Chapter 7

14 12 0
                                    

Nix's POV

Nandito kami ngayon sa canteen, nakapila. Nauna ako samantalang nasa likod ko naman si Celine. Umorder ako ng lasagna at isang bottled water.

Malapit na sana ako sa bakanteng table ng biglang may sumagi sa akin dahilan kung bakit natapon ang dala kong pagkain.

"Sh*t!"

Napaatras ako ng kaunti ng maranig ang boses niya. Bumilis ang takbo ng puso ko dahil sa kaba. Dahan dahan kong inangat ang aking paningin at doon ko nakita ang galit sa mukha niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"S-Sorry, hindi ko sinasadya" nakayukong saad ko.

"May magagawa ba yang sorry mo sa nangyari sa damit ko!" singhal niya.

"Nix, what ha------ oh my gosh!" ani Celine ng makalapit ito sa amin.

Kinuha ko ang panyong dala saka pinunas ito sa damit niya. Pero tinabig niya ang kamay ko dahilan kung bakit nahulog ang panyo.

"Get your f*cking hand off me!" singhal niya kaya napaatras ako. "Sa susunod kasi, wag kang tatanga tanga."

Mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko. Sa bilis nito, nasasaktan na ako ngunit hindi ko pinapakita dahil alam kong mag aalala si Celine.

"Hoy! Wala kang karapatang murahin ang kaibigan ko!" galit na saad niya kay Frost.

"Shut up! I'm not talking to you" seryosong saad niya saka bumaling ulit sa akin. Kitang kita ko talaga sa mga mata niya na galit siya, naiinis at naiirita. "Umalis ka na sa harap ko baka mas lalo pang uminit ang ulo ko" mariing saad niya.

"S-Sorry" nakayukong saad ko naman.

"Hindi ko kailangan yang sorry mo, alis!" singhal niya.

Magsasalita pa sana si Celine ngunit pinigilan ko siya. 

"Nix, ano ba? Hahayaan mo na lang na pagsalitaan ka ng gagong to?!" aniya na tinuro pa si Frost.

"What did you say?!" inis na tanong naman nito ngunit hindi man lang siya pinansin ni Celine. "Get out" mariing saad niya na nakaturo sa pa sa exit ng canteen. "I SAID, GET OUT!"

Mas naramdaman ko pa lalo ang sakit ng dahil sa galit na sigaw niya. Hindi ako makatingin sa kanila dahil alam kong namumutla na ako.

"Frost, tama na" pigil ni Zedrin.

"Bingi ba kayo? Sabing umalis na kayo e!" singhal niya pa ulit.

Nahilo ako bigla kaya napakapit ako kay Celine saka huminga ng paulit ulit. Ang sakit na talaga ng dibdib ko.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Celine na hinawakan pa ako sa magkabilang braso.

Huminga pa muna ako ng malalim.

"L-Let's go" saad ko ng medyo kumalma na ako saka siya hinatak palabas.

Huminto kami ni Celine sa soccer field saka naupo sa bench sa ilalim ng malaking puno.

"Nix, namumutla ka" nag aalalang aniya. "Dadalhin kita sa clinic."

"Wag na, ayos lang ako" mahinang saad ko.

"Dali na" pamimilit niya pa.

"Ayos lang talaga ako" nakangiting saad ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"May dala ka bang gamot?" saad niya na lamang.

"Mmm" sagot ko saka kinuha ang maliit na bote sa aking bulsa at ipinakita sa kanya.

"Good. Sa malapit na restaurant na lang tayo kumain" aniya, tumango naman ako.

Habang nasa kotse kami panay ang tanong ni Celine kung okay lang ba ako, sinagot ko naman siya okay lang pero hindi pa rin siya napapanatag.

Her Only Wish (On-Going)Where stories live. Discover now