Chapter 6

6 13 0
                                    

Frost's POV

Lumabas galing sa kusina si manang na may dalang pagkain.

"Magmeryenda na muna kayo" aniya.

"Thanks manang" ani Zedrin.

"May kasama pala kayo" aniya saka pinagmasdan si Nix. "Kay gandang babae, kaninong nobya ka iha?" bigla naman itong namula.

"P-Po?" aniya.

"Manang naman, classmate namin siya" sagot ko, tinignan naman ako ni manang saka ngumiti.

"Aba e, pasensya ka na iha. Akala ko kasi isa sa mga lokong ito ang nobyo mo" natatawang ani manang.

"A-Ayos lang po" nahihiyang sagot naman niya. 

"O, siya maiwan ko na muna kayo. Kumain ka nang marami, iha" aniya saka bumalik sa kusina.

Habang nag aayos kami ng gamit, lumapit ang kapatid kong si Elaine Kay Nix at umupo sa tabi nito. Pinagmasdan ko sila.

"Ate, may boyfriend ka na po ba?" biglang tanong ni Elaine.

Natigilan kami sa tanong na iyon ni Elaine, habang si Nix naman ay napaubo kaya inabutan siya ng juice ni Kai.

"Xiexie" aniya.

"Elaine" saway ko sa aking kapatid, tumingin naman ito sa akin ng nakasimangot.

"Tinatanong ko lang naman siya kuya e" aniya at tumingin ulit kay Nix.

"Wala akong boyfriend" nakangiti niya itong sinabi.

Hindi ko alam pero napatitig ako sa mga ngiti niya.

"Kung ganon po, pwede ka bang maging girlfriend ni kuya Frost? Wala rin po kasi siyang girlfriend" bumalik ako sa wisyo ng dahil sa sinabi ni Elaine.

"Elaine, halika nga rito" saad ko, nakabusangot naman itong lumapit sa akin.

Kailan pa siya natuto sa ganitong usapan? She's just seven years old for pete's sake.

"Where did you learned that, princess?" tanong ko sa kanya.

"Kuya Erwin brought his girlfriend, yesterday. Kaya naisip ko po na dapat ikaw rin may girlfriend na kasing ganda at bait nang girlfriend ni Kuya" she said while hugging me. Kuya Erwin is our older brother.

"Woah!" saad nila Zed.

"Paano ba yan, dre? Gusto ka nang magka girlfriend ni princess" ani Grey.

"Shut up" asik ko saka hinarap si princess. "Di mo na ba love si kuya?" tanong ko.

"Syempre love po kita, but you also need to have a girlfriend na po just like what Kuya said" aniya.

Si kuya talaga, kung ano anong sinasabi dito kay princess.

"Don't mind Kuya Erwin. You should rest, first. May gagawin pa kasi kami, okay?" saad ko saka kinurot ang pisngi niya.

"Okay po" sagot niya, hinalikan niya muna ako sa pisngi.

Lumapit pa muna ito kay Nix at bumulong. Nakita ko kung paano natigilan si Nix pero kalaunan ay nakangiting tumango.

Ano naman kaya ang sinabi ng makulit kong kapatid?

Nang umakyat na si princess sa papunta sa kanyang kwarto ay saka ako lumingon kay Nix.

"Sorry" saad ko.

"No, it's okay" aniya habang nakangiti.
Napatitig na naman ako rito.

Damn! What's happening to me? Argh!

Her Only Wish (On-Going)Where stories live. Discover now