Chapter V

29 2 0
                                    

CHAPTER V

Third Person's POV

Nag-aalmusal ngayon si Eirene at sa hindi niya malamang dahilan, kasabay niyang mag almusal ang tatlo na handang handa na sa pagpasok. "Tell me, why are you here?"

"Sabi kasi ni Mr. Forson, makakaalis lang kami kapag magaling ka na kasi baka daw mamaya may madulas saamin na isa at masabi niya pa sa iba na may sakit ka tapos tanungin nila 'kung anong sakit mo, baka mamaya mabanggit daw namin na hindi mo puwedeng gamitin ang kapangyarihang mayroon ka at ang sukdulan lamang na puwede mong gamitin ay anim at kalahating porsyento or anim na porsyento na lang para maikli." Napahilot sa sentido si Eirene 'nang marinig niya ang paliwanag ni Chase.

"Puwede ba naming malaman 'kung bakit anim na porsyento na lang ang puwede mong gamitin?" Tanong ni Cale.

"It's six and a half!"

"Pareho lang 'yun." Napapikit si Eirene 'nang marinig niya ang pangangatwiran ng kambal.

"You don't have to know. For now, bilisan niyo 'nang kumain at lumabas na kayo." Napakamot sa batok si Chase.

"May nagawa na naman ba tayong mali?" Bulong niya sa kakambal na si Cale. Nagkibit balikat naman si Cale.

'Nang matapos 'nang kumain ang apat ay mabilis na tumayo si Eirene. "Pakisabi sa departamento ng paghuhusay na bibisita ako after 30 minutes. Maaari na kayong umalis." Napaisip naman si Chase.

"Miss Davis, anong gagawin mo  doon?"

"Hindi niyo na kailangang malaman pa." Lumabas na ang tatlo at pumasok naman si Mr. Forson para iligpit ang pinagkainan ng apat. Ngumiti ito kay Eirene.

"Anong mayroon, Mr. Forson?" Tanong 'nang dalaga 'nang mapansin niya ang pagngiti ng matanda.

"Ngayon lang kita nakitang may nakasabay ulit sa pagkain, anim na taon na ang nakalilipas."

"Kailangan ko lang kasi silang makasabay sa pagkain dahil ikinulong mo sila rito. Huwag ka ng mag-isip ng 'kung anu-ano pa, Mr. Forson." Tumango tango si Mr. Forson.

"Sige, 'kung iyan ang gusto mo." Pumasok naman si Eirene sa kaniyang silid para maligo at makapunta na rin siya sa Sky Academy. Manghihingi siya ng listahan para sa top 3 students na angat sa physical activities.

Sa Class B lang siyang puwedeng kumuha ng mga itatalaga niya dahil ang mga magulang ng Class B ay maaaring na sa militar, mga kawal o di kaya'y mga doktor sa palasyo na may alam sa pakikipaglaban. Ang Class A kasi ay binubuo ng mga anak ng mga miyembro ng namamalakad ng Sky Academy at ng mga pinagkakatiwalaang opisyal sa palasyo at ang Class C naman ay binubuo ng mga anak ng kasambahay, ng mga tagapangalaga, guwardiya o di kaya'y mga tagapaghatid ng mensahe sa labas ng palasyo. 

Ang kambal ay nabibilang sa Class B habang si Edge naman ay nabibilang sa Class C ngunit 'nang mamatay ang mga magulang ni Edge sa pagseserbisyo sa hari't reyna, itinaas siya sa Class B 'kung saan makakatanggap siya ng iba't ibang proteksyon mula sa palasyo. Ang mga Class na ito ay naiaapply maging sa kinabibilangang grupo sa loob ng palasyo, hindi lamang sa Sky Academy.

Pagkarating sa departamento ng paghuhusay ay agad niyang tinungo ang opisina ng presidente ng nasabing departamento.

"Magandang umaga po, Princess Eirene." Umupo siya sa swivel chair at agad na sinabi ang kaniyang pakay.

"Who are the top 3 active in physical activities?"

"Ang kambal po na sina Chase Evans at Cale Evans. Ang nangunguna naman po ay si Edge Fuentes."

"Wala na bang iba?" Nag-isip naman ang presidente ng departamento.

"Lahat ng armas po kasi ay kaya nilang gamitin, kontroladong kontrolado na rin po nila ang kani-kanilang mga kapangyarihan. Maliban sa kanilang tatlo, ang iba po ay average na lang 'kung maituturing."

"Tawagin mo ang lahat ng na sa Class B at papuntahin mo sila sa training fields. No special activity. I just want to know something." Yumuko ang presidente ng departamento sa kaniya at agad na ipinakalat ang balita mula sa mikropono na nakakonekta sa mga speaker ng mga classrooms.

"Ipinapatawag ang lahat ng estudyante sa Class B na bumaba sa training fields. Inuulit ko, ipinapatawag ang lahat ng estudyante sa Class B na bumaba sa training fields." Inagaw naman ni Eirene ang mikropono. "In just two minutes." Pinatay na ni Eirene ang linya at lumabas na siya ng opisina at dumiretso na sa training fields.

Pagkarating roon ay nakapila na ang mga estudyante mula sa Class B.

"Sino sa inyo ang kaya akong patayin?" Maraming umiwas ng tingin at hindi iyon nakalagpas sa paningin ni Eirene kaya napangisi siya.

"E sino naman kaya sa inyo ang kaya kong patayin?" Napasimangot ang kambal at ang iba naman ay napangisi.

"Anong ginagawa mo, Princess Eirene?" Bulong ng sekretarya niya.

Nagkibit balikat lamang siya dahil alam niyang may makakarinig sa kanilang pag-uusap kaya pinili niyang hindi sagutin ang matanda.

"Who among you here is the strongest?" Marami ang nagtaas ng kamay. "'Yung mga hindi nagtaas ng kamay, step forward." Kasama sa mga nag step forward ang tatlo.

"E sino naman sa inyo ang papatay para sa akin?" Humakbang paharap ang halos sampung estudyante. "Kaya niyo bang sundin ang lahat ng sasabihin ko?" Nabawasan ng lima kaya nakaisip si Eirene ng mas mabigat na tanong.

"Can you die, as a replacement of Princess Eirene?" Nagulat siya 'nang ang mag step forward lang ay ang tatlo. Napangiti naman si Mr. Forson.

"You may now go back to your respective classrooms." Bumalik na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom at bumalik na rin si Eirene sa kaniyang opisina at pinag-usapan nila ni Mr. Forson ang mga pinal na itatalaga nila para hanapin ang Libro ng mga Kapangyarihan.

"Wala na tayong ibang magagawa, Princess Eirene. Sila talaga ang pinaka-akma sa posisyong ito." Napabuntong hininga naman si Eirene.

"I cannot trust them but I should." Tumango si Mr. Forson. "But I'm concerned about one thing."

"Ano iyon?"

"Gusto ni Luerto na isa ako sa mga itatalaga sa labas ng palasyo."

"Hindi niya puwedeng gawin iyon dahil nalalapit na ang pagtatalaga ng mamumuno sa ating palasyo. Itatalaga ka na bilang susunod na Reyna, Princess Eirene."

"Ngunit papatayin niya si Lomuela." Napabuntong hininga si Mr. Forson.

"'Kung sana ay kaya niya ring mag sakripisyo para sa iyo. Kapag itinalaga ka sa labas ng palasyo, hindi natin masisigurado ang iyong kaligtasan."

"Ayaw 'kong may mamatay na naman ng dahil sa akin."

"Masasayang ang sakripisyo ng iyong mga magulang, anak."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Mr. Forson." Napabuntong hininga si Eirene.

"'Kung wala na akong ibang magagawa, susundin natin ang 'kung anumang desisyong iyong pipiliin. Basta tandaan mo, palagi mo akong kasama sa laban mong ito. Hangga't hindi ikaw ang uupong bagong Reyna, hindi kita iiwan, Princess Eirene." Niyakap ni Mr. Forson ang dalaga.

"Salamat po."

Selfless Bloody RedWhere stories live. Discover now