Sana ol

22 0 0
                                    


"Sana ol may pera" sambit ko ng magbayad si Vish ng pera dito sa cashier dito sa food court.

Kumunot noo nya at umirap din.

"Luh? Rich kid ka nga e pero nag sasana-ol ka, lakas trip mo beh?" Maarte na sambit ni Vish na ikinatawa ko.

"Oo lakas ng trip ko kay sana ol, sya lang may lahamz saken e." Natatawa kong tugon at sinamaan ako ng tingin ni Vish.

"Dami mong alam gaga."

Tawa ang tugon ko at bumili rin nang makakain.

"Oh tamo bibili ka rin pala ng makakain mo e mag sasana ol kapa, send na kaya kita sa mental?" Sabi nya.

"Sana ol mental." Sabi ko.

"Gaga isa pang sana ol isesend na talaga kita sa mental."

"Hehe hindi na shatap na ako." Awkward kong tawa at naghanap kami ni Vish ng mauupuan dahil pota nakakabagot kaya tumayo.

Makalipas ng ilang minuto ay nakahanap kami ng mauupuan at umupo rin kami agad.

Nilapag namin ang pagkain namin at agad na kumain.

"Sana ol kumakain." Sabi ko habang ngumunguya.

"Ghorl kumakain ka na nga ngayon e." Sambit ni Vish at binatukan ako.

"Aray oi Vish taph taph na- ARAY! HUHU ANG SAKET MAMA!" Sigaw ko tangina naman kasi tong si Vish ang sadista much at piningot pa ang tenga ko at sinabunutan pa ako. Wowerxcz talaga!

Pinagtitinginan na rin kami ng tao pero ala kami paki HAHA.

"Ayan gaga ka sana ol pa ulit ha?" Ngiti ni Vish ng pilit.

Nag peace sign na lamang ako at ngumiti.

"Hehe."

Lumipas ang ilang minuto at nanahimik kami saglit, pero ng magkatingininan kami ay nagtawanan kami agad.

Tangina ang panget nya e, HAHAHAH.

Makalipas ng ilang minuto ng pag tawa bigla syang nagsalita,

"Hoy Lhie, CR Lang ako saglet ha. Balikan kita." Sambit nya at umalis.

"Sana ol binabalikan." Bulong ko at
Tinapos ang pagkain ko.

Ng matapos ko na ang pagkain ko may naramdaman akong umupo sa tabi ko.

Hindi na ako nagabala na tumingin kasi baka si Vish lang rin yon.

"Oh bilis mo naman Vish-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng lumingon ako sa katabi ko.

"Hi Lhie." Ngiti sa akin ni Sore.

GAGO CRUSH KO TO MGA MAMSH, I REPEAT, KATABI KO CRUSH KO WUSHU! OMG OMG OMG!

"Ginagawa mo dito?" Sambit ko at uminom ng tubig, tangina kinakabahan ako okay?

"Tambay Lang tapos nakita kita." Ngiti nya ulit.

Wag kang ganyan labs nahuhulog ako sa ngiti mo ugh.

Baka panty ko rin yata mahulog. Hehe charot!

"Sana ol tambay."

He chuckled. Putangina ka gandang tawa naman iyan!

"Sana olerz ka ngayon no Lhie? HAHA." Sambit nya.

"Ye." Tipid kong sabi.

Syempre kailangan ko maging pakipot noh! Hindi ako katulad nyo marupokpokz!

Habang magkatabi kami may nakita akong magjowa.

"Sana ol may jowa." Sabay turo ko don.

"Oo nga no-" sabi nya pero pinutol ko rin yon ng may makita akong magka holding hands.

"Sana ol may kaholding hands." Sabi ko.

"Hawakan ko-" naputol ulit pagsasalita nya ng may tinuro ulit ako.

"Sana ol marunong mag ML." Turo ko dun sa lalaki.

"Marunong naman-" naputol ulit dahil may tinuro akong aso.

"Sana ol cute." Cute ng aso e hehe.

"Cute-" naputol ulit ng may tinuro akong naka upo.

"Sana ol nakaupo."

Tumingin ako sa kanya at medyo nang gigil na sya. Ayan sana ol pa Lhie.

"Isa pang-" naputol ulit dahil nagsalita ako ng,

"Sana ol isa- hmmmp!"

Nagulat ako dahil biglang may dumampi na malalambot na labi sa labi ko.

Nanlaki mata ko, shit mehn.

Gumagalaw ang labi nya pero hindi ko tinutugon, dinamdam ko lang ang lambot ng labi nya sa labi ko.

Parang tinatambol puso ko.

Halos sampung segundo nagtagal ang halik at humiwalay rin ang labi nya sa labi ko.

"Isa pang sana ol, hahalikan kita." Seryoso nyang tugon at ngumiti lang ako.

"Sana ol hahalikan." Ngiti ko at muli nanaman nyang sinakop labi ko.

Okay gais, lagi na po akong mag sasana ol-

"Waw Lhie sana ol may kahalikan!"

TANGINA MO VISH.

•••

END.

One-Shot storiesWhere stories live. Discover now