Bakit ganto?

28 0 0
                                    


• • •

"Hmmmm, truth or dare?" Ngiting tanong ng babae habang sumisipa ng bato.

"Truth." Tipid ng tugon ng lalaki habang nakapamulsa.

"Nagbago na ba ang nararamdaman mo para sa akin?" Bigla nawala ang ngiti ng babae at bigla itong nagseryoso at taimtim na tinignan ang lalaki.

Nanigas ang lalaki at hindi makagalaw sa tanong ng babae.

Maya maya pa ay tumingin din ito sa babae, pinukulan nya ito ng malungkot na tingin.

Biglang sumilay ang ngiti sa mapupulang labi ng lalaki, isang mapait na ngiti.

Malungkot na tumingin ang lalaki sa babae.

"Mahal pa rin kita kahit mali." Mapaklang tugon ng lalaki , sumilay ang lungkot sa kulay abo niyang mata.

"Kahit maling mali, hindi nagbago ang nararamdaman ko." Tugon ulit ng lalaki na siyang nagpalambot sa tuhod ng babae.

Kumawala ang luha sa mata ng babae at tumingin sa lalaki ng may lungkot.

"Bakit kasi hindi sumasangayon sa atin ang tadhana?" Maluha luhang bulong ng babae sa hangin.

• • •


One-Shot storiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant