Chapter VIII

16 2 0
                                    

CHAPTER VIII

Third Person's POV

12NN na ay hindi pa rin nagigising si Eirene kaya kinakabahan na ang tatlo at si Mr. Forson. "Ilang oras na ang nakalipas, Diyos ko."

"Ano po bang iniisip niya at bigla niya na lamang ginamit ang kaniyang kapangyarihan?" Tanong ni Chase.

"It's too private at wala akong karapatan na sabihin iyon kahit kanino. Ang sigurado lang ako ay kasama na siya sa misyon niyo. Maaaring bukas o sa makalawa ay makakalabas na kayo ng palasyo."

"Bakit kailangan niya pang sumama sa amin sa labas ng palasyo? Inilagay niya pa ang sarili niya sa piligro." Napanguso na lamang si Chase.

"It was too dangerous." Tumango si Mr. Forson sa pahayag ni Edge. "Maaari niyang ikamatay iyon." Dagdag pa ni Edge.

"Pero may napansin akong kakaiba kanina. 'Nung tinatawag at hinahabol kami ng kamahalan, hindi lumilingon 'yung nagpapatakbo ng kabayo. Hindi ba't dapat na huminto siya, bumaba at yumuko sa harapan ng prinsesa?" Pagtataka ni Cale.

"Itanong niyo iyan sa kaniya pagkagising niya, siya lamang ang puwedeng sumagot niyan. Ang lahat ng bagay na konektado kay Princess Eirene o di kaya'y lahat ng mga gawaing kasangkot siya ay siya lamang ang maaaring makapagbibigay ng kasagutan." Ipinaalam muna ni Mr. Forson ang kaniyang sarili at bumaba na muna para kumuha ng tanghalian ng tatlo.

Sinilip naman ng kambal si Eirene sa nakabukas na pinto na naghahati sa opisina at kuwarto 'nito. "Kailan kaya siya magigising?"

"Ayos lang kaya siya?"

"Don't overreact..." Namamaos na sagot ng dalaga. Dali daling lumapit ang tatlo. Dahan dahan namang iminulat ni Eirene ang kaniyang mga mata.

"Miss Davis..." Naiiyak na niyakap ni Chase si Eirene.

"You're heavy..." Mabilis na humiwalay si Chase.

"Baka nakalimutan mo na lahat ng nangyari kaninang umaga ha, sasamahan mo kami, kamahalan. Promise, we will protect you." Dahan dahang tumango si Eirene.

"What the heck were you thinking, miss Eirene?" Hinampas ni Chase si Edge. "What?"

"Puwede bang huwag mo muna siyang pagsabihan?"

"I did that to protect all of you..." Pumikit muli si Eirene.

I knew it. No one would ever appreciate my actions. Even if I risk it all.

"But you almost died! We will be responsible for that!" Tinakpan ni Cale ang bibig ni Edge. "Get off me!"

"Edge!" Banta ng kambal kay Edge.

"That was so dangerous, we should not tolerate that! 'Kung gusto niyang sumama sa misyon natin, she should learn from her mistakes!" Bumangon si Eirene at agad siyang inalalayan ng kambal pero iwinaksi niya lamang ang mga kamay 'nito. "Now you're acting all mad? We need an explanation." Tinitigan ni Eirene si Edge at pinigilan ang sariling maiyak.

"Explain? Bakit? May makikinig ba sa akin?" Dumiretso si Eirene sa banyo para maghilamos at kumuha siya ng damit at nagpalit.

"Where are you going, miss Davis?" Pinigilan ng kambal si Eirene ngunit hindi ito nagpapigil. "Putlang putla ka pa po..." Bulong ni Cale.

"I am the one who deserves an explanation." Kahit na nanghihina ay lumabas si Eirene sa kaniyang silid. "No one can stop the princess. I forbid you from following me, if you do, be ready to get punished." Nagdire-diretso si Eirene palabas ng kaniyang silid at palabas ng kaniyang opisina. Bumaba siya sa kaniyang palapag at dumiretso siya sa opisina ni Mr. Luerto.

Selfless Bloody RedWhere stories live. Discover now