Chapter VII

14 2 0
                                    

CHAPTER VII

Third Person's POV

Alas dos na ng gabi ay hindi pa rin makatulog si Eirene dahil kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa tatlo kapag sila'y na sa labas na ng palasyo. "Trust your people. Trust your people." Bulong niya sa sarili habang pinipilit na matulog. May bigla namang kumatok sa kaniyang pintuan. Sa opisina niya kasi siya ulit natulog dahil marami silang gagawin lalo pa't maglalabas na sila ng mga tauhan para hanapin ang Libro ng mga Kapangyarihan.

"Princess Eirene." Lumabas agad siya ng kaniyang silid at agad na pinuntahan si Mr. Forson. "Hindi pa po ba kayo nakakapagpahinga?" Umiling si Eirene.

"Hindi po ako makatulog." Napatango tango si Mr. Forson.

"Handa na po ba kayo?" Sa oras na makasakay na ang tatlo sa kalesa ay kailangang makita at mabantayan ni Eirene ang mga ito hanggang sa makarating sila sa kanilang tutuluyan. Kailangan niya ring pumirma ng mga papeles para sa kaligtasan ng tatlo.

"Naghahanda na po ang tatlo, katulad niyo ay hindi rin sila nakatulog." Umupo si Eirene sa swivel chair niya.

"Siguraduhin niyong makakakain muna sila bago sila makaalis."

"Ayaw po nila. Pakiramdam kasi nila ay ang pagkain na ihahanda sa kanila ay ang huling pagkain na kakainin nila mula sa palasyo." Napailing si Eirene.

"Handa na ba ang lahat? Kailangan na nilang makaalis ng maaga para makarating sila doon hangga't hindi pa nagigising ang mga tao sa siyudad."

"Masisiguro naman po namin iyon, Princess Eirene. Gusto niyo ba munang kumain?" Umiling si Eirene. "Coffee would do." Tumango si Mr. Forson. Binuksan naman ni Eirene ang computer na ang mga may posisyon lang sa palasyo ang nakakagamit.

Pasulyap-sulyap siya sa kaniyang pinto, hinihintay na may kakatok.

Mabilis na lumipas ang oras at ngayo'y 3:20AM na. Nakadungaw siya sa kaniyang malaking bintana dahil mula dito ay natatanaw niya ang grand fountain 'kung na saan ang kalesa na naghihintay sa tatlo. Tumabi naman sa kaniya si Mr. Forson.

"Alam mo, napakabuti nilang mga tao. Mas nangamba sila para sa iyo, hindi alintana ang mga mangyayari sa kanila sa labas ng palasyo. Ngayon na lang ako nakarinig ng mga taong totoong nag-aalala para sa iyo. Hindi ka nila kayang iwan dahil natatakot sila na baka saktan ka ng mga taong lagi 'kang inaapi. Hinahangaan ko sila, napakabuti nilang mga bata." Yumuko naman si Eirene.

"You know my vision in life, Mr. Forson. I protect my people but I won't allow them to protect me. Nasanay na akong ganun na lang palagi. Sa mundong ito, 'kung ayaw mong masaktan, huwag mong hahayaang mapalapit sila sa iyo. Death is inevitable but once one of them dies or leaves, I'll die, too." Tinapik tapik ni Mr. Forson si Eirene.

"We should also give others the chance to protect us and take their sincerity and in exchange, we should also give protection to them and take all their thank yous and feedbacks. Do not torture yourself too much, Princess Eirene."

"Not now, Mr. Forson." Muling sumilip si Eirene sa bintana at nakita niya ang tatlo na palapit na sa kalesang sasakyan nila.

'Nang dumating na ang 3:30AM ay sumakay na ang tatlo sa kalesa. Nagulat si Eirene at Mr. Forson 'nang bigla itong lumarga. Dapat ay maghihintay muna sila ng ilang minuto pa bago magsimulang maglayag. "Anong ginagawa nila, Mr. Forson?" Nagkibit balikat si Mr. Forson. Bigla namang may kumatok sa opisina ni Eirene kaya agad nilang pinuntahan ito at binuksan.

Naabutan nila ang isang box sa paanan ng pinto. Binuksan ito ni Eirene at doon ay may isang sulat.

From: Vice President Luerto
Sa tingin mo ba ay hindi ko malalaman na ngayong araw at ngayong oras mo sila itatalaga sa labas ng palasyo? Not too fast, Eirene. You failed me again. Before they could cross the gate, they will die.

Agad na kinuha ni Eirene ang kaniyang kapa na nakapatong sa swivel chair niya at mabilis na tumakbo palabas ng kaniyang opisina. "Princess Eirene, saan ka pupunta?!" Habol ni Mr. Forson sa kaniya.

"They are in danger! In a minute or two, they could die!" Mabilis na lumabas si Eirene sa building na tinutuluyan niya at mabilis na tumakbo sa grand fountain para sundan ang daan na tinatahak ng kalesang sinasakyan ng tatlo. "Stop!" Mas binilisan niya pa ang takbo 'nang makita niyang malapit na ang sinasakyan nila sa may gate. Napalingon si Edge sa gawi ni Eirene 'nang marinig niya ang boses ng dalaga na tumatakbo palapit sa kalesa nila. "Miss Eirene?" Napalingon na rin ang kambal sa likod ng kalesa at nanlaki ang mga mata nila.

"Miss Davis!"

"Kamahalan!"

"I said stop! Stop right there!" 'Nang makita ni Eirene na halos lumagpas na sa gate ang ulo ng kabayo ay ginamit niya agad ang Earth element na mayroon siya. Gumawa siya ng malaking harang para hindi na magpatuloy tuloy pa ang takbo ng kabayo. 'Nang madama niyang aabot na ang paggamit niya sa kaniyang kapangyarihan sa anim na porsyento ay agad siyang tumigil ngunit nahuli na siya dahil nawalan agad siya ng malay at natumba na sa lupa.

'Nang huminto na ang kalesa ay muling napalingon ang tatlo sa likod nila at nakita nila mula sa malayo ang katawan ni Eirene na nakahandusay na sa sahig.

"Miss Davis!"

"Princess!"

"Miss Eirene!"

Dali daling bumaba ang tatlo sa kalesa at mabilis na nilapitan ang dalaga. Iniangat ni Cale ang mukha ni Eirene at tinapik tapik ito. "She's cold!"

"And pale!"

"We need to send her to her room!" Kinarga ni Edge ang dalaga at tinanguan 'nito si Cale. Hinawakan ni Cale sina Chase at Edge at mabilis niyang ginamit ang kaniyang kapangyarihan. Ilang segundo lang ang nakalilipas ay na sa loob na sila ng silid ni Eirene. Inilapag ni Edge ang dalaga sa kama 'nito at mabilis na tinanggal ang kapang suot 'nito at agad ring kinumutan. Kumuha naman si Chase ng palanggana at bimpo para punasan ang dalaga. Idinilat naman ni Eirene ang kaniyang mga mata kahit na hindi na kaya ng katawan niya ang gumalaw pa.

"Stay with me..." Natigilan ang tatlo at napatitig lang sila sa dalaga. "Please wait for me..." Tumango ang kambal habang nanunubig ang kanilang mga mata. "I will come with you..." Hinawakan 'nito ang pinakamalapit na kamay sa kaniya at ang kamay na ito ay kay Edge. "I will protect you..." Muling nawalan ng malay si Eirene.

"We will stay with you, miss Eirene. We will wait for you and you will join us in our mission. You don't have to protect us. We will protect you, our Princess Eirene." Tumango ang kambal sa sinabi ni Edge.

"We will, miss Davis, until our last breath."

"We will stay with you as long as you want to, Princess Eirene."

Selfless Bloody RedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang