Chapter 5

32.6K 207 3
                                    

Nagluto ako ng hapunan.. Tinulungan ako ni Sander para maghain ng pagkain..
"Sarap ng hapunan natin ngayon.. Adobong manok ala thea!" Sabi ni Sander sabay kinindatan ako.

"Aba syempre ako kaya nagluto kaya masarap yan.." Sagot ko habang naghahanda ng mga pinggan. Pauwi na kasi sina Pat at Larry at siguradong gutom yung mga yun.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na nga sina Pat at Larry pero may di inaasahan kaming bisita na kasama nilang dalawa.
Familiar sakin yung tsura ng lalaking kasama nila.

Naningkit bigla yung mga mata ko ng malapitan ko ng makita yung lalaki.

"Oh Larry, Pat may kasama kayo? Sino siya?" Nagtatakang tanong ni Sander.
"Si Vin Alcantara!" Sagot ko.
Halatang di na nagulat si Larry na kilala ko yung lalaking kasama nila.
"Kilala mo siya?" Nagtatakang tanong ni Sander.

"Oo magkakilala sila.. " sabat ni Larry.
Di na nagsalita si Sander pero halata sa mukha niya yung pagka yamot.
"Anong ginagawa niyang dito Larry? Eh kung magsumbong sa mga pulis yan?" Sabi ko at talagang naiinis ako kay Larry ngayon. Di niya alam yung ginagawa niyang pagdala niya dito sa lalaking yan!

"Ahh.. Ehh.. Dont worry i wont tell anyone about your place.. Sinadya kong kausapin tong mga kasama mo para sa isang job offer" sabi ni Vin na kung makapagsalita akala mo kung sino..

Automatikong tumaas yung kilay ko sa narinig ko.
"Wow! Ganun kalawak yung connection mo para alamin kung sino sino tong mga kasama ko?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.
"No.. No.. Matagal ko na kayong pinapasundan sa mga tao ko.. And no wonder you all professional...." Naghihintay akong marinig yung idadagdag niyang salita..
"Professional ano?!" Nayayamot kong tanong.
"Okay.. I know your job the four of you.. Alam ko rin yung nature ng trabaho niyo and believe it or not im offering you guys a job.." Sabi pa niya.

"Gusto niya tayong maging personal investigators niya.. In short may pinapamanmanan tong Vin na to" sabi ni Pat habang busy sa pag dutdot ng cellphone niya.

Ano kamo? Personal investigators niya?! Baliw ata tong lalaking to!

"Baliw ka na ba?!" Sa sobrang inis ko parang gusto kong ihagis sa kanya yung mga plato na nasa mesa ngayon.

"Private investigators?! Eh marami ka namang pera eh! Bakit di ka na lang kumuha ng iba?! Ipapahamak mo lang kami eh!" Medyo tumataas na boses ko dahilan para mapahawak si Sander sa likod ko.

"Hoy lalaki! Umalis ka na dito walang tatanggap ng offer mo na yan!" Sabi ko sabay tingin ng masama kay Larry.
Tahimik lang si Larry at di umimik. Mas mabuti ng manahimik siya at talagang mag aaway kaming lahat dito.

"Okay.. If ever na mag bago ang isip niyo please Larry alam mo kung saan ako pupuntahan." Pagkasabi niya ay agad siyang umalis.

Bumaling ng tingin sakin si Larry pagka alis ng lalaki.

"Tanga ka ba? Pagkakataon mo ng magkaroon ng matinong trabaho!" Sabi niya sabay tinapon sa mukha ko yung face towel na bitbit niya.
"Matinong trabaho eh ipapahamak niya tayo! Ako nga ba ang tanga dito?! Oh ikaw?!" Sabi ko at pinandilatan ko siya ng mata.

Nagtatangis yung mga ngipin niya at di na nakapagpigil ay nag walk out na lang siya at lumabas ulit ng bahay.

"Larry!" Sigaw ni Pat sa kanya.
"Hayaan niyo siya ipapahamak niya tayo!" Sabi ko at tinalikuran ko na sila.
"Pag isipan mong mabuti yung offer niya Thea, bago mo husgahan si Larry na ipapahamak tayo alamin mo muna lahat! Nakakainis ka naman!" Sabi ni Pat at sabay padabog na umakyat sa kwarto.

Napatulala na lang ako sa mga sinabi ni Pat. Talagang kinampihan pa niya si Larry.. Nakakainis talaga sila!

"Hayaan mo na.. Parehong maiiinit ulo niyo bukas na kayo mag usap na tatlo.. Hapunan na tayo hayaan na muna natin sila" sabi ni Sander at sabay inakay ako papuntang hapag kainan.

Inagahan ko yung gising ko para makausap si Larry tungkol sa nangyari kagabi. Pero bigo ako mas maagang umalis si Larry ngayon. Naabutan kong si Pat nagkakape sa sala habang nag sosmoke ito.

"Aga mo gumising.. Umalis na si Larry siya na lng daw muna ang magtatrabaho ngayon" sabi ni Pat.
"Ganun ba? Kumain ka na ba? Maghahain lang ako.. Si Sander na saan?" Nagtatakang tanong ko.
"Bumili ng almusal.." Walang ganang sagot ni Pat sakin.

Lumapit ako kay Pat at masuyo ko siyang nilambing. Niyakap ko siya mula likuran niya.
"Sorry na Pat tungkol dun kagabi.. Ayoko lang kasi mapahamak tayo, mahal ko kayo ayokong basta basta na lang tayo magtitiwala" sabi ko sa pinakamalambing kong tono.

Wala siyang imik na hinahayaan niya lang akong yakapin siya.

"Kausapin mo na lang mamaya pag uwi niya si Sander. Di mo ba alam na sobrang mahal ka nun, gusto niyang kahit ikaw na lang daw yung may matinong trabaho samin.." Sabi ni Pat.
"Oo alam ko kaya sorry na nga eh.. Please.." Humarap ako sa kanya at nag blink blink yung mga mata ko.
"Sus nagpa cute ka pa dyan.. At pwede ba magsuot ka ng bra. Nakakalibog yung mga boobs mo" nagulat ako sa sinabi ni Pat sakin.

Nakasanayan ko na kasing di nagsusuot ng bra pag dito lang sa bahay..

Dumating na ang gabi at wala pa rin si Larry..
Di naman ginagabi ng sobra yun eh..

Tumayo ako para kumuha ng baso at ako ay iinom ng tubig.
Ng biglang... Nabitawan ko yung baso at nabasag ito..
Parang bigla akong kinabahan di ko maipaliwanag.

"Anong nangyari Thea?" Gulantang na pumasok sa bahay bigla si Sander.
"Wala okay lang ako..." Balisa akong napaupo sa sofa.
"Ayos ka lang ba Thea? Ano bang nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ni Sander na halatang nagaalala sakin.

Ng biglang...
Hingal na hingal na pumasok ng bahay si Pat.

"Oh Pat! Anong nangyari? Bakit ka tumatakbo may humahabol ba sayo?" Nagaalalang tanong ni Sander.

Wag naman sana tumama yung hinala ko.  Sobrang nag aalala na ako..

"Si... Si Larry... Wala na...!" Sabi ni Pat habang umiiyak at hingal na hingal pa.

Napanganga ako sa narinig kong wala na si Larry..

"Pat di magandang biro yan! Nasan si Larry!" Sabi ni Sander na tila gusto na rin mag panic.
"Nahuli siya ng kalaban nating grupo! Sinaksak si Larry, ayoko sana siyang iwan pero talagang gusto niya akong umalis na dun pag lingon ko nakita kong binaril si Larry sa ulo!" Tuluyan ng bumigay ang mga mata naming lahat sa sinabi ni Pat samin.

"Mga hayop sila!" Sabi ni Sander na sinuntok pa yung mesa.
"Ang sasama nila.. Walang kalaban laban yung tao!" Sabi ko habang nakayakap kay Sander.

"Di na tayo ligtas dito mag impake na kayo dali at aalis tayo ngayon.." Sabi ni Pat at pumanhik paakyat ng kwarto.

Dali dali kaming umakyat ng kwarto at nagsi impake ng mga gamit namin. Ng biglang nahulog yung isang maliit na papel. Calling card ng Vin Alcantara. Agad ko itong ibinulsa at tuluyan na naming nilisan yung lugar na tinitirhan namin ngayon.

Pansamantala kaming naka check in dito sa isang lodging house.. No choice kami ngayon, nabawasan yung ipon ni Sander dahil sa nangyari ngayong gabi.

"Sorry... Kung ngayon pa nangyari ito" sabi ni Sander.
"Wala ka naman dapat ihingi ng sorry, wala namang may gusto nito.. Di man lang natin mabigyan ng maayos na burol at libing si Larry" sambit ko habang tuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.

"Oo nga.. Sa tagal na nating kasama si Larry never niya tayong pinabayaan kahit na alam natin kung gaano siya kalupet"
Sabi pa ni Sander.

Eto yung part na masaket eh kung may namamatay sa grupo namin kelangan namin umalis sa lugar kung saan kami nakatira.

Ngayong, wala na si Larry kelangan naming tatlo ipagpatuloy ang buhay kahit wala na siya pangako namin na walang iwanan solid tong grupo na to..

Kaya Larry kung saab ka man ngayon, salamat sa lahat. Di ka namin makakalimutan.

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon