Baler 2

223 24 1
                                    

Drown

"Hey! Wake up! Miss!" Dinig kong yugyog sa akin ng isang lalaki, naramdaman kong may kung anong kumukulo sa aking tiyan at biglang akong napa-upo at lumuwa ng maraming tubig.

Patuloy ang pag-ubo ko at nang mapaspasan ako ay nilingon ko ang lalaking katabi ko, hindi ko makita ang itsura niya dahil sobrang dilim dito sa tabing dagat at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagpapaliwanag sa paligid.

Medyo malayo kami sa mga Hotel kaya madilim at hindi abot ang mga ilaw dito, Umubo muli ako bago siya magsalita.

"I told you, you might drown" Aniya pero inirapan ko lang, naka-luhod siya sa buhangin at nakaharap sa akin. Siya yata ang sumagip sa akin mula sa malditang dagat.

"Shut up! I don't need your warning, I'm a professional surfer kaya 'wag mo kong sinasabihan!" Singhap ko sa kanya at inirapan siya.

All that I can say is he has a broad and wide shoulders, muscel-muscle rin siya at may pagka-wavy ang kanyang buhok. Naka board shorts siya at topless kaya kahit madalim ay na-aaninang ko ang kanyang inducing abs at basang katawan.

Shet! Sa tinagal-tagal ko sa Baler ay ngayon lang ako nakakita ng lalaking may Hot Inducing Abs! kahit noon ay puro payatot at buto't balat lang na mga turista ang nakikita ko, pero ngayon ay nakikipagsabayan ang panahon sa pagbabago.

Look at that body! sa America lang ako unang nakakita ng kanyang katawan, kung meron man sa Pilipinas ay maaring mayayaman sila kaya hindi sila pakalat kalat tulad nang isang 'to na pakialemero sa gusto kong gawin sa buhay.

Gwapo sana siya sa aninag ko sa mukha niya, kaso tuwing na aalala ko ang pagbabawal niya sa akin kanina ay lalo akong naiinis sa kanya, imagine, sino ba siya para pigilan ako sa gusto ko? kung malunod man ako kasalanan ko na 'yon at wala na siyang pakialam doon. Kung kamatayan mo na, kamatayan mo na, Aangal ka pa?

"You're a professional surfer pala, so you should know kung gaano kadelikakado ang magsurf kapag high tide" Iling niya na parang ako pa ang hindi marunong sa aming dalawa, baka masapak ko 'to kapag nalaman kong turista lang yan dito at tinuturuan ako. Makapagsabi akala mo may alam sa surfing. Tsk.

"Oh, shut up! Wag mo kong turuan kung nagmamarunong ka lang naman, boy" Sarcastic kong sabi sa kanya at tumaas ang kanyang kilay.

Tumayo ako kaya tumayo rin siya. Nagcrossed arms ako bago ko siya nilingon, nakita kong nakatitig siya sa akin, ang mga mata niya ay nagniningning habang naka-titig sa akin.

Biglang akong kinabahan sa mga titig niya, hindi ko alam kung bakit biglang binalot ng kaba ang aking sistema, siguro ay dahil hindi ako sanay? o dahil may naiisip akong hindi ko dapat isipin?

Paano kung bigla siyang magnakaw nang halik? Sasampalin ko ba siya? Sisigaw pa ako? Leche ano ba 'tong iniisip ko?

"You shouldn't be so arrogant and confident if you don't know the person you are talking with" Aniya at nalaglag ang panga ko sa mga sinabi niya.

Ang yabang nga naman nito 'to oh, masasapak ko 'to, english-englishin pa ako nasa Pilipinas naman, wait tinamaan ako roon ah.

Nakita kong nagcrossed arms siya at nakita ko ang kabuoan ng kanyang sexy body, nakakalaglag nga ng panga ang katawan niya, from his broad shoulders to his flexing muscles to his hot Inducing abs tila pwede na siyang model, medyo maputi siya at matangos ang ilong, unlike me morena na nga pango pa, but I'm really proud to be a Filipina kaya kahit hindi ako matangos at maputi ay tanggap ko.

"Where have you been Mutya? Kanina ka pa namin hinahanap, saan ka ba nagpupupunta?" Inis na sigaw ni Isagani habang papalapit sa amin ni "Mr. I don't know who is he".

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon