Chapter 10

20 13 0
                                    

Nauna na sa room ang dalawa dahil dumaan pa ako sa cr para maghugas ng kamay. Paakyat na sana ako ng makasalubong ko si Frost. Tumingin pa muna siya sa akin bago ako nilampasan.

"Wait!" saad ko pero hindi pa rin ito tumitigil sa paglalakad.

"Teka lang, Frost!" habol ko sa kanya.

Huminto siya. Pumunta naman ako sa harapan niya. Saka nahihiyang tumingin sa kanya. Matalim niya naman akong tinignan. 

Okay. What now, Nix?

"What?" seryosong tanong niya.

Kaya ko to! Huminga pa muna ako ng malalim saka siya ulit tinignan sa mga mata.

"Umm, t-thank you nga p-pala sa pagdala sa a-akin sa ospital" kinakabahan kong saad.

"Okay" aniya. "But don't you ever call me Frost. We're not close."

"S-Sorry" napapahiyang saad ko.

Pinagpatuloy niya na ang paglalakad hanggang sa hindi ko na siya makita pa.

"Asan ka galing?" Tanong ni Celine pagdating ko sa room.

"Sa cr lang" sagot ko naman.

"Ah" aniya.

Dumating si Miss kaya di na kami nakapag usap pa. Nilapag nito ang libro at maliit na bowl na may lamang mga nakarolyong papel. Para saan naman to?

"Okay class, you will make a research paper about a certain topic." The whole class frowned about what Miss said. "Don't worry, hindi niyo mag isang gagawin ang research. See this?" aniya na hawak ang bowl. "Dito nakalagay ang topic na ireresearch ninyo. At kung sino man ang pareho ang nabunot ay ang magiging magkapareha."

Biglang naexcite ang ilan dahil sa sinabi ni Miss. Nagsimula ng bumunot ang bawat isa sa amin. Huling bumunot ang nasa pinakadulo. Sabay naming binuksan ang nakarolyong papel.

"I'll give you three days to finish your research." And for the second time, my classmates frowned, again.

"But Miss"

"No 'buts', Mr. Vargas" pigil sa kanya ni Miss. "Find your pairs" saad niya pa saka bumalik sa table niya.

"Ano yung nabunot niyo?" Tanong ni Rhea.

"Bullying" ani Celine.

"Depression" saad ko. "How about yours?"

"Child abuse" sagot niya.

"Aw, sad. Wala man lang isa sa atin ang naging pair" nakangusong ani Celine.

"Excuse me, may nakabunot ba sa inyo ng Bullying?" Tanong ni Grey.

"Ah oo, si Celine. Bakit Bullying rin ba ang nabunot mo?" sagot ni Rhea.

"Yeah" sagot nito. Namula naman ang si Celine.

"Ayuyuyu.." tukso ko sa kanya. "Kinilig ka naman?"

"Hindi ah" tanggi niya.

"Hindi raw. Asus, sa pula ng mukha mo, tatanggi ka pa ba?" bulong ko.

"Nix naman!" mahinang asik niya. Natawa naman ako.

"Anong nabunot mo?" tanong ni Kai sa akin.

"Depression, sayo?" saad ko.

"Smoking" sagot niya.

"Pair kayo ni Frost" singit ni Zedrin. 

Nagulat ako sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? Si Frost ang magiging pair ko? Si Frost na sobrang cold? Si Mr. Sungit?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Only Wish (On-Going)Where stories live. Discover now