We met at last

78 0 0
                                    


"STREIAAAAAAA WOI HUNG HANG NA BABAITA PANSININ MO KO!" sigaw ni reielle na ikinamulagta ko.

'tanginang bata to ang lakas ng bibig' sabi ko sa isip ko at lumingon sa aking kaibigan na may umuusok na ilong.

"Ayan sa wakas lumingon na gaga ka kanina pa kita tinatawag ano hindi ka ba mag energen at lutang na lutang ka dyan aba!" Naiinis nyang sabi at napakamot nalang ako ng ulo.

"Sorry naman tangina lakas ng bibig mo gaga ka ba" sagot ko.

"Aba sumasagot ka na ah? Boyfie oh! Si Streia sinasagot na aq huhu bad."

Napailing na lamang ako kasi gago wala namang jowa to e HAHAH.

"Gaga ka Reielle wala kang jowa depungal aba!" Sigaw ko sa kanya na bigla nag pawala sa ngiti nya at tinignan ako ng masama.

"Aba aba panira ng moment porkit may jowa e- teka diba anniversary nyo ngayon?" Agad nawala ang masama nyang tingin at napalitan ito ng mapang asar na tingin.

Syempre ako naman tong si gaga kinilig hehe pero nalungkot din ako agad ng bigla ko naalala hindi nya pa ako binabati.

Anniversary pa naman namin wala pa syang bati tangina nakaka drain amputa.

"Oh anyare bat naging ganyan muka mo? Para kang adik sa itsura mo gago HAHAHAHAH" pinukulan ko ng masamang tingin si Reielle.

"Manahimik ka gago. Di ako natutuwa sayo heh! Di na nga ako binati ganyan ka pa gago." Nakasimangot ko na sagot.

"Ayan RP pa gago walang poreber sa RP kase HAHAHAH"

Tamo talaga tong babaeng ito ang bitter porkit walang jowa e gago -.-

Pero hindi ko lang maiwasan malungkot kasi isang taon na kami ng ka-RS ko sa RP at yes, minahal ko sya kahit peke lang ang mundong iyon. Pero iba yung pinaramdam nya na pagmamahal sa akin kahit through chat and vc lang ang lahat. Sya lagi nagpapangiti sa akin tuwing may problema ako at hindi nya ako iniwan despite sa ugali ko.

Nakaka drain lang kasi hindi manlang nya ako binati. Hindi nya ba naalala? Parang dinudurog yung dibdib ko tuloy na ewan nakakainis.

"Woi babaita samahan mo ko mamaya sa plaza may ipina pabili si mama." Sabi ni Reielle.

"Cleaners ako ngayon." Sambit ko.

"Ah ganon ba? Antayin nalang kita mabilis ka lang naman mag linis."

Tumango na lamang ako at saka nag ring ang bell ng school meaning tapos na ang free time namin.

'a few hours later'

"CLASS DISMISSED. CLEANERS WILL BE REMAINED."

Unti unti nawalan ng mga studyante ang classroom at nag hand gesture muna sa akin si Reielle bago lumabas ng classroom.

'nabaliw na talaga tong bata to' iling iling ko sa aking isipan at nag simulang mag linis at binilisan na lamang.

Makalipas ng ilang minuto natapos ako sa paglilinis at inayos ang mga upuan at desk na din ni ma'am. Inayos ko na din upuan ko at kinuha ko na ang mga gamit ko, lumabas na rin ako ng room at nilock ko na.

Pababa na ako mula sa third floor ng makita ko si Reielle na nakatutok sa cp nya at may chinachat tapos naka ngiti din. Binalak ko syang gulatin kaya tahimik ko syang nilapitan at pumaroon sa likod nya at bigla kong tinakpan ang mata nya.

"AY TIPAKLONG NA BAOG! SINO TO MAMA AYOKO PANG MAWALAN NG LAMANG LOOB!"

Nagpigil ako ng tawa at nilapit ko yung bibig ko sa tenga nya at bumulong,

One-Shot storiesWhere stories live. Discover now