Chapter II

118 5 0
                                    

CHAPTER II

Third Person's POV

Naglalakad si Eirene papunta ng kaniyang classroom 'nang bigla siyang napatigil dahil may dalawang tumatakbo sa pasilyo, hindi malayo sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis niyang nilapitan ang dalawa. "What is your section?"

"Miss Davis!" Chase.

"Kamahalan!" Cale.

Sinamaan ng tingin ni Eirene ang dalawa. "Ayos na po ba 'yung sugat niyo?" Itinuro ni Chase ang sugat sa mukha ni Eirene.

"The class is almost starting. Why are you still outside?"

"Kinain kasi ni Cale 'yung sandwich na hinanda ko!"

"Hindi nga kasi sabi ako 'yun!"

"Enough. Go to my office later, 2PM." Papasok na sana siya sa kaniyang classroom 'nang may natanaw siya mula sa malayo.

"Why are you still outside of your room?" Mabilis siyang nakalapit sa lalaking may katawag sa telepono.

"Miss Eirene?" Edge.

"Who are you calling?"

"Miss Lomuela." Napakunot ang kaniyang noo.

"Anong kailangan niya sa iyo?"

"She was talking about yesterday."

"What about yesterday?"

"I don't know. I can't remember." Mas lalong dumami ang namuong katanungan sa kaniyang isipan.

"Meet me at my office later, 2PM." Yumuko si Edge at bumalik na sa kaniyang classroom.

Ano na naman ba ang binabalak ni Lomuela?

ZH

Naka-upo si Eirene sa kaniyang swivel chair habang hinihintay ang tatlo.

"Gusto niyo po ba ng snacks, princess Eirene?" Tanong ng kaniyang sekretarya.

"No, thanks. Just get me a glass of water." Umalis na ang kaniyang sekretarya para kumuha ng tubig at siya namang pagpasok ng tatlo.

"So," Pag-uumpisa niya, "Explain."

"Wala po talaga akong ginawa, kamahalan. Ang kulit kulit kasi 'netong si Chase, iniwan na nga ako sa dorm tapos ngayon sisisihin niya pa ako. Kamuntikan pa akong mahuli kasi late na rin akong nagising tapos pagkapasok na pagkapasok ko ako 'yung sinisisi niya!" Pagpapaliwanag ni Cale.

"Huh! Bakit, hindi naman imposible 'yon ha! You can teleport anywhere! Huwag mo akong dinadramahan diyan! Ikaw 'yung kumain ng sandwich ko! 'Yun na nga lang 'yung baon ko kasi wala ng pagkain sa bahay, paano ba naman kasi, kain ka ng kain!"

"E ano pa bang iba 'kong gagawin sa pagkain maliban sa kainin?!"

"Alam mo namang wala pa tayong panggastos dahil hindi pa nagbibigay sila ina at ama!" Biglang reklamo ni Chase.

"E sino ba kasi ang hihingi sa atin ngayon?! Tapos na ako 'nung nakaraang buwan! Ikaw naman ang manghingi ngayon!"

"Aba! Aba! Aba! Ninakawan mo na nga ako dahil hindi mo ibinigay ng buo 'yung para sa akin e!"

"E 'yun lang naman talaga 'yung para sa 'yo e!"

"Chase and Cale. Full name please." Napahilot sa sentido si Eirene.

"Miss Davis!"

"Kamahalan!"

"Full name and class section, please!" Ngayon ay bakas na ang inis sa tono ng pananalita ng prinsesa.

Selfless Bloody RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon