Chapter 2

30 16 2
                                    

Palabas na kami ngayon ng canteen ng biglang may pumatid sa'kin dahilan kung bakit natapon ang juice na dala ng babae sa kanyang uniform at sa damit ko.

"WHAT THE?! ARE YOU BLIND?!" sigaw niya sa'kin.

"Sorry hindi ko sinasadya" paumanhin ko at tinulungan siyang punasan ang kanyang damit ng dala kong panyo.

"HUWAG MO NGA AKONG HAWAKAN NG MADUMI MONG KAMAY! ANONG HINDI MO SINASADYA?! NAKIKITA MO BA 'TONG DAMIT KO, HA?! BOBO KA BA?!" sigaw niya pa.

"ABAT! NAGSORRY NA NGA ANG KAIBIGAN KO DIBA? HINDI NGA NIYA SINASADYA, BINGI KA ATA E!" biglang singit ni Celine. Hinawakan ko naman siya sa braso para pigilan.

"HINDI IKAW ANG KINAKAUSAP KO KAYA MANAHIMIK KA NA LANG KUNG AYAW MONG MADAMAY DITO!" nanggigigil na saad ng babae.

"TA---" pinigilan ko ulit si Celine para manahimik siya, baka madamay pa siya.

"Sorry hindi ko talaga sinasadya, napatid kasi ako" paliwanag ko.

"WALA AKONG PAKE KUNG NAPATID KA DAHIL TANGA KA!"

Abat kanina pa to ha?! Nagsorry na nga ko't lahat mumurahin pa rin ako! Kinalma ko na lang ang aking sarili dahil alam kong may kasalanan ako sa nangyari sa damit niya. Kahit hindi ko sinasadya, may kasalanan pa rin ako kahit papaano.

"Sor--"  hindi ko na natapos ang sasabihin ng tinulak ako ng babae kaya napasalampak ako sa sahig.

"Nix!" dali dali akong nilapitan ni Celine at tinulungang tumayo. "Ano bang problema mo?! Kanina ka pa, nagsorry na nga ang tao sayo bat kailangan mo pa siyang itulak?! Ikaw yata ang tanga eh!" Sigaw sa kanya ni Celine sa mismong mukha niya.

"What did you say?!" nanlilisik na matang saad ng babae.

"Sabi ko tanga ka!" nakangising saad naman ni Celine.

Doon ko lang napansing lahat ng tao sa loob ng canteen sa amin nakatingin at nagbubulungan pa. Napahinto ang mga mata ko sa tinatawag nilang A4. Namamangha ang dalawa sa kanila habang ang isa naman ay nakakunot ang noo at napadako ang mga mata ko sa isa sa kanila na kanina pa seryoso ang mukha na akala mo ay may kaaway.

"How dare you?!" napabaling ako sa harap ng sumigaw ulit ang babae. Makasigaw naman 'to. Tss.

"How dare you to that to my friend?!" sigaw pabalik ni Celine.

"Tama na Lin, hayaan mo na siya" hinarap ko ang babae."I'm sorry" paumanhin ko for the last time at nagbow saka hinatak si Celine palabas ng canteen.

"BUMALIK KA DITO HINDI PA TAYO TAPOS!" dinig pa naming sigaw niya pero dumiretso na kami ni Celine.

"Grabe naman yung babaeng yun. Nakakainis!" pagmamaktol ni Celine

"Hayaan mo na lang, wala tayong mapapala don" saad ko

"Eh nakakainis kasi. Nagsorry ka na nga't lahat andami pa ring sinasabi" kita sa mukha niya ang inis.

Nandito na kami ngayon sa loob ng classroom. Nilapag ko ang aking dalang gamit at nag umpisang basahin ang ibinigay ni Celine na notes para hindi na ako masyadong mahirapan mamaya, may 30 minutes pa naman.

Habang nagbabasa ako, naglalaro naman ng games si Celine sa kanyang cellphone. Maya maya pa ay pumasok na ang ilan sa mga kaklase namin. Yung iba nakatingin pa sa amin. Bigla na namang umingay kaya naptingin ako sa labas ng room at doon ko nakita ang kumpol ng mga babae na nakatingin don sa apat na lalaki, papasok sila sa room kung nasaan kami.

"Classmates natin sila" saad ni Celine, nakita niya siguro ang pagtataka sa mukha ko. Tumango lang ako at bumalik na sa pagbabasa.

Nakita ko sa kilid ng aking mga mata na dumiretso sa likod sa kabilang side ang apat na lalaki. Hinati kasi sa dalawang side, left side at right side, ang mga upuan at sa every side may four columns at five rows, bale sa left side sila nakaupo at sa pinakadulo. Kami kasi ni Celine nasa right side, fourth row.

Her Only Wish (On-Going)Where stories live. Discover now