Chapter 3

34 16 2
                                    

"Tapos na meeting niyo?" tanong ni Celine

"Yeah, bukas na lang rin namin pag uusapan yung mga iba pang gagawin" sagot ko. "Saka nagmamadali rin yata yung isa don, yung mukhang masungit."

"Ah si Eli?" natatawang aniya. "Lagi talaga yun nagmamadali na akala mo may hinahabol na oras."

"Halata nga" saad ko na lang. "Kayo, tapos na ba?"

"Katatapos lang" aniya habang inaayos ang gamit sa bag. "Let's go? Excited na akong makachika si tita."

"Tara."

Nandito na kami sa parking lot ng AIS, naghihintay sa driver namin. Nakita pa namin ang apat na ulupong papunta rin dito sa kinatatayuan namin ni Celine.

"Ah, Nix. Ano kasi, ahmm pwede ko bang makuha number mo?" Napakurapkurap naman ako sa tanong ni Kai. Nabigla ako don ha?

"H-Ha?" hindi makapaniwalang saad ko.

"I mean, hihingin ko sana ang number mo para mainform kita bukas, hehe" nahihiyang aniya.

"Ah g-ganon ba?" nag init ang pisngi ko.

Binigay niya sa akin ang kayang cellphone, kaya tinype ko na lamang ang number ko saka binalik sa kanya.

"Thanks" nakangiting saad niya.

"Kai, ano ba?! Sasama ka ba o hindi?!" sigaw nung kung sino. Nilingon namin ito, si Mr. Sungit. Nagmamadali na naman po siya.

"Wait! Pano, bukas na lang ulit Nix. Una na kami, ingat kayo" aniya

"Ingat din" saad ko

"Bye, ingat" saad naman ni Celine, sumakay na ito sa kotse. Kumaway pa siya sa amin hanggang sa tuluyan na silang nakaalis.

"Am I dreaming or something?" ani Celine. "Si Kay pa talaga ang nanghingi ng number mo?! Kyahhh!!!" Napatakip na lamang ako sa aking tenga ng dahil sa tili niya, niyugyog pa ko.

"Pwede ba, Celine kumalma ka? Ang OA mo masyado e" saad ko, pero halata pa rin sa mukha niya na di siya makapaniwala. "At siya na rin ang nagsabi para mainform niya ako sa scrapbook na gagawin."

"Kahit tungkol sa scrapbook pa yon, the fact that Yoshi Kai Tanaka asked for your number, it's unbelievable" OA nga talaga.

"Wag mo ngang bigyan ng malisya" binatukan ko pa siya pero mahina lang naman, para tumigil siya.

"Duhh, this is the very first time na nanghingi ang isa sa A4 ng number ng babae dito sa school. Sila kasi mismo ang hinihingan nung mga students dito. Ikaw ang first, Nix alam mo ba yun?" andaming sinabi e.

"E ano naman ngayon?" Kunot noong tanong ko

"Ang swerte mo, ganon yun"

"Tss, tara na nga andyan na si Manong" una na akong pumasok sa kotse, sumunod naman siya.

"Nakakaloka talaga" ayan na naman siya. "But anyways, daan muna tayo sa cafe malapit sa inyo, bibili ako ng milktea. Libre na kita, dahil alam kong favorite mo yun."

"Yan, ganyan dapat. Di yung andami mo pang sinasabi." nakangisi pa ako, sumimangot naman siya.

"Ang kuripot mo lang talaga, ganon yun."

"Hindi naman sa kuripot ako, nagtitipid lang."

"Nagtitipid? Para saan naman, aber?"

"In case of emergency?"

"Emergency, emergency, andami niyong pera Nix"

"Hindi naman kasi pwedeng hingi lang ako ng hingi kela mommy if hindi naman necessary yung paggagamitan ko nito."

Her Only Wish (On-Going)Where stories live. Discover now