Chapter 19

16.7K 158 4
                                    

nakalipas na ang isang linggo..
okay naman ang flow ng buhay namin na magkasama kaming dalawa ni Vin.
di na siya pumapayag na gumawa ako ng gawaing bahay pero syempre di ako sanay na nakahilata lang buong araw..

sa totoo lang di ko pa rin masasabing official na kami ni Vin eh wala naman siyang sinasabi sakin na kahit ano eh.. maliban na lang na sa kanya tong pinagbubuntis ko..

oo naman aminado naman siya dun at never naman niya dineny tong bata sa sinapupunan ko..
di ko lang talaga alam yung status naming dalawa.

Thea.. alam kong umaasa ka pa rin na balang araw magkakaron rin ng label yung kung ano kayo ngayon.. pero kalahati ng isip ko nagsasabi na malabong mangyari.. haaay.. nakakalungkot..

narinig kong tumunog yung door knob ng pinto..
kaya agad akong napalingon. alas otso na ng gabi alam kong oras talaga ng uwi niya ngayon.

"hi.. hows your day?" sabi niya sabay hinalikan ako sa noo.
may dala siyang pagkain.. magluluto nga sana ako kaso tumawag siya sabi niya bili na lang daw siya ng pagkain para di na daw ako magluto at baka mapagod pa ako.. sounds OA pero ang sweet niya..

ngumiti ako sa kanya..
tinanggalan ko siya ng korbata, pagkatanggal ay agad akong pumasok ng kwarto at kumuha ng pampalit niyang damit.

"okay naman ako.. wag mo na ako masyadong isipin.." sabi ko sabay inaayos yung damit na pinalit niya.
"di naman pwedeng di kita isipin at saka yung baby natin.." sabi niya sabay himas sa tiyan ko.

hinawakan niya bigla kamay ko bahagya akong iginayak para umupo sa tabi niya..

"may pag uusapan tayo Thea.." sabi niya na bakas ang seryosong itsura nito pero kalmado lang.
"hmm.. ano naman pag uusapan natin? may problema ba?" nagtatakang tanong ko.
"no.. walang problema.. its just may gusto lang akong malaman from you.." sabi niya pero ganung awra pa rin siya.

tila nakaramdam ako ng kaba..
bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.. "a..ano naman yun?" sabi ko at medyo nauutal pa dahil sa kaba.
"do you love me?" sabi niya na seryoso ang itsura niya at tono niya.

parang di pumasok sa sistema ko yung tanong niya sakin.. dahilan para tanungin ko siya ulit kung ano yung sinabi niya..
"a..ano ulit yung ta..tanong mo?" sabi ko.
"do you love me?" sagot nito.
di nga ako nagkamali ng narinig.. tinatanong niya kung mahal ko ba siya?

"ba..bakit mo naman natanong yan?" nagtatakang sabi ko.
"please.. sagutin mo na lang.. oo at hindi lang naman yung isasagot mo eh.." sabay hawak niya sa mga kamay ko.

jusko! di ko alam yung isasagot ko.. baka kasi pag sinabi ko yung totoong feelings ko masaktan lang ako..

"kasi ako.. mahal kita Thea.. mahal na mahal.." biglang sabi niya.
na ikinagulat ko naman.. parang hihimatayin ako sa sinabi niya.

di ko alam ang gagawin.. inalis ko ang kamay ko sa kanya at tumingin sa paligid habang nag iisip ng isasagot sa kanya..

"pengeng tubig.. please tubig.." sabi ko dahil medyo natataranta na ako..
"oo saglit lang.. " pagkasabi niya ay agad siyang tumayo at kinuha ako ng tubig.

agad ko itong ininom at pilit na kinalma yung sarili ko..
"may.. masama ba sa sinabi ko? okay ka lang ba? anong nararamdaman mo?" sunod sunod na tanong niya.
"ah.. eh.. wala.. medyo nagulat lang ako sa sinabi mo.." sagot ko ng kumalma na ako.

"now.. i need to know if you feel the same? mahal mo rin ba ako?" muli nitong sabi.
"Vin.. ang totoo niyan.. oo mahal kit..." hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla niya akong halikan sa labi.. madiin pero may lambing.

ikinagulat ko na naman ito.. dahilan para mapapikit na lang ako dahil sa paghalik niyang yun..

siya ang unang kumawala sa halik na yun.. at dikit ung mga noo naming dalawa.. langhap na langhap ko yung mabangong hininga ni Vin..

"i cant believe this.. akala ko ayaw mo sakin coz you have Sander..." sabi niya sabay nag smile.

gwapo talaga si Vin lalo na pag nangiti siya..
isang matamis na ngiti din yung iginanti ko sa kanya..

"may you ask you again Thea?" sabi niya at bahagya inilayo yung ulo niya sakin.
tumango lang ako at nag smile..
"can you be my girl? real girlfriend..." sabi niya sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.

totoo ba to? hindi ba to panaginip?

"oo Vin.. yes.." sagot ko sabay niyakap niya ako ng mahigpit..
at hinalikan ako sa buong mukha ko.. damay pati leeg..
"i love you Thea.. so much.." sabi niya sabay hinalikan ako sa labi..
"i love you too Vin.." sagot ko naman sa kanya..

6 months later...

excited kaming pareho malaman ang gender ng magiging anak namin.. dahil walang pasok ngayon si Vin sinamahan niya akong mag pa ultrasound ngayon..

"misis! congratulations its a baby boy.." sabi ng doctor na kasalukuyang nagsasagawa ng ultrasound sakin.

di man masyadong klaro bahagya kong nakita ang itsura ng baby namin.. kitang kita ko sa mukha ni Vin ang saya dahil lalaki pala ang kanyang magiging anak..

"wow.. lalaki yung anak natin Thea.. " sabi niya sabay hinalikan ako sa noo.
walang paglagyan yung tuwa na nararamdaman ko ngayon..

"misis iwasan ang ma stress ha.. sa ultrasound mo mukhang okay naman si baby.. tuloy mo lang yung healthy eating habit mo at yung gatas wag kakalimutan and vitamins importante yun.." sabi pa ng doctor na agad naman kami sumang ayon sa sinabi nito.

pagkatapos namin pumuntang clinic ay pumunta kaming mall..

"anong gagawin natin dito? may bibilhin ka ba?" nagtatakang tanong ko.
"mamimili tayo ng mga gamit ni baby total alam na rin naman natin yung gender niya ao lets have shopping for our baby boy.." masayang tugon nito sakin at sumabay pa ng halik niya sa kamay ko.

simpleng sweet si Vin.. sa ganung ugali niya ako nahulog..
for sure magiging mabuting tatay siya sa anak namin..

nasa loob kami ng department store sa infant section.. habang namimili ng mga pang baby na damit sa di kalayuan natanaw ko si Zed at may kasamang babae ito pero nakatalikod kaya di ko kita yung itsura ng babae..

hinayaan ko na lang at binaling ulit yung atensyon ko kay Vin na abala sa pamimili ng mga damit..

nang matapos na kaming pumili ay agad kaming dumiretso ng cashier counter para mag bayad..
at nakita kong nakita kami ni Zed kasabay lumingon yung kasama niyang babae.. nanlaki ang mata ko ng makita ang babae.. walang iba kundi si Kate..

"Vin.." pagkasabi ko sabay tap ng balikat niya at iginayak yung paningin patungo sa kinatatayuan ng dalawa..

nakita rin sila agad ni Vin..
na tila sa itsura nito ay parang nag iba yung awra niya.. syempre ikaw ba naman yung ex mong gago at yung pinaka worst enemy niyang kapatid ang nakita niya.

"lets go Thea.." pagkatapos niyang magbayad ay agad niya ako hinila palabas ng department store.

nasa kotse kami at pauwi na ng bahay..
tahimik kaming pareho.. walang gustong magsalita..

nagtataka tuloy ako kung bakit parang ganun na lang yung reaction niya nung nakita si Zed at Kate.. affected pa kaya siya sa ex niya? bigla naman ako nalungkot sa iniisip kong yun.

hanggang nakauwi kami dito sa bahay ay pareho kaming walang imik..
tiningnan ko yung orasan at maaga pa pala 4pm pa lang.. kaya napag pasyahan kong matulog muna dahil medyo napagod ako sa pamimila namin ni Vin.

dito na ako sa kwarto ni Vin ngayon natutulog.. yung dating kwarto ko kasi for renovation daw para baby namin gagawing nursery room..

nakahiga na ako..
ng nakaramdam akong papasok siya ng kwarto ay agad akong nag panggap na natutulog..

naramdaman kong tumabi siya sakin at niyayakap ako ngayon..
naramdaman kong hinalikan niya ako sa batok mula sa likuran ko..

"i've never been happy like this.. im sorry if i acted strange awhile ago.. its just bcoz nagagalit ako sa mga taong nanakit sayo dati.." sabi niya pero pabulong at malambing ang tono niya.

"i love you so much and our baby too.. ginawa niyong makabuluhan tong buhay ko.." sabi niya sabay humalik ulit sa batok ko.

natutuwa ako sa mga sinasabi niya..
ako na ata ang pinaka maswerteng babae.. dahil mahal na mahal ako ng lalaking mahal na mahal ko rin..

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon