Chapter IV

43 3 0
                                    

CHAPTER IV

Third Person's POV

'Nang magising si Eirene ay agad niyang tinawag ang kaniyang sekretarya. "Please give me the list."

"Kailangan mo munang magpagaling, Princess Eirene." Dahan dahang bumangon si Eirene at lumabas siya ng kaniyang silid para dumiretso sa kaniyang office.

"We need to move, Mr. Forson." Napabuntong hininga na lang si Mr. Forson at inalalayan niya muna si Eirene sa pag-upo bago iabot ang listahan ng mga sa tingin niya'y puwedeng gumanap sa misyon.

"Tatlo lang ang kakailanganin natin at itong tatlo ang napili namin. Ang kambal na sina Mr. Chase Evans at Cale Evans at ang estudyante mula sa Class B-1 na si Mr. Edge Fuentes." Napahawak sa labi si Eirene at napaisip.

"I'm not sure if I can send them outside the kingdom. Ang kambal na ito ay masyadong madaldal, baka agad nilang mabanggit sa mga makakasalamuha nila na galing sila sa palasyo at anak sila ng pinuno ng militar. Nagdududa 'din ako kay Mr. Fuentes, Mr. Forson."

"Ano ba ang napapansin mong kakaiba sa kaniya, Princess Eirene?"

"Kilala niya si Lomuela at 'nung nakaraan lang ay mukhang napasailalim siya sa itim na mahika ni Lomuela."

"Anong ibig mong sabihin?"

"He might be a spy. I don't know." Bigla namang may pumasok kaya agad na natigil ang dalawa sa kanilang pag-uusap.

"Good morning po, Princess Eirene." Dumating ang sekretarya ng asawa ni Lomuela.

"Anong kailangan mo?"

"Pinapatawag po kayo ng ating mahal na bise presidente."

"Ano na naman ba ang pinaplano ng mag-asawang iyon. Wala na ngang kwenta 'yang asawa ni Lomuela tapos ang lakas niya pang ipatawag ako."

"Mag-ingat po kayo sa inyong binibitiwang mga salita, Princess Eirene." Paalala ng panauhin niya.

"At bantayan mo rin ang pagsagot sa akin. Tandaan mo, kahit anong sabihin ko ay susundin ng ating palasyo. Ngayon pa lang ay puwede ka 'nang mawalan ng trabaho 'kung gugustuhin ko."

"At hindi pa puwedeng magpupupunta punta 'kung saan saan ang ating prinsesa. Pakisabi na lang sa iyong bise presidente." Singit ni Mr. Forson. Inis na inis na lumabas ang sekretarya ng asawa ni Lomuela, na siyang bise presidente ng paaralan.

Inabot naman ni Mr. Forson ang mga gamot ni Eirene. "Uminom po muna kayo ng gamot ninyo."

"Salamat, Mr. Forson. Kahit papaano ay may kasama pa rin ako."

"Bakit ayaw niyo pong tumira sa palasyo? Hinihintay po kayo ng mga tauhan niyo roon." Umiling si Eirene.

"Hindi ko pa po kaya." Nginitian naman ni Mr. Forson si Eirene.

"'Kung saan ka komportable, Princess Eirene. Kukuha lang po muna ako ng almusal ninyo." Tumango si Eirene.

Binuklat ni Eirene ang mga papel na nakatambak sa kaniyang mesa. Bilang siya na lang ang natitirang tagapagmana ng pamilyang Davis, kailangan niyang maayos na mapangalagaan ang palasyo at ang kaniyang mga sinasakupan. Pati ang na sa labas ng palasyo ay kinakailangang mapanatili niyang maayos. Sa loob ng palasyo naman ay may paaralan sila, ang Sky Academy, na siyang ipinatayo ng kaniyang lolo para sa mga anak ng mga opisyal ng kanilang palasyo. Siya ang tumatayong Presidente ng Sky Academy dahil ang maaari lang umupo sa posisyong ito ay ang mga kasalukuyang namumuno sa palasyo. Kapag tumuntong siya ng dalawampu't dalawang taong gulang ay maaari niya 'nang makuha ng buo ang palasyo. Noong sampung taong gulang pa lamang kasi siya ay nabanggit ng kaniyang pumanaw na ama na gusto niyang kapag nag-dalawampu't dalawang taong gulang ang kaniyang anak ay saka pa lamang ipapamana sa kaniya ang kanilang kaharian. Saka lamang siya puwedeng ihirang na Reyna Eirene. Sa ngayon ay tumutuloy siya sa dorm ng Sky Academy, dahil hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari sa nag-iisa niyang tahanan.

Selfless Bloody RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon