Chapter III

46 3 0
                                    

CHAPTER III

Third Person's POV

"Class B. Step forward." Sigaw ng guro. "Today, we'll have a special activity. Our president from Class A-1, Ms. Eirene Bellona Davis, has requested for this." Naglabas ang guro ng iba't ibang armas. May mga espada, katana, baril at iba pa.

"Baril 'yan 'di ba, sir? Bakit po may baril? Hindi ba't bawal po 'yan?" Tanong ni Cale 'nang makita ang baril.

"Why? As you've all heard. I requested for this special activity." Dumating si Eirene na magkakrus ang mga kamay.

"Miss Davis!" Ngiting-ngiting tawag ni Chase kay Eirene.

"What's your power?" Tinuro ni Chase ang sarili niya at 'nang hindi sumagot si Eirene ay mabilis siyang sumagot.

"Fire element." Napatango si Eirene. Isa isang pinamigay ni Eirene ang mga armas sa mga estudyante sa Class B.

"One of the most powerful students from Class B is Mr. Evans, the both of them." Napangiti naman ang kambal.

"But I am more powerful than that idiot." Cale added. Binatukan ni Chase si Cale. "Aray ha!"

"Sunugin kita diyan." Pinanlakihan ng mga mata ni Chase si Cale.

"I'm giving the gun to Cale and bow and arrow to Chase." Masayang tinanggap ng kambal ang mga armas.

"Ayos!" Manghang manghang hinawakan ni Cale ang baril.

"Galing!" Sinubukan ni Chase ang kaniyang bow and arrow pero hindi niya pinakawalan ang palaso.

"Who else?" Itinuro ng guro si Edge. "You lied to me." Napaiwas ng tingin si Edge. "You cannot only hear from afar. You can also talk to someone through their minds."

"I can. It's from my father. I don't actually use it often so I thought I should not share about that." Kumunot ang noo ni Eirene. "Who is your father?" Hindi sumagot si Edge at maya maya lang ay may narinig si Eirene sa kaniyang isipan. Ang boses ni Edge.

My father is the right hand of your father.

Nanlaki ang mga mata ni Eirene, hindi makapaniwala sa napag-alaman. "Then my yaya before was your mom?"

Yes.

Umiwas ng tingin si Eirene. "I will give the katana to you. Let's start the match." Umalis na si Eirene at naupo siya sa upuan na na sa labas ng training fields. Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil muling nanakit ito dahil muling nanumbalik sa kaniya ang mga alaala niya kasama ang mga magulang ni Edge.

"Are you okay, Princess Eirene?" Tumango siya sa kaniyang secretary. "Pawis na pawis ka po." Umiling siya.

"I'm fine. Sumasakit lang ang ulo ko." Hinagod ng kaniyang secretary ang kaniyang likod. "'Nako naman, huwag mong papagurin ang sarili mo. Gusto mo bang ihatid kita sa iyong silid?"

"Kailangan 'kong panuorin sila, Mr. Forson. Kailangan na natin ng mga tauhan."

"Ako na po ang bahala. Magpahinga na lang po muna kayo." Tumango si Eirene at tumayo na. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya 'nang muling nanikip ang kaniyang dibdib. "N-No... I don't want to remember anything today..." Nawalan siya ng malay at agad siyang natumba sa sahig.

Natigil ang pag-eensayo sa training field at lahat sila ay napalingon sa gawi ng prinsesa. "Ay Diyos ko, Princess Eirene!" Pinilit ng matanda na buhatin si Eirene ngunit hindi niya kaya. Agad na nag teleport si Cale papunta sa kinalalagyan ni Eirene. "Kamahalan! Namumutla ka!"

Mabilis namang nakalapit sina Chase at Edge. "Miss Davis!"

"Tulungan niyo ako. Dalhin natin siya sa kaniyang opisina. Mayroon siyang silid doon. Ipapatawag ko ang kaniyang doktor." Mabilis na kinarga ni Edge ang dalaga.

"Tara na!" Bulalas ni Chase at mabilis nilang tinungo ang opisina ni Eirene.

"Don't teleport, Cale! Bawal natin gamitin ang ating kapangyarihan lalo na kapag na sa labas tayo ng training fields!" Paalala ni Chase sa kakambal.

'Nang marating na nila ang opisina ni Eirene ay mabilis nila itong ipinasok sa kaniyang silid. "Lumabas na muna kayo." Suhestiyon ni Mr. Forson. "Ipapatawag ko na agad ang doktor." Sumunod ang tatlo at naupo sila sa sofa na na sa office ni Eirene.

"Ano kayang nangyari kay miss Davis?" Chase.

"Putlang putla siya 'nung nakita ko siya kanina e." Cale.

"Dahil ba ito sa pag-uusap niyo kanina, Edge?" Napalingon ang kambal kay Edge na nakaupo sa tabi ng pinto ng kuwarto ng dalaga.

"I don't know." 

"Sino ba ang iyong ama? At totoo bang ang yaya niya dati ay ang iyong ina?" Tumango si Edge.

"You don't have to know further." Napakunot ang noo ni Cale. "Konektado ba ang lahat ng ito, six years ago?" Umiwas ng tingin si Edge.

Napaisip naman si Chase. "Yes. It was already six years ago when that tragedy happened. 15 years old pa lang si miss Davis 'nun 'di ba and she's already 21 now." 

"We are not allowed to talk about that." Putol ni Edge sa dalawa.

"We know but we want to know if you are connected to that tragedy. Alam naman nating nasawi ang mga magulang ni Princess Eirene dahil doon. Kapag naaalala niya ang mga nangyari 'nong panahong iyon ay nawawalan siya ng malay. You just happened to talk about that, indirectly." Sisi ni Cale kay Edge.

"For now, we just have to wait for her to wake up. Huwag ka 'nang manisi Cale. We know that miss Davis is strong." Awat ni Chase sa kakambal. Napabuntong hininga si Cale.

"I feel obligated because our father is the head of the military. Ni hindi manlang natin naprotektahan ang pinuno at prinsesa ng ating palasyo. Sigurado 'din akong magugulat si ina kapag nakarating na siya dito. Ngayon na lang kasi siya nakabalik dito. Bakit pa kasi siya ang naging royal family doctor, mapapagalitan tayo 'neto. Bakit nga ba kasi tayo nandito?" Binatukan ni Chase si Cale.

"Manahimik ka nga! Kakasabi mo lang na nagsisisi ka dahil wala manlang tayong nagawa para protektahan si miss Davis tapos ngayon gusto mong iwan natin siya dito para magtago kay ina?! Umayos ka nga, Cale!"

"Tingnan lang natin 'kung sinong unang titiklop sa atin kapag nakarating na si ina."

May biglang pumasok ng opisina ni Eirene kaya mabilis na tumayo ang tatlo at agad na binati ang ina ng kambal.

"'Nako! Ano na naman ba ang nangyari? Bakit nandito kayong dalawa? She has a weak heart, for kingdom's sake! Anong ginawa niyo! Hay 'nako!" Pumasok na ang kanilang ina para tingnan ang dalaga.

"Kasi naman, Edge e! Kami tuloy 'yung nasisi!" Singhal ni Chase sa binata.

"Huwag 'yun ang isipin mo! Puwede mo 'nang hingiin kay ina 'yung panggastos natin. Umayos ka Chase!" Suhestiyon ni Cale sa kakambal 'nito. Agad namang napasimangot si Chase.

"Wala akong makukuha ngayon, Cale! Galit na naman si ina sa atin."

"Kapag nakuha ko ang panggastos natin para sa susunod na buwan, wala 'kang makukuha ha!"

"Fine! Fine! Fine!" Lumabas naman ang kanilang ina at inabisuhan sila tungkol sa lagay ng dalaga.

"Stable na ang lagay niya. Kailangan niya lang uminom ng gamot pagkagising niya. Kayong dalawa, huwag kayong gagawa ng ikalalagay niya sa pahamak. Naiintindihan niyo?" Yumuko ang dalawa.

"Opo." Sabay na sagot ng kambal. "At ikaw hijo, huwag 'kang masyadong madaldal. May koneksyon pala kayong dalawa. Iwasan mong banggitin ang mga naaalala mo sa kaniya. Naiintindihan mo?"

"Opo, masusunod po." Lumabas na ang ina ng kambal kaya sinundan nila ito.

Sinilip naman ni Edge ang dalaga mula sa awang ng pinto. Pinupunasan ito ng kaniyang sekretarya.

Trauma... I didn't knew that it was this severe. I'm sorry.

Ang sabi niya sa isipan ng dalaga.

Selfless Bloody RedWhere stories live. Discover now