Chapter 1

41 16 0
                                    

Chapter 1

Napakagandang panoorin ng mga bituin sa langit na nakapalibot sa buwan na siyang nagbibigay ng liwanag ngayong gabi. Hindi ko alam basta nakakapagrelax ako tuwing tinitingnan ito. Ang sarap sa pakiramdam.

"Nix iha," nilingon ko ang tumawag sa akin. Manang Linda smiled at me. "Alam kong nandito ka na naman kaya dito na ako dumiretso para ibagay sa'yo 'tong tinimpla kong gatas."

Ngumiti rin ako sa kaniya bago tinanggap ang baso ng gatas.

"Thank you po. Marami po kasi ngayong butuin at napakaliwag po ng buwan kaya magandang panoorin," paliwanag ko at tumingala ulit sa mga bituin sa kalangitan.

"Mahilig ka talaga sa ganyan," tatango-tangong saad niya. "Hindi ka pa ba papasok, iha? Malamig na rito, baka sipunin ka," nag-aalalang saad niya pa.

"Maya-maya po papasok na rin ako.  Dito ko na lang uubusin 'to," sagot ko.

"Ganon ba? Oh siya, tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Wag na masyadong magtagal dito sa labas," paalala niya. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.

Nang pumasok na si Manang Linda ay tahimik ulit akong tumingin sa kalangitan.

Sana ganito na lang palagi.

Bumuntong hininga ako at inubos na ang gatas bago nagpasyang tumayo para pumasok. Hinugasan ko muna ang basong ginamit bago umakyat sa kwarto. Humiga na ako sa kama at hindi nagtagal ay dinalaw rin ng antok.

Kinabukasan, nagising ako ng may kumatok sa aking kwarto.

"Nix, iha, gising na. Baka ma-late ka sa klase, unang araw mo pa naman ngayon," sigaw ni manang.

Napabangon ako bigla at tinignan ang orasan, 6:00 AM. Ayaw kong ma-late kaya bumangon na rin ako.

"Mag-aayos na po ako."

Naligo na ako, at makalipas ang ilang sandali ay natapos at nagbihis. Dahil sa transferee ako, wala pa akong uniform kaya naman plain white shirt, black skinny jeans, and white sneakers ang suot ko ngayon. Sinuot ko na rin ang school ID pati ang bag ko.

"Good morning," nakangiting bati ko sa kanila.

"Good morning, sweetie. You look beautiful," saad ni mommy.

"Thank you po," saad ko na lang. Binobola na naman ako ni mommy.

Kumuha ako ng bacon at kaunting kanin at saka nagsimulang kumain. Makalipas ang ilang minuto ay nagtoothbrush na ako bago nagpasyang magpaalam.

"Mom, Manang, alis na po ako," saad ko at humalik sa pisngi ni mommy.

"Take care, anak. Good luck!" nakangiting saad ni mommy bago ako sumakay sa kotse. Ngumiti naman ako sa kaniya.

Nang nasa biyahe ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala pa naman akong kilala roon maliban sa kaibigan kong si Celine.

Nang makarating sa school, bumaba na ako at nagpaalam sa driver. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at linis ng paligid.

'Aphro International School' basa ko sa aking isipan ng pangalan ng school.

Itetext ko na sana si Celine kung nasaan na siya nang may biglang yumakap sa akin.

"Nix, waaaaa! I really can't believe na dito ka na talaga mag-aaral. I miss you," si Colleen lang pala, kinabahan ako don ha.

"Grabe kinabahan naman ako sayo! But anyways, I miss you too, and wala naman na akong choice kasi pinauwi ako ni mommy," saad ko habang magkayakap pa rin kami.

Her Only Wish (On-Going)Where stories live. Discover now