Compare

95 0 0
                                    


panibagong araw nanaman, at naririnig ko ang aking itay na tinuturuan ng math ang aking mga kapatid.

tahimik akong nagtitipa ng cellphone ng makarinig ako ng ngawa.

"papa aray! papa sakit! urgh!" hiyaw ng aking kapatid ng mapagbuhatan sya ng kamay ng aking itay.

hindi ako makagalaw. hindi ko manlang maipagtanggol kapatid ko.

umiwas ako ng tingin habang nakikita na nabububogbog ang sarili kong kapatid.

"punyeta ka! napakabobo mo! simpling math hindi mo magawa!" sigaw ng aking itay sa aking kapatid at pinagsasapak ang maliit nitong katawan.

napakagat ako ng aking labi at sinubukan wag tumingin sa kapatid kong halos namamaga na ang katawan sa bugbog ni itay.

"buti patong kapatid mo! mas bata to sayo pero mas matalino! pero ikaw?! putangina napaka bobo mo!" sigaw ulit ni itay at kumuha ng sinturon at pinaghahampas ang kapatid ko.

punong puno ng luha ang muka ng aking kapatid, at punong puno rin ng pulang marka ang kanyang maliit na katawan.

nakapa walang kwenta kong panganay at wala akong magawa kundi ang tumingin.

"papa sorry na po- urgh! h-hindi na po ako m-magkakamali- urgh!" nahihirapan na sambit ng kapatid ko at agad na umeksena si mama.

"mahal tama na yan yung bata kawawa-"
naputol ang salita ni mama ng sumigaw si itay,

"hindi! kailangan matuto nito ng leksyon! napaka walang kwentang bata!" sigaw ni itay pero hinila to ni mama palayo sa aking kapatid na punong puno ng pulang marka mula sa suntok at bawat latigo ng sinturon.

kumuha ako ng yelo mula sa ref at nilagay ito sa muka nya, puro pasa at luha.

"a-ate bakit ganon si papa? s-sinusubukan ko naman l-lahat ng makakaya k-ko" nanghihinang sambit ng aking nalalantang kapatid habang humihikbi.

tumingin ako sa kanya ng may awa at niyakap sya, hinagod ko ang kaniyang likod ng marahan.

"wala tayong magagawa dyan Niel. Gawin mo nalang ng mabuti pag aaral mo ng hindi ka mabugbog ni itay ha? pasensya na walang magawa si ate." malungkot kong sambit at pinunasan ang luha nya.

ngumiti ako sa kanya.

"sige na hilamos ka na dun ng mahimasmasan muka mong magang maga." tawa tawa kong sabi at agad naman nya itong sinunod ng nakangiti at sabay saludo.

"ma'am yes ma'am!" at nagtungo sa banyo.

tinignan ko ang aming bunso, nakayuko ito at mukang tulala.

hays.

umakyat ako sa hagdan at onti onti kong narinig ang usapan ng aking mama at itay.

"mahal ibalik itapon na kaya natin si Niel sa bicol? wala namang kwenta yung batang yon puro kabobohan ang alam!" anang ni itay .

"mahal wag kang ganyan anak mo pa rin naman iyon , may pag asa pa sya para matuto!" tugon naman ni inay.

"nakita mo nga ang bobo sumagot simpleng math hindi alam! mas matalino pa yung ate nya at si bunso!" sigaw ni itay bigla.

napaluha ako sa aking narinig at biglang may humila sa damit ko.

nakita ko ang aking kapatid na si Niel, ang nabugbog kanina.

"a-ate hindi na ba ako mahal ni papa?" mangiyak ngiyak nitong tanong.

agad akong nataranta, narinig nya kaya?

umiling ako agad at nilingon sya ng may mabigat na puso,

"mahal ka ni papa Niel galit lang sya-"
naputol ako sa pagsasalita ng-

"HINDI ATE! HINDI AKO MAHAL NI PAPA!"
tumakbo agad si Niel pababa ng hagdan at agad na lumabas ng bahay, kasabay non ang paglabas ni itay at ni mama sa kwarto.

nagulat sila ng makita nila ako na malapit sa pinto ng kwarto.

pinanlisikan ko sila ng mata at agad na bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

nakita ko si Niel na tumatakbo at may sasakyan na parating.

FUCK!

agad akong tumakbo ng mabilis sa kinaroroonan nya at sumigaw

"NIEEEEEL!!!!"

but it was too late.

nakita ko kung paano binunggo ng kotse ang katawan ng aking kapatid.

gumulong ang katawan ng aking kapatid at nagsimulang dumaloy ang dugo mula sa kanyang ulo.

dumaloy ang luha ko sa aking pisngi at agad na tumakbo sa katawan nya.

niyapos ko ang kanyang katawan at hinawakan ang pisngi nito.

"N-niel hindi magandang biro yan g-gumising ka dyan. H-hindi ka nakakatuwa."
naiiyak kong tugon at nakita ko syang ginalaw ang labi nya.

"a-ate, m-mahal ko k-kayo nila papa." sambit nya at biglang nanlamig ang kanyang katawan.

H-hindi maari t-to.

bigla ako nakarinig ng yabag at ambulansya.

nakita ko sila itay at mama.

punong puno ng pagsisi ang muka ni itay.

nabuhay ang galit sa aking puso na matagal ko ng kinikimkim.

binitawan ko ang katawan ni Niel at dahang dahang hiniga ito at hinarap si itay.

"alam mo itay! isa kang walang kwentang ama! ng dahil sayo namatayan ako ng kapatid! putangina itay! putangina! napaka walang kwenta mo! sa inyong dalawa ikaw ang walang kwenta! wala kang ginawa kundi bugbogin at batuhan ng masasakit na salita si Niel! itay sinubukan naman lahat ni Niel! hindi naman nya ginusto na mabagal sya makisabay! tangina tay! dahil na rin sa pag kukumpara mo sa kanya kay bunso ayan! tumakbo sa labas! narinig nya rin kasi ang usapan nyo! mga putangina! anong klaseng mga tao kayo?!" pagwawala ko sa harapan nila itay at hindi sila maka imik.

"oh ano tameme kayo ngayon?! hindi nyo alam kung gaano kayo kamahal ni Niel itay kahit lagi mo syang binubogbog. Isa kang walang kwentang tao. Simula ngayon, hindi na ikaw ang tatay ko." sambit ko at umalis na lamang na punong puno ng lumo.

this shit wouldn't have happened if my goddamn father didn't compare my brother to my younger brother.

world sucks.

•••

End.

One-Shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon