Chapter 8

18 13 0
                                    

Celine's POV

Alam kong ayaw na ayaw ni Nix na pagsalitaan sila tita ng ganon. Loko kasi tong mga to e. Walang magawa sa buhay.

Matapos iyong sabihin ni Nix ay wala ni isang nagsalita sa kanila. Tinalikuran niya na lamang ito.

"Kung wala kayong magawa sa buhay niyo, tigilan niyo ang kaibigan ko" seryosong saad ko.

Kukunin ko na sana ang bag namin ng biglang...

Binato ng malakas ni Jane ang bolang hawak nang boyfriend niya. Tumama ito sa ulo ng kaibigan ko.

"Nix!" sigaw ko saka dali daling lumapit sa kanya.

Bago pa ako makalapit na salo na ni Eli si Nix.

She is unconscious. And I saw blood in her nose.

"Oh my God! Nix, wake up" naiiyak na sabi ko.

Nag aalala ako ng sobra. Hindi ko alam ang gagawin ko. May takot siya sa dugo.

"Grey get my car. I'll bring her in the hospital" ani Eli saka binuhat si Nix.

Galit naman akong tumayo saka nilingon ang grupo nila Jane. Halata ang takot sa mukha niya. Dapat lang!

"Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko, tandaan niyo to, mananagot kayong lahat lalong lalo ka na!" galit na saad ko na nakaturo pa kay Jane.

"Hey, mamaya na yan. Let's go!" ani Eli kaya sumunod na ako sa kanya.

Si Eli ang nakaalalay kay Nix sa backseat, nandito naman ako sa front seat. Habang si Grey naman ang nagmamaneho.

Panay ang iyak ko habang nasa biyahe kami. Kinakabahan ako. Hindi ko rin alam kong paano ko sasabihin kay tita ang nangyari.

Pagdating namin sa ospital, nilagay ni Eli si Nix sa stretcher.

"What happened to patient?" Tanong nang doctor.

"T-Tinamaan po siya ng bola" naiiyak kong sagot.

"Sorry, hanggang dito lang kayo" saad ng nurse.

May binigay sa'kin ang isang nurse na papel na kailangang fill up-an. Nanginginig ang kamay ko.

"Relax" mahinahong saad ni Grey na hinawakan pa ang nanginginig kong kamay.

Kung hindi lang ako kinakabahan ngayon siguro kanina pa ako kinikilig dahil sa ginawa niya. Pero hindi e, natatakot ako para sa kaibigan ko, para kay Nix.

"N-Natatakot *sob* a-ako *sob*" umiiyak kong saad.

"Don't worry, she will be okay" aniya saka ngumiti. "Tawagan mo na lang muna ang parents niya, they need to know."

Tumango naman ako saka dinial ang number ni tita.

Nakailang ring pa muna ito bago niya nasagot.

"Hello" aniya.

"H-Hello, *sob* tita si C-Celine po ito *sob*"

Her Only Wish (On-Going)Where stories live. Discover now