Chapter I

363 7 0
                                    

CHAPTER I

Third Person's POV

"Nandiyan na siya!"

"Umayos kayo!"

"Bakantihin niyo ang mesang iyon!"

"Ano ba! Umayos ka!"

Ilan lang yan sa ingay na nililikha ng mga estudyante sa loob ng cafeteria dahil parating na ang kamahalan, ang namamahala sa council at ang namamahala sa buong paaralan.

"Magandang umaga po, miss Davis." Yumuko ang ilan na malapit sa kaniyang kinatatayuan.

Wala siyang ibang tiningnan at dumiretso lang siya para kumuha ng kaniyang makakain. 'Nang makakuha na siya ng pagkain na na sa kaniyang tray ay umikot siya para tingnan ang buong cafeteria, doon ay nakita niya ang lahat na nakatayo at buhat buhat ang kani-kanilang tray. "M-maupo lang po kayo 'kung saan niyo gusto." Sabi ng kasunod niya sa pila. Napayuko si Eirene. This is so uncomfortable.

Ibabalik na sana niya 'yung tray na naglalaman ng kaniyang almusal 'nang may pumigil sa kaniya. "Hi miss Davis!"

"Kakain ka na po ba?" Masayang bungad ng kambal na sina Chase at Cale.

"Hindi." Maikling sagot ni Eirene.

"E narinig ko po na marami kayong gagawin ngayon ha?" Napaisip bigla si Chase.

"Ano ka ba! Lagi namang abala ang ating kamahalan!" Binatukan ni Cale si Chase.

"Please. You're too loud." Ilalapag na sana ni Eirene ang tray niya ng kunin ito ni Chase mula sa kaniya.

"Sabayan ka na namin, kamahalan!" Napanguso naman si Cale. "Hindi ba nila alam 'kung gaano ka-uncomfortable ang ginagawa nila? Sinong gaganahan pang kumain 'kung lahat sila ay nakatitig sa 'yo?"

Dinala ng kambal si Eirene sa sulok ng cafeteria at doon sila na-upo. "Ano bang gusto niyo?" Pag-uumpisa ni Eirene.

Inakbayan ni Chase si Cale at inakbayan din ni Cale si Chase. "We help those who are in need, princess!"

"'Di ba ang bait namin?" Chase. Tumawa ang dalawa habang napayuko naman si Eirene. "Saka huwag ka na kasing magsungit, miss Davis." Siniko ni Cale si Chase.

"Hindi sa sobrang sungit mo, kamahalan, ha? Ano lang, talagang lubos lang lahat ng sinasabi nitong si Chase." Tumayo na si Eirene at iniwan na ang dalawa.

"Kamahalan!" Cale.

"Miss Davis!" Chase. Tawag ng kambal sa kaniya.

Palabas na sana si Eirene ng cafeteria 'nang may biglang humablot sa kaniyang braso. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ganiyan mo na ba batiin ang iyong tiya?" Hinigpitan ni Lomuela ang pagkakahawak niya kay Eirene.

"Wala na akong kamag-anak. Patay na silang lahat."

"Siguro kaya namatay ang mga magulang mo 'cause they failed to raise you well." Sinampal ni Eirene ang tiya Lomuela niya at nanginginig na hinila ito sa braso.

"Wala 'kang karapatang magsalita ng ganiyan sa loob ng teritoryo ko. Tandaan mo, akin ang palasyong ito. Nandito ka rin sa paaralang pagmamay-ari ko. Huwag mo ring kakalimutang ako ang namumuno rito sa ating nasasakupan. Lumugar ka ng naaayon sa kapangyarihan mo. Wala 'kang binatbat sa akin, na sa akin na ang lahat ng uri ng kapangyarihan sa mundong ito at isa lang ang mayroon ka sa mayroon ako."

"Huwag 'kang magmataas! Baka nakakalimutan mong may karapatan pa rin ako rito! Napakataas na ng tingin mo sa sarili mo! Bakit? Saan ka ba dadalhin ng trono mo?!"

"Huh. Talaga ngang wala 'kang ibang alam 'kung hindi ang magyabang at purihin ang sarili. I believe a princess is greater than an extra. Stay on your toes, Lomuela." Binitiwan na ni Eirene ang tiya niya at tumalikod na.

This is draining the hell out of me.

Sumunod si Lomuela kay Eirene na na sa harapan na ng pinto ng cafeteria. Hinila niya ito sa balikat at malakas na sinampal. "How dare you?! You are always below me! You must be kidding me!" Nakalmot si Eirene sa kaniyang kanang pisnge kaya agad niyang tinakpan ang kaniyang mukha.

No. Not today.

"At ano?! Ngayon magtatago ka?! Matapos mong gumawa ng 'kung anu-anong istorya?! Wala 'kang pinagkaiba sa iyong ina! Pareho kayong walang kwenta!" Sasampalin na sana ulit ni Lomuela si Eirene 'nang may biglang humarang sa kaniya.

"Kylo Edge Fuentes. Class B-1. It is my duty and my responsibility to protect the princess of this kingdom. I won't let you harm our ruler and our majesty." Sinilip ni Eirene ang lalaking humarang sa kaniyang tiya mula sa awang ng kaniyang mga daliri.

"Are you threatening me? Huh! Wala kayong pinagkaiba! Mga walang kwenta!" Umalis na ang tiya Lomuela niya at mabilis namang lumapit ang kambal na sina Chase at Cale kay Eirene.

"Kamahalan!"

"Miss Davis!"

"Are you okay?" Tanong ng tatlo.

"I want to go home. Send me to my room." Hinawakan ng kambal si Eirene sa magkabilang braso at ginabayan ito.

"Why are you covering your eyes?" Tanong ni Edge. "I'm feeling dizzy." Simpleng sagot ni Eirene.

"Nandito na po tayo, miss Davis." Sabi ni Chase. Na sa labas na sila ng dorm ng mga babae at hindi na sila puwedeng pumasok pa sa loob.

Nagsimula 'nang maglakad si Eirene habang nakatakip ang kaniyang mga mata. 'Nang paakyat na siya para pumasok sa main door ay bigla na lamang siyang napa-upo sa sahig. "Kamahalan!" Agad na dinaluhan ng tatlo si Eirene.

"Kaya mo ba, miss Davis?" Chase.

"I can."

"Anong klaseng tanong 'yun, Chase? She has all kinds of power! Kahit nakatakip ang kaniyang mga mata ay kaya ka niyang patalsikin. Baka nga kahit tulog siya ay kaya ka niyang paapuyin."

"Let's just guide her." Putol ni Edge sa kambal. Hinatid na ng tatlo si Eirene sa kaniyang room, hindi nila pinansin ang bawat tingin na iginagawad sa kanila ng iba pang mga babae.

"026743."

"Is that your passcode?" Tumango si Eirene. Pinindot na ni Edge ang passcode ni Eirene. Pumasok na si Eirene sa loob ng silid niya. Habang nakatalikod ay inutusan niya ang tatlo. "Stay here. I will come out after a minute or two." Isinara na ni Eirene ang pinto ng kaniyang silid at mabilis na pumunta ng kaniyang vanity table. Mabilis niyang inilagay ang kaniyang brown lens at agad na lumabas ng kaniyang silid. Bumungad naman sa kaniya ang tatlo.

"Anong kailangan niyo?" Nagsalubong ang mga kilay ni Chase.

"Hinihintay ka namin?" Siniko naman ni Cale si Chase. "Anong ibig mong sabihin, kamahalan?" Cale.

"Tapatin niyo na ako, anong kailangan niyo mula sa akin? Bakit lumalapit kayo sa akin? May gusto ba kayong makuha mula sa akin? O baka naman may gusto kayong sabihin tungkol sa nalalapit na pagdiriwang ng paaralan, na hinding hindi ko pinapayagan?"

"Stop it, miss Eirene." Napukaw ang atensyon ni Eirene dahil sa biglang pagsabat ni Edge.

"You're the most suspicious one so you shut up." Napasimangot naman si Chase.

"We just wanted to accompany you! You're being so brave but you look so lonely! Masama na po bang magpagaan ng loob?"

"Chase, shh. Ayan ka na naman." Hinagod ni Cale ang likod ng kakambal. "But seriously speaking, princess, this is so offending." Natigilan naman si Eirene.

"Rest well, miss Eirene." Hinila na ni Edge ang kambal palabas ng girls' dormitory.

What did I do so wrong again?

Selfless Bloody RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon