Chapter 5

7 13 5
                                    

Nix's POV

"Thanks again, Nix" ani Rhea ng makapasok kami sa room.

"Kanina ka pa thank you ng thank you, wala nga lang yon" natatawang saad ko.

"Excuse me" ani Zed at tumingin kay Rhea "Nakita ko kanina ang nangyari sa canteen, are you okay?" tanong niya, nakita ko kung paano namula ang pisngi ni Rhea. Naku naku may something.

"A-Ayos lang naman" nahihiyang aniya.

"Are you sure?" paniniguro niya.

"Mmm" aniya at tumango.

"Ehem.." si Celine kaya napabaling sa amin ang atensyon ng dalawa.

"How about you, Nix?" tanong nito sa'kin.

"Ayos lang" sagot ko.

"Ang astig mo kanina" aniya.

Eh? Ano naman ang astig don?

Ngumiti na lamang ako sa kanya at sumenyas na aalis. Tumango naman siya.

"May something yung dalawa?" usisa ko.

"I don't know, lagi naman kasing ganyan si Zed" saad ni Celine.

"Anong lagi naman?" tanong ko.

"Lagi niyang tinatanong yung mga kilala niya if okay lang ba sila kapag nakita niya itong nabubully" aniya.

"Ah, akala ko may something e" saad ko.

"Kailan ka pa naging chismosa Nixandra?" tanong niya na makataas pa ang isang kilay.

"Chismosa agad? Hindi ba pwedeng curious lang?" nakasimangot kong saad.

"If you say so" aniya at nagkibit balikat pa. "Oh" nilahad niya sa akin ang notebook. Binuksan ko ito at nakitang tungkol sa previous lessons ang nakalagay.

"Aw, thank you. Love ya!" masayang saad ko.

"You're always welcome" aniya.

"Yung pasalubong mo nga pala hindi mo nakuha kahapon" saad ko ng maupo kami.

"Ay oo nga pala, nawala sa isip ko" aniya.

"Dadalhin ko na lang bukas" ngumiti naman siya ng malapad.

"Thank you" aniya at kinurot ang pisngi ko.

"Hays, bat kailangang may kurot pa?" inis kunwaring saad ko.

"Ang cute mo kasi" anito.

"Alam ko, hindi mo na kailangang sabihin" biro ko.

"Lakas ng self-confidence mo ha" natawa naman ako.

"Joke lang" saad ko.

Ilang sandali pa ay dumating na ang prof namin at nagsimulang magdiscuss. May mga nasasagot rin naman ako tuwing nagtatanong ang dalawang magkasunod na prof. Thanks to my best friend, Celine.

"Nix, library tayo" ani Kai nang magbreak time kami.

"Sige" saad ko. "Lin, library muna kami para sa scrapbook."

"Sure" aniya at pumunta sa kagrupo.

"Tara?" ani Kai, tumango naman ako at sumunod sa kanya papunta sa library.

"Kayo na ang bahalang maghanap ng librong gusto niyong basahin" ani Grey at umalis para maghanap ng sarili niyang libro.

Naghanap na rin ako ng librong pwede Kong basahin. Lumiwanag bigla ang mga mata ko ng makita ang librong tungkol sa outer space. Kinuha ko ito at nilapag sa mesa saka sinimulang basahin. Napapangiti ako tuwing nililipat ko ito sa susunod na pahina.

Her Only Wish (On-Going)Where stories live. Discover now