makita! Ayoko na silang makita kahit na kailan!" Bulong ko sa sarili ko.

Di dapat malaman ni Vin na may pamilya pa pala ako.. ayokong malaman niya kung saang pamilya ako galing!

Nag pasya akong mag reply kay Sander sa text.
"Okay. Puntahan mo na lang ako dito sa condo. Mag usap tayo"
Message sent.

Napabuntong hininga ako..
Pakiramdam ko biglang lumiit yung mundo ko..

Paano ko nga ba makakalimutan yung mga taong nag maltrato sakin? Yung mga taong umalipusta sa pagkatao ko.. yung mga taong akala ko mahal ako dahil kadugo at pamilya nila ako..

Dahil ba sa anak ako sa labas ng daddy ko? Haaay! Ayoko ng balikan yung nakaraan ko.. nakapag move on na ako simula nung mapabilang ako sa grupo nila Sander nag iba na lahat sakin. Natuto akong lumaban ng mag isa at natuto akong wag sumuko sa laban ng buhay..

Di nila alam kung anong pinagdaanan kong hirap! Pinalayas sa bahay natulog sa bangketa na tanging sapin ay karton! Binalikan ko sila pero nung malaman ko pumunta sila ibang bansa.. di ko alam kung saan ako pupunta pero mabait ang Diyos sakin di ako pinabayaan tinahak ko man ang masamang gawain, binago naman nito ang buhay ko..

Ngayon? Na okay na ako, ngayon pa sila manggugulo?!!

Paano nga ba nalaman ni Sander yung tungkol sa pamilya ko?

Flashback
(5 years ago)

"Maaaa!! Please.. gusto ko po sumama sa inyo.. wag niyo po to gawin sakin.." humahagulhol ako ng iyak nagmamakaawang isasama nila sa pag alis nila sa ikalawang pagkakataon..

"Di ko pwedeng sumama! Dun ka sa nanay mong malandi! Nagtiis lang akong sikmurain na kasama kita sa bahay dahil kay Alberto! Ngayong wala na siya wala ka na rin puwang sa pamamahay ko!" Pasigaw at galit na sabi ni mommy..

Oo simula't sapul siya na yung kinilala kong nanay.. 7 years old ako nung nalaman kong anak pala ako sa labas ni dad sa ibang babae..

"Maaa.. ikaw lang po nanay ko.. kayo lang po ni kuya kurt yung pamilya ko.. maaa.. please wag niyo po akong iwan.." lumuhod na ako sa harap niya nakita kong tumulo yung mga luha niya sa aking pagmamakaawa..

"Umalis ka na.. kalimutan mo na kami.." pilit akong pinagtulakan ni mommy. Nanlumo ako at sadyang di makapaniwala sa nangyayari..

"Anak niyo na rin po siya sana wag naman po ganyan pag trato niyo ma'am" sabat ni Sander na sa panahong ito ay nasa murang edad pa kami.

"Hoy! At sino ka naman para magsalita diyan?! Bakit? Ano bang pakealam mo sa problema namin?! Ayan! Isama mo yang walang kwentang batang yan! Total sirang sira na buhay niyan!" Sagot ni mommy kay Sander.

Pumasok na sa loob ng kotse si mommy. Nakita ko pa na sumilip si kuya Kurt sa bintana. Umiiyak din siya alam kong malungkot siya dahil magkakalayo kaming dalawa.

"Kuya Kurt! Wag niyo ko iwan.." tuloy pa rin ang pagmamakaawa ko at pag iyak.

"Ma.. di ba talaga natin isasama si Thea? Ma kawawa naman yung kapatid ko.." sabat ni kuya Kurt.
"Di mo siya kapatid! Wala kang kapatid sa labas. Naiintindihan mo?!" Sabi ni mommy pero di sumagot si kuya.

At agad na isinara ang tinted na bintana ng kotse at umalis na ng tuluyan..

Napagkaalaman ko na lang na binenta na pala nila yung bahay namin.. kaya napag pasyahan kong tumigil na sa kakaasa na tatanggapin pa ako ng pamilyang kinalakihan ko na..

End of flashback.
(Back to present)

Di ko namamalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.. isang umagang kay lungkot..

"Good morning babe.. akala ko kung saan ka na nag punta andito ka lang pala" sabi ni Vin na bigla akong niyakap mula saking likuran at hinalikan yung batok ko.

Pilit kong pinigilan yung mga luha ko.. at di ako nagtagumpay sa pagtago sa kanya dahil nakita niyang umiiyak ako.

"Why you're crying babe? May problema ba?" Sabi ni Vin na halatang worried ito.

"Nothing.. im just happy and blessed to have you and our baby in my life.. i love you so much babe." Sabi ko sabay hinalikan sa labi si Vin.

Biglang sumagi sa isip ko na magpaalam kay Vin dahil pupunta dito mamaya si Sander.

"Uhmm.. babe.. mamaya pala pupunta dito si Sander may papabigay sana ako sa inaanak ko" sabi ko sa kanya habang inihahanda ang kape para sa kanya.

"Sure.. sige babe no problem.. regards mo na lang ako sa kanya" sabi niya sabay nag sip ng kape na inihanda ko sakanya.

Makalipas ang tatlong oras pag patak ng ala una ng hapon ay umalis si Vin para mag trabaho.

Eksaktong 30 minutes na mula nung umalis si Vin ay dumating si Sander.

"Maupo ka muna.." sabi ko sabay pumanhik ako dito sa kusina at naghanda ng meryenda para kay Sander.

Inilapag ko sa mesa ang isang baso ng juice at isang slice ng cake.

"Hinahanap ka ng kuya mo.." biglang intro sakin ni Sander.
"Paano kayo nag usap? Alam ba niya kung saan ka nakatira?" Tanong ko.
"Pinuntahan niya ako sa bahay pinahanap niya daw talaga ako. Nag bakasakaling magkasama pa daw tayo" dagdag pa nito.

"Anong sabi mo? Sinabi mo ba kung saan ako nakatira?" Sabi ko.
"Syempre hindi.. sabi ko kinalimutan mo na sila gaya ng pag limot nila sayo" sabi nito sabay kumain ng cake.

Di pa rin nagbabago si Sander makulit pa rin at down to earth pa rin.

"Patay na daw yung nanay niyo sabi niya dun daw namatay sa New York" dagdag pa nito.

Ikinagulat ko ang balitang ito.. di ko inaasahang wala na yung step mom ko.

"Oh bakit ka nalulungkot? Diba nga dapat masaya ka kasi wala na yung bruhilda mong nanay" sabi ni Sander sabay uminom ng juice sa baso.

"Nanay ko pa rin siya kahit di niya ako tunay na anak.. di ako makapaniwalang wala na siya. Eh si kuya? Anong pinag usapan niyo?" -ako

"Bago daw namatay yung nanay niyo hinabilin na hanapin ka at ihingi ng tawad sayo.." sabi ni Sander.

Naiiyak ako sa mga naririnig ko. Ang tagal kong inasam na tanggapin niya ako bilang anak. But its too late kasi wala na siya.

"Wag mong sasabihin kay kuya kung saan ako nakatira just incase puntahan ka ulit sa bahay" sabi ko.

"Oo ba basta ikaw. Alam mo naman mahalaga ka sakin." Sabi ni Sander sabay kumindat pa ito ng mata.

Napangiti ako sa ginawa niyang yun. Kahit papano napangiti niya ako dahil malungkot na balita ang nalaman ko ngayon.

Sorry ma kung di kita madadalaw.. napatawad na po kita.. salamat po at kahit sa huling hiniga mo ako pa rin yung hinanap mo.. i miss you ma..

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon