Baler 5

149 21 0
                                    

Wallet

Tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Mr. IDKWHI na ngayon ay may pangalan na, si Kith Adrian 'Hot' Falcone, included talaga ang hot kasi nakakalaglag panga ang kanyang hot enducing abs.

Wait! Bakit siya nandito sa tapat ng restroom ng babae? May balak ba siya sa'king masama? wait! Sinusundan niya ba ko?! Kokomprontahin ko na sana siya pero walang emosyong may inabot siya sa akin.

Nakatitig lang ako sa kanyang mala-tsokolateng mata pero may iniabot siya sa akin kaya't napalingon ako sa maugat niyang mga kamay, Damn! Sa sobrang halata ng green niyang ugat ay parang magta-transform na siya bilang isang Golem sa palabas na Maleficent.

Namamangha akong nagpabalik-balik ng tingin sa kanyang mga mata at sa kanyang mga kamay, ang gwapo niya sa liwanag sheeet! Para siyang God sa Greece leche!

Natauhan ako bigla nang magsalita siya, "Hindi ba't sa'yo 'to?" Tanong niya kaya napatingin ako sa hawak niya—Hawak niya ang wallet ko? paano napunta sa kanya 'to? gwapo sana kaso magnanakaw pala!

Dala ko 'to kanina kasama ng phone ko, hindi ako pwedeng magkamali kasi bumili pa ako shake kaninang nagbreak time kami sa training, so paano 'to napunta sa kanya?

"You stole it??" Gulat na tanong ko sa kanya at hinablot ang aking Kate Spade na continental wallet, agad kong hinampas ito sa kanyang dibdib.

"How dare you?!" Duro-duro ko sa kanya pero hinawakan niya ako sa aking mga kamay para pigilan, naiinis ako sa kanya, subukan niyang magpakita ulit sakin sinasabi ko sa kanya mapapa-aga ang meet and greet niya kay satanas.

"You droped it" Aniya sa akin kaya natigilan ako at napanganga, Ha? Ano daw? I what? I droped it? Ibig sabihin nahulog ko?

"Ha?" Nahihiyang tanong ko sa kanya, inalis niya ang kanyang kamay sa aking mga palapulsuhan bago ako sinagot.

"You droped it, nahulog mo kanina sa tabi ng pool, I saw it kaya pinulot ko at hinintay ka rito" Aniya at nilamon ako ng kahihiyan.

Kainin na sana ako ng lupa ngayon din! This is so embarrassing! Napakagat ako ng labi at yumuko, Mutya napakajudgemental mo girl.

"I'm not magnanakaw if you think that I am" Seryoso niyang sabi bago ako tinalikuran habang nakatulala.

Tinignan ko ang wallet ko para makasigurado, okay naman, walang labis walang kulang, pero nagtataka ako kung bakit may isang maliit na papel na nakaipit sa mga bills ko.

Wala naman akong natatandaang may inipit akong papel doon na naglalaman ng numero ng telepono, hinayaan ko na 'yon at baka isa sa mga kaibigan ko sa States ang nagbigay.

*****

Alas-seis na ng hapon at nagtext sa akin si Isagani na nasa bayan daw siya at nakiki-piyesta, ngayon ang ikatlong araw ng fiesta rito sa Baler kaya naman karamihan ngayon ng naka-check in ay dumadayo sa sentro para maki-piyesta.

Tinawagan ko si Pearl para magpasama sa bayan, pumayag naman siya at doon ko nalang daw siya hintayin sa labas ng Costa Pacifica, Pearl is the heiress of Costa Pacifica, a beach resort that is owned by her parents.

She is my best friend, madalas kami sa hotel nila noon kaya nakakalibre ako ng mga mamahaling pagkain at nakakapag swimming sa kanilang pools.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Where stories live. Discover now